Alam mo, kung meron lang ako lakas ng loob na hindi pakinggan si Hunter. Ginawa ko na. Gusto ko lumakad palayo. Ayoko na marinig ang mga sasabihin niya. It means aasa nanaman ako, right?
Aasa. Masasaktan. Iiyak. Babangon. Hahaba buhok. Magugupitan. And then back to basic again.
"What is it?" kunwari wala akong pake.
Pero, deep inside. Sana good news. Sana bawiin niya lahat ng sinabi niya sa'kin. Sana iwan na niya si Josa.
Sana ako na lang, ako na lang ulit.
Wait, wrong story pala.
"Gusto ko magsorry sa nasabi ko.."
"Okay." Sabi ko sa tono na parang aalis pero hindi padin humahakbang ang paa ko. "And then?"
"Oo, may nararamdaman pa ako sa kanya kaya hindi ko nakuhang magseryoso sa mga babaeng nakarelasyon ko noon. Pero alam mo? Hindi na si'ya ganon kalalim, babae. Two years ago, sobrang sakit pa ng nararamdaman ko dahil sa kanya, 'yung tipong ayoko makaranas na mainlove sa ibang babae dahil sa ginawa niya... Pero babae.."
Lumapit sí'ya sa'kin at tiningnan ako sa mata. No, h'wag mo akong tingnan ng ganyan, Hunter. Nalulusaw ako. Nawawala nanamana ako sa sarili ko. Baka mamaya andito na si Dora at magpapaturo ako hanapin 'yon.
"Pero nung nakasama kita. Unti unting nawala 'yon... Sa two years na nakasama kita hindi ko na si'ya naiisip katulad ng dati.. Dahil 'yon sa'yo, babae. Kahit sobrang nahirapan akong kasama ka.. Kahit gusto kita ihulog sa bridge palagi sa sobrang ingay mo. Pero hindi ko napansin na ikaw lang pala ang sikreto para makalimot sa masalimuot ko na nakaraa sa kanya."
"Bakit mo sinasabi 'yan ngayon? Para piliin kita?"
"Hindi. Dahil ayoko nga mawala ka. Ayoko sumama ka kay Garret. Dahil gusto ko sa'yo ako, at akin ka. Gusto ko patunayan sa kanya at sa lahat na kahit magulo ako mag isip minsan.. Ngayon, alam ko na kung ano ang gusto ko.. At ikaw 'yon.."
Pakiramdam ko biglang namula ang buong mukha ko sa sinabi niya.
"Kung pipiliin mo ako gusto ko dahil totoo ang nararamdaman mo. Kahit puro katarantaduhan ginagawa ko sa'yo nitong mga nakaraan araw. Gusto ko ako piliin mo kahit hindi kita masyadong sinusuyo. Dahil gusto ko piliin mo ako kahit malayo ako sa'yo, na ako padin ang iniisip mo. Dahil kung ako padin ang pipiliin mo pagkatapos ng ginawa ko sa'yo, nakakasiguro ako na hindi na magiging handlang si Garreth satin. I'm willing to do everything again. It's just, it pissed me off sometimes. I'm pissed with myself. Pissed with my feelings. Pero kapag nakikita kita hinahawakan ka niya parang sigurado ako, kung ano ang dapat kong ipaglaban.."
"And he's asking you to have a fair fight with me? Then give me another chance. Makikipag sabayan ako sa kanya. Please, babae. Wala lang ako sa tamang katinuan nung nakaraan gabi..."
"Dahil nag-away kayo ni Josa?"
"Hindi, nagkagulo gulo lang talaga ang isip ko..." nakayukong sambit ni Hunter.
Lumayo ako. Teka, bakit ba? Wala na ba karapatan magpakipot ang isang Ashley Esqueza na katulad ko?
ASHLEY ESQUEZA is maganda, maganda, maganda, sexy tapos maganda ulit. Tapos para akong lubid sa kanya nahihilahin bibitawan and then, pupulutin at hihilahin nanaman?
"Ikaw..." sabi ko. "Kung gusto mo ituloy, then go. Hindi kita pinipilit." Pero alam niyo naman ang deep inside thoughts ko.
Ayoko lang talaga ipahalata sa kanya. Ayoko nanaman magmukhang kawawa, saka optional. Ayoko, duh? Kahit ikaw naman 'diba? Hindi mo gugustuhin maging choice. Wala naman kasi kami sa 'Who wants to be a millionaire' na may choices hanggang D.
Pag hindi mo na kaya pwede magcall a friend.
"Sorry, babae.. I'm really really sorry..."
"Nandyan na tayo, Hunter. Nagkasakitan na tayo. Pero nasasayo talaga 'yan, kung gusto mo ako bigyan ng flowers, bigyan mo. Kung gusto mo Ferrero Rocher bouquet pa. Edi go, uulitin ko na hindi kita pinipilit. Walang pilitan na nagaganap satin dalawa. Okay?"
Napakunot naman ang noo ni Hunter sa sinabi ko.
Shiat, nahalata niya kaya?
Lumakad na ako palabas. Baka kung ano pa sabihin niya at mag-away nanaman kami. Baka magback out nanaman. Medyo mahaba na nga buhok ko ngayon, may magti-trim pa?
"Iba ka talaga." Nakangising sabi na nito sa'kin.
"Because I'm Ashley Esqueza, remember?"
"My boss." Ngumiti si Hunter. "Your bodyguard. Your protector."
Narinig niyo ba ang sinasabi niya? Kinikilig ako, oo! Sobrang kinikilig ako pero ayoko talaga ipakita sa kanya. Pulang pula na din sigurado ang mukha ko sa pinagsasabi niya.
Nakatingin si'ya sa'kin. Medyo nakagisi ng nakakaloko.
"Hoy! Kung akala mo kinikilig ako sa'yo nagkakamali ka." sabi ko. "Teka nga, makaalis na nga dito. Ay, pupunta pala ako sa kwarto may nakalimutan akong kunin. Tabi, tabi!" tinulak ko pa si'ya at nagmamadaling tumakbo sa kwarto namin sabay sara ng pinto.
Sumandal ako ng bongga at tinakpan ang bibig ko habang tumitili ng pabulong with matching paupo effect pa dito. Para akong magpapalpitate.
OHMYGOD! One inch haba nanaman sa buhok kong maganda.
"Uyyyy, si Ate kinikilig!"
"Ay! Buhok kong maganda!" nagulat ako. Si ken-ken nasa kwarto namin at nakangiting inaasar ako.
"Bakit ka andito?" umayos ako ng upo.
"Eh kasi akala ko umiiyak ka nanaman sa kwarto Ate, e. Hidi naman po pala." tawa nanaman ito ng tawa.
"Uy, ikaw bata ka! Hindi ako kinikilig ah!"
"Weh Ate, kinikilig ka po.. Kitang kita ko po.."
"Shh!" takip ko sa bibig niya. Baka kasi naririnig si'ya ni Hunter.
"Kinikilig ka Ate. Kinikilig ka! Uyyyy."
"Shh! Ken-ken! Oo na. Oo na. Kinikilig na. H'wag kana maingay satin lang 'to, ha?"
"Opo, Ate. Kinikilig ka po talaga?"
"Oo nga! Oo nga! Pero... Uhmmm. Konti lang. Hihi."
Nag-apir kami ni Ken-ken at lumabas ng kwarto. Wala e. Ganyan talaga. We always have that one guy, that whatever he did to us. We keep on coming back to them.
Pag dating talaga sa kanya. Wala. Tanga nanaman ako.
BINABASA MO ANG
Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)
HumorPayapa naman ang buhay ni Ashley Esqueza noong hindi niya pa pinapakialaman ang laptop ng hello ABS bodyguard niya na si Hunter. Sa kadahilanan mahanap ang lalaking para sa kanya, hindi niya sinasadya na gamitin ang laptop ni Hunter, until she saw a...