Hunter... Hinawakan si'ya ng isang lalaki na mukhang gangster. Sinubukan ni Hunter pumiglas pero ang dami nila. Nanlaki ang mata ko, gusto ko sumigaw pero ayoko makuha ang atensyon nila. Kailangan ko talagang mag-isip ng paraan paano kami makakaalis dito."Hunter..." sambit ko. Pero biglang bumalik 'yung araw na hindi niya ako sinipot. Sumikip ang dibdib ko. Ano na ba ang dapat kong gawin?
Kailangan muna namin makaalis dito pagkatapos, aalis na rin ako sa buhay niya. Maybe he's not really for me, na si Josa talaga ang gusto niya para sa buhay niya.
"Andito ka na pala, Hunter! HAHAHA! Ngayon, nasaan na ang bata namin?!" sigaw nung lalaking maitim at ibinuga pa ang sigarilyo kay Hunter.
Mas lalo naman nagpumiglas si Hunter tila gusto suntukin ang mga lalaki nakahawak sa kanya. Hinanap ng mata ko si Garreth, nakaupo lang si'ya sa tabi, enjoying what he's seeing.
"Nasaan si Ashley?" seryosong tanong ni Hunter. Nakita kong tinaas ni Garreth 'yung kamay niya paturo sa akin. Napalunok ako at dahan-dahan lumingon kay Hunter.
Nagtama ang mga mata namin. Ang seryosong mukha niya kanina halos napalitan ng relief. Anong gagawin ko? Tatayo ba ako at tatakbo sa kanya? Nakatitig lang si'ya sa akin. Ang daming gustong sabihin ng mata niya pero biglang may kamay na sumuntok sa mukha nito.
Napasigaw ako. "H'wag!" tumayo ako para bumaba ng hagdan agad naman humarang ang ibang lalaki sa dadaanan ko. "H'wag niyo siyang saktan! Hindi naman talaga si'ya kailangan niyo, 'di ba?!"
"Baka hindi mo alam na may atraso samin 'tong lalaking ito. Si'ya ang may dahilan kaya nakulong ang kasamahan namin." sabi nung isa.
Napatingin sa akin si Hunter. Tahimik padin... I know, he's trying to say something. "Bobo pala kayo eh!" sigaw ko.
Natahimk ang lahat ang lumingon sa akin. Every head turned in my direction, halo halong emosyon. Yung iba galit, yung iba natatawa pero 'yung lalaking sumuntok kay Hunter nagdidilim ang mukha. "Sinong bobo?"
"Ikaw! You're an idiot! Gagawa kayo ng masama tapos magagalit kayo kapag may nakulong sa inyo! Bobo! Bobo! Bobo!" sabi ko ng paulit-ulit.
Lumapit si'ya sa akin, hinawakan ako ng dalawang lalaki sa kamay upang hindi na talaga makagalaw ng tuluyan. Hinawakan ako ng lalaking maitim sa pisngi. "Matalas na ang dila mo ah.. Gusto mo ipakain kita sa buwaya?"
"H'wag niyo siyang sasaktan!" sigaw ni Hunter, nagpupumiglas. "Hindi ko ibibigay 'yung gusto niyo pagsinaktan niyo si'ya!"
Tumawa naman ng malakas 'yung lalaking maitim. "Puputulin ko lang naman ang dila ng babaing ito, para magtanda."
"Bobo ka parin! Yung kulay mo kasing itim ng budhi mo! Pwe!" sigaw ko na parang bata.
"Babae!" sigaw naman ni Hunter.
Nakita ko tumaas ang kamay ng lalaking nasa harapan ko, akmang sasampalin ako. Oh my gosh! My face! Gusto ko harangan pero 'di ko magawa, pumikit na lang ako at yumuko para sa ibang tumama ang sampal niya sa akin.
"You better not do that, mate." napadilat ako ng marinig ko ang boses ni Garreth. I saw him, holding the guy's hand infront of me.
Tumawa naman ng mapakla ang lalaki. "Kailangan lang masampolan nitong babae na ito para tumigil sa kakadakdak." naiinis na sambit pa nito at pilit inaalis ang kamay sa hawak ni Garreth.
Nagsihakbangan ang iba sa likod. They seemed like ready to fight, kahit anong mangyari rito. "Baka nakakalimutan mo kung ano pinagusapan natin, pare-pareho tayo malalaglag kapag ginawa mo 'yan," sabi ni Garreth dito. Bumitaw 'yung lalaki sa pagkakahawak ni Garreth.
Ngumisi at tumawa sa kanya. Itinaas ang kamay para humakbang
"Hindi rin ako makikipagcooperate sa inyo kapag sinaktan niyo si Ashley." dagdag naman ni Hunter. Nagtinginan si Garreth at Hunter, and for the first time in my life. Nakita ko silang nagngisian.
"Hoy, dragon. Sundin mo nalang 'yung pinagusapan natin, dahil kung hindi. Uubusin ko mga lahi niyo." sabi ng lalaki.
"Goodluck with that, tulungan pa kita." lumingon si Garreth sa akin. "Bitaw." utos niya sa mga lalaki na nakahawak sa akin.
Agad naman sila bumitaw. Hinawakan ako ni Garreth sa kamay at humarap si'ya kay Hunter. "Dalin niyo na 'yan sa kusina, doon niyo itali. Para mababantayan natin." nakatingin si Hunter sa kamay na nakahawak sa akin.
Hindi na ako nakapagsalita. Hinila na ako ni Garreth pataas, papuntang kwarto. Ang higpit ng hawak niya sa akin at sa bawat hakbang namin pataas mas lalo akong kinakabahan ang lalim ng iniisip niya. Huminto ako, I need to see Hunter. Kailangan ko siyang kausapin. Mas humigpit ang hawak sa akin ni Garreth.
"Don't," utos niya, at hinila na ako ng tuluyan papuntang kwarto.
He locked the door and raised his finger, telling me not to say anything. Tinuro ni Garreth ang banyo, naglakad ako doon kahit hindi ko alam kung ano ang rason niya. Ilan minuto rin ang nakalipas, sumunod na sa akin si Garreth. Binuksan niya ang gripo.
"Tatakas kayo bukas ng umaga," he said. Unti-unti nanlaki ang mata ko.
OHMYGOD. Tutulungan niya kami? But how about him?
"Seriously, Garreth?" gulat padin na tanong ko. "Pero paano ka?"
Ngumisi si'ya at sumandal sa pinto. "Don't worry about me, I can handle myself."
"Pero bakit nagbago ang isip mo?" napaupo ako sa cubicle, dahil nanginginig nadin ang mga tuhod ko sa mga pangyayari ngayon.
"Change of mind." simpleng sagot niya. "You take a rest first, gigisingin kita mamaya. Pagkalabas niyo, there's a boat on the left side of this house. Be careful, don't wake them up. Ako na bahala kumausap sa iba."
"Garreth... Paano ka? Hindi ka namin iiwan dito."
"Ashley Esqueza, can't you see? This is my world."
"Is it really too late to change?" lumapit ako sa kanya. I held his hand. "Come with us. Pwede ka naman magbagong buhay."
Umiling si'ya. "I won't, hindi ganun kadali, Ashley Esqueza. But I'm thanking you right now for making me change my mind. Narealize ko kung gaano kaimportante si Hunter sa mga tumatayong magulang ko. I won't let anything happen to him either. Kaya mag-ingat kayo."
"Importante karin sa kanila. Samahan mo kami.. You can live peacefully.. I'll tell Hunter na ayusin mga kaso mo. Sumama ka lang."
"Too late for that. Sige na, matulog kana." sinara na ni Garreth ang gripo hinila na ako palabas. "Remember to tell this to Hunter. Left side of this house, there's a small boat. Don't make any noise. Sa dulo ng ilog may makikita kayong hagdan, sa taas nun nakaabang 'yung sasakyan ko." may iniabot si'ya sa akin. "Here's the key. Run as fast as you can. H'wag kayo magpapahuli, because I can't do something about that anymore."
Tumango ako, pero sa isip-isip ko gusto ko si'ya isama. Gusto ko maghanap ng paraan paano si'ya isasama. "2:00 am, Ashley Esqueza. Goodbye,"
"Garreth." I stopped him, hindi ko alam kung fair ba sa kanya na sabihin ko ito. Pero gusto ko talaga sumama. I might as well see, kung magbabago si'ya if there's a future life between me and him. Tumingin ang seryoso niyang mukha sa akin.
"If I tell you my answer this time around. If I choose you, sasama ka ba sa amin?" kinakabahan na tanong ko sa kanya. Mas lalong kumunot ang noo ni Garreth. He's analyzing my answer.
"If." he pointed out. "Pag iisipan ko, first kailangan niyo muna makatakas dito ng ligtas, Ashley Esqueza. And that what ifs will go after. Let's see where this mission will take us. See you around."
Dumeretso na si'ya sa paglabas ng pinto. Napuno ako ng madaming ideya, madaming tanong sa sarili ko. Am I taking this too fast? Palagi kasi ako nagdedesisyon na hindi pinagiisipan. O hindi pa talaga sa akin ang pagkakaroon ng lalaking mamahalin ako at aalagaan ko naman in return? Because Hunter's heart belong to Josa. While Garreth, he has a good heart somehow.. Kaso alam ko mahihirapan ako mag-adjust.
If I choose Garreth will this change everything? I know my answer.
It will. A lot.
BINABASA MO ANG
Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)
HumorPayapa naman ang buhay ni Ashley Esqueza noong hindi niya pa pinapakialaman ang laptop ng hello ABS bodyguard niya na si Hunter. Sa kadahilanan mahanap ang lalaking para sa kanya, hindi niya sinasadya na gamitin ang laptop ni Hunter, until she saw a...