Alam mo, siguro mga ilan araw lang ako nag emote. Pero ngayon, pagkagising ko may iba. As in, duh, hindi 'yung normal na 'iba' na palagi kong sinasabi. I felt like my old self was back. I don't feel broken anymore. Ang bilis mawala 'no? Ganon naman talaga ako. Kung gaano kabilis masaktan, itutulog at iiyak ko lang ng ilang araw and then, bang! Wala na.
Ngiting tagumpay tuloy ako pagkabangon ko ng higaan. I swear, para akong tanga na kahit nakaharap sa salamin habang sinusuklay 'yung buhok ko, nakangiti padin ako na parang eng eng.
Hmp. Gusto ko na tuloy hamunin si Rapunzel sa pahabaan ng buhok. Pero h'wag na, baka mabitter si'ya pag nananalo ako at ipaputol sa mga alagad niya.
"Ate Ashley, may praktis daw po ng sayaw." Napalingon ako kay Ken-ken sa pinto habang patuloy padin sa pagsuklay ng buhok ko.
"Practice para saan?"
"Para daw po sa dance contest na sasalihan natin."
"Huh?" I said, at biglang pumasok sa isip ko 'yung poster na nakita namin sa perya. Seryoso talaga sila na sasali kami doon? Eh, wala nga kasi ako talent sa pagsayaw. Ipasali mo na ako sa beauty contest h'wag lang sa dance contest!
"Ate?" tanong ulit nito nang hindi ako sumagot.
"Susunod na lang ako, ken-ken." Awkward na ngiti ko.
Like duh? There's no way they can see me dancing! Baka maturn off lang sila at pagtawanan akong mga tao na makakakita kung gaano katigas itong katawan ko.
"Ate, hindi daw po kasi magsisimula magpraktis habang wala ka."
I rolled my eyes. "Sino ba andon, ken-ken?"
"Ate Andeng, Kuya Joseng, Kuya Hunter, Kuya Garreth, Ate Josa tsaka si Lola Marya, tsaka si Lolo Andoy, tsaka po si Den-den."
SER-IOUS-LY?
Lumuhod ako para pantayan si'ya. "Ken-ken, pasabi naman na masakit na masakit 'yung tyan--"
"Ashley Esqueza, halika ka na." nanlaki ang mata ko sa pagsulpot ni Garreth sa pintuan. Napasimangot naman si Ken-ken sa harap namin.
"Seriously, Garreth, I won't come--" hinili ni Garreth 'yung kamay ko para mapatayo ako.
"Garreth, ano ba!" sigaw ko at ibinuhat niya ako na parang sako sa balikat niya.
Shiat, I remember this! Ganito din 'yung ginawa sa'kin ni Hunter noong naginuman kami! Pababa na kami ni Garreth habang nakasunod sa likod namin si Ken-ken, nagsisisigaw padin ako at nagmamakaawa na ibaba niya ko.
"Ayoko nga sumayaw! Ayoko nga!"
"Shh! Tahimik! Sasayaw ka, Ashley Esqueza sa ayaw mo o sa gusto."
"Bakit mo ba ako pinipilit? Kung gusto mo bigyan kita ng chance hindi mo ako papasalihin--"
"Shh. H'wag ka na pumalag." Ibinaba ako nito sa harap ng pitong tao na nakatingin samin.
Una ko napansin 'yung tingin ni Hunter sa kamay ni Garreth na nakaakbay ngayon sa'kin. Pangalawa, iyong tingin ni Josa na masama sa'kin. Pangatlo, ang nakangising labi ni Joseng. Pang apat, ang nakasimangot na mukha ni Andeng. Pang lima, ang todo ngiti na si Den-den at ang huli ang gulat na ekspresyon sa mukha ni 'Nay Marya at 'Tay Andoy.
Magtatanong pa sana ito ng unahan na sila ni Garreth. "Hindi pa po. Time will come."
Energetic naman na nagsalita si Joseng. "Game na! Kompleto na pala tayo! Ganito partner partner muna."
"Oh, paano partner niyan?" naiinis na tanong ni Andeng.
"Alphabetical."
"Ah, ganon ha." Hinili nito si Hunter mula sa katabi ng kapatid niya papalapit sa'kin.
"Hoy, bakit si Hunter partner niya?!"
"Shungek! Aunter na pangalan niya ngayon. Ashley at Aunter!" sigaw ni Andeng.
Tumawa naman 'yung dalawang matanda. "Nako, nagbibinata nanaman ang mga anak namin." Sabi ng mga ito.
Napalunok naman ako ng makita ko ang halos matalim na tingin ni Hunter sa kamay ni Garreth. Naramdaman ko ang pag ngisi pa ni Garreth sa tabi ko at mas lalong dinikit ang katawan ko sa katawan niya. "Aunter, your face. Garreth ang susunod sa Ashley."
"Diba si Lolo Andoy?" reklamo ni Ken-ken mula sa likod namin.
"L kaya si Lolo," sabat naman ni Den-den dito.
"Oo nga, o si'ya, kami partner ng Lola niya. Paano ba ang step ng sayaw? Magboboogie ba o chacha?"
Sinagot ito ni Joseng pero hindi na ako makapagconcentrate dahil sa dalawang lalaki na kaharap ko ngayon. Ay, ohmy lang. Ramdam na ramdam ko ang init sa tinginan nilang dalawa. Para bang nagliliyab na kaming tatlo dito.
"Diba sinabi ko sa'yo na h'wag mo si'ya hawakan?" tiim bagang na tanong ni Hunter dito.
"Sino ka ba para sundin ko? Pareho lang tayo nanliligaw sa kanya."
"Pinoy style, Garreth! Baka nakakalimutan mo. Pag nanliligaw pa sa mga babae, wala muna hawak hawak. Ano 'yan ginagawa mo, ha?"
I was taken aback. Parang hindi niya ako hinalikan,t apos walang hawak hawak?
"Remove your hand." Ulit nito hindi padin ngumingiti.
"Remove your eyes from her. H'wag mo si'ya titingnan, Hunter."
Tumawang mapakla si Hunter. "You wish." Hihilahin na nito 'yung kamay ko ng mapigilan agad ni Garreth.
"No touching. You said?" tinaas nito ang kamay parang sumusuko na. "Balikan mo na si Josa 'yung partner mo."
"Ako partner niya 'di ba?"
"Kelan pa naging A ang H?"
"Ngayon lang." naiinis na sagot nanaman nito.
"Edi Arreth, na pangalan ko." lumingon si Garreth kay Joseng. "Game, sayaw na tayo! Hoy, Josa, kunin mo 'tong partner mo." Hinila na ako ng tuluyan ni Garreth para mapalayo kay Hunter. Susunod pa sana ito ng pumagitan si Andeng.
"Okay, guys! Magpapraktis tayo ng sayaw ngayon. Wala muna landian. Kailangan natin manalo para sa premyo. Saka may bata hindi niyo ba nakikita? Wala muna ligawan. Wala muna mag aaway. Kahit labag sa kalooban ko na lamang 'yung isa, sige, papayag na kami na cease fire muna ngayon oras."
Nagtinginan muna kaming lahat. Hindi kasi kame sanay kay Andeng na magsalita ng ganyan. Para bang sinaniban si'ya ng ibang kaluluwa. Magjojoke sana ako, pero tinikom ko na lang labi ko.
Palihim ako napatingin kay Hunter at Josa na magkatabi. Hindi ko akalain na nakatingin din si Hunter sa'kin. Ang seryoso talaga ng mukha niya, I swear. Well, serve him right! Naguguluhan si'ya?
Namnamin niya ngayon ang pagiging magulo ng isip niya sa praktis na ito. While me? I'll torture him to death hanggang sa marealize niya kung ano 'yung pinapakawalan niya. Since nasa likod kaming apat sumilip ulit ako kela Hunter, this time hindi na si'ya nakatingin sa'kin.
Bigla ako nalungkot. Nagulat naman ako ng hilahin ni Garreth 'yung kamay ko.
"Ako ngayon 'yung andito para sa'yo pero sa iba ka padin nakatingin? Ashley Esqueza, nasaan ang fair fight dito?"
"I'm sorry.." bawi ko agad sa mata ko at tumitig sa medyo naiirita na muka ni Garreth.
"Kung girlfriend na kita ngayon at nahuli kitang nakatingin sa iba. Hindi ka na nakalabas ng kwarto ko. Pag ako, ako lang dapat. Sa akin ka lang titingin. Sa akin ka kukuha ng lakas at gusto ko sa akin lang iikot ang mundo mo. If you do that again, I'll kill him. So stop me from doing that, Ashley Esqueza."
Nanigas ang buong katawan ko sa sinabi ni Garreth.
Seriously? Possessive Garreth? I don't know if I'll like that to be honest.
BINABASA MO ANG
Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)
HumorPayapa naman ang buhay ni Ashley Esqueza noong hindi niya pa pinapakialaman ang laptop ng hello ABS bodyguard niya na si Hunter. Sa kadahilanan mahanap ang lalaking para sa kanya, hindi niya sinasadya na gamitin ang laptop ni Hunter, until she saw a...