Alam mo, hindi ako mapakali buong gabi sa mga sinabi sa'kin ni Josa. Nakakaawa talaga si'ya pero... Wala akong magagawa sa gusto niya. Saka hindi ko ugaling i-give up ang isang bagay para sa ikasasaya ng iba.
Bumaba ako para mag hapunan. Medyo tahimik, ewan ko kung ako lang nakaramdam parang may nagbago. Parang kanina lang umaga ang saya-saya pa nila.
"Umiiyak padin ba si'ya?" tanong ni 'Nay Marya. Alam kong si Josa ang sinasabi niya. Alam na din pala nila.
"Opo 'Nay..." tahimik na sagot ni Andeng. Pati pala si'ya apektado.
Wala din si Hunter ngayon, kaya sigurado ako kinakausap na nito si Josa. Yung kambal naman panay lang ng kulitan, syempre bata. Di pa nila alam na may ganitong bagay na nagyayari.
Pagkatapos kumain tinawag ako ni Joseng.
"Ashley, nagpaalam na ba sa'yo si Garreth? Aalis na kasi si'ya mamaya." sabi nito.
Nagulat ako, at the same time may naramdaman akong lungkot sa dibdib ko. "Hindi pa naman si'ya nagpalaalam sa'kin."
"Ah, mamaya pa naman alis nun. Baka kakatok sa pintuan mo na lang. Inaantay niya lang helicopter ng tauhan niya. Alam mo naman 'yun balik na naman sa pagiging WANTED."
Tumawa ako ng pilit saka nag paalam sa kanya. Hindi ko alam isasagot ko eh. Nagpahinga ako sa kwarto at pinaganda ulit 'yung sulat ko sa illustration board. Buti na lang, naaliw ko ang sarili ko dito.
Alas onse medya na, nang matapos ako. Sumakit yung ulo ko kaya naisipan ko maglakad sana sa dagat. Magpapahangin ako. Kinakabahan kasi ako pag naging opisyal kami ni Hunter. Oh my... Mix emotions.
Masaya na masaya saka masaya. Mix na mix, 'di ba?
Pero palabas pa lang ako sa tinutuluyan namin nang marinig ko ang boses ni Hunter at Josa.
"Naalala mo padin ba? Sabi ko sa'yo inaantay ko na lang sagot mo... Sabi ko handa na ako... Pero ngayon naglaho na sila." naiiyak na sambit ni Josa.
"Sorry... Kung nahulog ako sa kanya." sagot ni Hunter. "Akala ko trabaho ko lang talaga na protektahan si'ya pero habang tumatagal narerealize ko na higit pa doon nararamdaman ko sa kanya."
Napangiti ako. Shiat, nakaakilig kaya. Nasasabi niya 'yan kay Josa.
"Kasalanan ko." sabi ni Josa. "Ako naman nagutos na itry mo... Kasalanan ko..."
"Josa, h'wag ka umiyak. Hindi mo kasalanan 'to. I didn't plan this. Hindi ko din ineexpect 'to. Kaya h'wag mong sisihin sarili mo."
"Pero Hunter... Kung hindi ko si'ya pinili dati. Sana tayo e. Sana natupad 'yung mga pangarap natin. Sana masaya padin ngayon..."
"Josa... Sorry." nahihirapan na sabi ni Hunter dito. "Mahirap mapunta sa sitwasyon ko. Gusto kita pero sa tingin ko mas lamang si Ashley."
"Hunter, nasasaktan ako." iyak ulit nito.
"Josa... H'wag, please naman. H'wag ngayon. H'wag ka umiyak. Balang araw makaalimutan mo din ako."
"Hunter please..."
Sumilip ako ng kaunti. Nakita kong nakaluhod na si Josa sa harapan ni Hunter. For pete's sake! Nagmamakaawa talaga si'ya dito. She seemed desperate.
"Hunter... Hindi ko kayang mawala ka. Hindi ko alam gagawin ko. Hunter..."
"Josa naman... No..."
"Hunter please. Hindi mo na ba talaga ako mahal? Kaya kong punuin 'yan kahit konti lang. Piliin mo lang ako. Let's start again. Diba, ayan naman talaga ang plano natin?"
Shit. I don't think, kakayanin ko 'to. Gusto ko sana lumabas para hilahin si Hunter. Pero pagsubok din sa kanya ito. He's choosing me and Josa. Kung pipiliin niya si Josa he's not worthy of me.
"Josa. Please, magaalas dose na. Hinihintay ako ni Ashley."
"Hunter... Bigyan mo lang ako ng chance." nakita kong hinubad ni Josa ang singsing sa kamay niya. "Nakikita mo 'to? Kung hindi mo na talaga ako mahal. Itapon mo na lang 'to." tumayo si Josa at iniabot kay Hunter 'yung singsing.
"Itapon mo 'yan katulad ng pinagsamahan natin." pagpapatuloy nito. "Itapon mo 'yan sa harap ko."
Nakatingin si Hunter sa singsing. Oh come on, Hunter. Throw it. For me. Hunter, h'wag mo ko paasahin. Itapon mo 'yan sa harap niya para alam na din niya ng sagot mo. Just throw it. Piliin mo naman ako just this time. Hunter...
"Josa... I'm sorry." nanlaki ang mata ko nang itapon nga ni Hunter ang singsing. "I have to go si Ashley..."
Mas humagulgol si Josa ng iyak. "Si Ashley?! Bakit si'ya pa? Magkapareho lang naman kami ng ugali."
"Josa... Kailangan ko na umakyat."
Bigla ko narinig 'yun kaya tumakbo na ako papuntang hagdan. Mabilis ako na pumasok sa kwarto ko. Sinuklay ko muna 'yung buhok ko at naglagay ng pulbo.
Kinuha ko 'yung illustration board na sinulatan ko at pinagdugtong dugtong ko pa para lang magkasya 'yung sinulat ko.
Shiat! Okay na ba ito? Para pagpasok ni Hunter ito agad makikita niya. Ay teka, nakalock ata 'yung pinto. So, tumakbo ako at inunlock ito.
Sumilip muna ulit ako sa salamin. Oh well... Kailangan ko pa ba magtoothbrush? Hindi na! Two minutes na lang 12am na. Baka bigla si'ya dumating, epic fail pa 'tong plano ko. Minsan na nga lang maging maeffort at creative.
Nagcountdown ako. Nang saktong 12AM na, todo ang ngiti ko. I stand straight at nakaharap sa pinto.
12:01AM, walang Hunter na kumatok. Baka nag ayos lang para sa pagkikita namin. Bwisit kase si Josa, baka isipin ni Hunter magselos ako pag naamoy ko si Josa sa kanya. Which is yes talaga.
12:15AM, wala padin. Baka umorder lang ng pizza, at may another surprise for me. Relationship goal din 'yun ah.
12:24AM, kumaripas ako ng takbo. Naihi kasi ako. Inayos ko na din ulit ang sarili ko sa salamin. Dyosang dyosa padin kahit walang make-up. Huh, magugulat talaga si Hunter.
12:43AM, nangangalay na ko. Kaya nakaupo na ako sa kama. Pero hawak ko padin ng deretso 'yung illustration board. Hmm, baka pumutok 'yung lobo at hinihipan pa niya isa-isa.
12:52AM, 12am padin naman. Nalate lang 'yun, I'm sure. Dadating 'yung. Narinig ko usapan nila. Paakyat na si'ya eh. Baka nagbihis lang at hindi mahanap 'yung damit. O nalukot, kakahatak ng bwisit na si Josa. Nagpaplantsa pa siguro.
1:16AM, Humiga ako. May pumatak na luha sa mata ko. Duh, I'm still good. He's coming. I could feel it. He's really coming. Pupunta 'yun si Hunter. Never kaya ako pinaasa nun. Never. Never. Never. Never.
Nakatulog ako. Pagkagising ko, bumangon agad ako baka kasi nakatayo si Hunter sa tabi ko. Nahihiya lang gisingin ako. Pero wala.
Wala.
Napahagulgol ako ng iyak. Feeling ko ang tanga ko na naman. Feeling ko ako 'yung desperada na pinipilit si'ya papalapit sa'kin. Napahiga ulit ako, sinubsob ko ang mukha ko sa unan. Rinig na rinig ko padin ang lakas ng iyak ko.
Shit naman. Pinaasa na naman niya ako. Shit naman. Naghintay na naman ako sa wala. Masakit na 'yun ha. Laking sampal sa pagkatao ko. Ako ba pumilit sa kanya na pumasok sa ligawan na 'to?
Shit talaga. Mukha na naman akong tanga dahil sa kanua. Shit talaga. Gago mo Hunter! You're full of bullshit! Full of lies! Anong feeling na naghintay sa wala? Nakakatarantado lang. Nakakainis. Nakakayamot. Gusto ko magwala. Gusto ko si'ya tadyakan. Pero nanghihina ang tuhod ko para hanapin si'ya.
Suko na ako sa panloloko na ginagawa niya, hindi naman ako lubid na kung kailangan niya gustong hilahin, pwede. Pag gusto bitawanan, bitiw lang. Shit this life and so Hunter.
Damn you! Tumayo ako para sirain 'yung pinaghirapan ko buong araw. Pero kahit wasak na 'to. Paulit ulit ako nireremind nito kung gaano ako katanga pagdating sa kanya.
That four words. Shit talaga! Nakita ko pa 'yung scratch ko kanina at binasa ko si'ya ng malakas. Pero ang sakit talaga.
Yes, I choose you.
BINABASA MO ANG
Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)
HumorPayapa naman ang buhay ni Ashley Esqueza noong hindi niya pa pinapakialaman ang laptop ng hello ABS bodyguard niya na si Hunter. Sa kadahilanan mahanap ang lalaking para sa kanya, hindi niya sinasadya na gamitin ang laptop ni Hunter, until she saw a...