Umalingawngaw 'yung putok ng baril sa tenga ko. Mas lalo akong hindi makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang gulat. Muntikan na ko tamaan! Muntikan na ko mamatay! OHMYGOD lang! Halos kinakabahan ako ng lumingon kung ano 'yung binaril ni Garreth sa likuran ko.Another snake. Oh Lord, alam ko po 'yung mga kamalian ko sa buhay. Alam ko na kasalan ko 'to, alam na alam ko po 'yon, pero sana iligtas mo po kami dito. Ayoko pa talaga mamatay. Hindi ito 'yung tamang panahon. Promise. Kapag nakaligtas kami, mag-iisip muna ako bago gumawa ng desisyon.
May sumunod naman na pagputok mula sa harap ko. Pinatay ni Garreth 'yung isa sa harap ko. At thankfully 'yung nasa binti ko mabilis na bumaba at parang may isip na tumatakas.
Kinakabahan padin ako dahil sunod sunod na putok ng baril na ang naririnig ko. Hindi ko namalayan na hila-hila na pala ako ni Hunter. While Garreth and his team? They were fighting the gangsters.
"S-si Garreth," sabi ko kay Hunter habang tumatakbo kami pabalik sa direksyon papuntang bahay.
"Kailangan muna natin makatakas!" sigaw nito. Biglang may humarang na dalawang lalaki samin. Agad na sumugod ito papunta kay Hunter habang 'yung isa lumapit sa'kin para hilahin ako. Nagpumiglas ako at sinipa ko ang junior niya sa katawan.
Napayuko 'yung lalaki. Kumuha ako ng kahoy sa gilid at hinamapas 'yon. Pati nadin 'yung kasuntukan ni Hunter na biglang natuon ang paningin sa'kin. Susugurin sana ako nang maharang ito ni Hunter at sinuntok ulit sa mukha.
Bumagsak 'yung lalaki, at kinapkapan ni Hunter ang katawan nito. May nakuha siyang baril, kinuha iyon ni Hunter at hinila ulit ang kamay ko. Kinakabahan na talaga ako. Dahil ang dami kong naririnig na putok ng baril. Iba pala talaga ang pakiramdam kapag nasa kalagitnaan ka ng kamatayn.
Panigurado ganito ang naramdaman ni Zach, Iris at Ericka two years ago. Takbo kami ng takbo ng may magpaputok ng baril mula sa likod namin. Pinauna naman ako ni Hunter at pinaulanan din. Jusko, ayoko na talaga lumandi. Last na talaga ito.
"Mauna kana!" utos nito.
"Hindi kita iiwan dito!"
"Susunod ako! Nasa likod mo lang ako!"
Napayuko ulit ako habang umiiwas sa mga putok ng baril. "Promise?!"
"Oo, babae. I'll keep you cover. Run!"
I run as fast as I can. Alam ko kahit hindi ko naririnig 'yung yapak niya nasa likod ko lang si'ya. Alam kong susunod si'ya. Naalala ko nadin 'yung tamang daan kaya kahit sobrang hindi na ako makahinga pinilit ko talaga ang sarili ko. We need to survive.
Nakita ko na 'yung bahay ni Garreth. I turned left agad agad. Lumingon pa ako saglit, pero wala akong nakitang Hunter sa likod ko. Shiat!
"H-hunter?!" kinakabahan na sigaw ko. "Hunter, nasaan ka?!"
Nakarinig nanaman ako ng putok ng baril. Tumakbo ako para hanapin si Hunter, nakita ko si'ya nakikipag palitan ng putok ng baril na naman. Sa likod nito, sila Garreth at ang mga kasama nito na may kanya kanya din kalaban.
Para akong nanonood ng video game, only the difference. This is real. This is my life. Kami 'yung nasa laro, at buhay namin ang nakataya.
"Hunter! Halika kana!"
"Run, babae! Susunod ako! Sumakay kana sa bangka!"
"Sabi ko naman hindi kita iiwan!"
"Shit!" mura nito at patakbong lumapit sa'kin. Hinila niya ang kamay ko papunta doon sa jet ski na nasa gilid ng bahay. Dali dali kaming sumakay. "Can you drive this?"
Hindi ako nakasagot. "Drive." aniya. "Ako magbabantay sa likuran natin. Ipihiit mo lang yung---"
"Alam ko!" sigaw ko at pinaandar itong jet ski. Napayakap naman si Hunter sa'kin na sobrang higpit. "Bilisan mo pa!"
BINABASA MO ANG
Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)
HumorPayapa naman ang buhay ni Ashley Esqueza noong hindi niya pa pinapakialaman ang laptop ng hello ABS bodyguard niya na si Hunter. Sa kadahilanan mahanap ang lalaking para sa kanya, hindi niya sinasadya na gamitin ang laptop ni Hunter, until she saw a...