Perfect 39

47.7K 1.2K 55
                                    


The following day, I know na biglang dumami ang tao sa 'paradise' ni Garreth. Mas lalo din humigpit ang mga bantay sa akin, so feeling talaga nila makakatakas ako? Hello, ni hindi nga ako makalangoy ng matagal sa dagat. Seriously? I wanted to go somewhere, na bobored na ako sa kakaantay ng knight in shinning armor ko. Ang tanong; may sasagip ba sa akin dito? Alam na kaya ng parents ko ang nangyari?

Bumangon ako ng kama. Gusto ko lumabas, dahil kung hindi ako na lang mismo ang papatay sa sarili ko. Hindi naman siguro ako mahuhulog ulit sa kung anuman, right? Pagbukas ko ng pinto, laking gulat ko nang mawala ang mga banta. Syempre, dumeretso ako pababa.

Sobrang dami ng mga lalaki at mukha silang mga sindikato. Some stared at me, napalunok lang ako at nagmadali lumabas. Feeling ko kasi papatayin nila ako. Hay, Thank God, dahil pagkalabas ko walang humabol sa akin.

"Ashley," napairap ako, dahil meron pala isa. As usual, si Garreth.

Umupo ako sa damuhan habang nakatingin sa malinaw na tubig. "Hindi ako tatakas." sabi ko sa kanya.

"Alam ko naman," he said. "Gusto ko lang umalis sa loob. They're too nosy." napalingon ako kay Garreth ng 'di oras. Pati ba naman kakampi niya nayayamot na din si'ya?

"Too nosy? Nice." komento ko. "Pinagpaplanuhan niyo na ba kung paano papatayin si Hunter?" sarkastikong tanong ko. I know may kasalanan sa'kin si Hunter, pero hindi ako 'yung tao na mag-iisip ng masamang bagay na dapat mangyari sa kapwa.

"Matagal na namin napagplanuhan 'yon, we were executing it right now." umupo pa si Garreth sa tabi ko. Mas lalo ko si'yang sinamaan ng tingin. Nakangisi lang si'ya sa'kin na tila ba wala akong galit na nararamdaman sa kanya. Akala mo, normal na usapan itong ginagawa namin.

Shiat. Please.

"Bakit hindi ko makita ang nakakatawa sa sinasabi mo? Bakit nakangisi ka ngayon? It's not funny, Garreth." naiinis na sabi ko. "If you think you can kill Hunter easily I bet you---"

"Dahil ang ganda mo lalo kapag naiinis ka." napahinto ako.

"Hindi rin nakakatawa 'yan. Seriously."

"Come on, Ashley Esqueza. Minsan lang ako magsabi ng totoo. You're pretty when annoyed. Mas gusto kita kapag naiinis ka. Even when you're mad or scared, specially of me -- I really like it."

"Thanks!" pabalag na sagot ko. "You're so weird, nagagandahan ka sa'kin kapag naiinis ako? How about right now?" tinaasan ko pa si'ya ng kilay. "Do you like that? And this one?" I crossed my arms.

Because... I saw him smiling. His dimple was showing. Yung ngiti na ngayon ko lang nakita. Yung ngiti na sincere na tila natutuwa talaga si'ya sa'kin. Ngayon ko lang ba talaga nakita o hindi ko lang pinapansin dati dahil kay Hunter nakatuon ang atensyon ko?

Humiga si Garreth at ipinatong ang kamay niya sa likod ng ulo. "I really like you. Kaso aminado ako na hindi tayo bagay. You don't fit in this world. You're different, Ashley Esqueza. Too unique to be compared with other woman."

How could this be possible? Si Garreth ba talaga ang nasa harap ko? He was about to kill me and Hunter, right? "Well, hindi talaga. You're too impossible to be love, too badboy for me. I never dream that I would fall for a bad boy. So if you're planning again to court me, the answer is no."

"Why you gotta be so rude?" natatawang sambit nito.

"Seriously? Ayan ang sagot mo sa sinabi ko?"

"Lie down with me." utos nito.

"Ayoko nga."

"Bubugbugin kita dyan. Higa." seryosong saad nito.

"Bugbugin din kita dyan." sagot ko. "You want?"

Hinila niya ang kamay ko para mapahiga ako sa damo ng sapilitan. Napairap ako. "You're so childish."

"Look who's talking." natatawa na sabi niya.

"Feeling ko good mood ka?" takang tanong ko. Ano kayang meron? Kanina pa si'ya nakikipagbiruan sa'kin? Ano ba ito? Pampalubag loob bago niya ako patayin?

"Dahil malapit na ako makawala sa hawla na kinabibilangan ko."

"Hawla?" I asked. "What do you mean?"

"That group," he said. "Yung dumating, may utang ako sa kanila kaya tinutulungan ko sila na dalhin dito si Hunter. We had a deal. Pagpapalitin 'yung leader nila na nakakulong at kayo ni Hunter."

Whoa. So, dahil doon kaya niya ako kinidnap? Kami ang sagot para maramdaman niya na ang tinatawag na freedom?

"That isn't fair..." komento ko. Umupo ako sa tabi niya. Kung hindi ko mabago ang isip niya ngayon. I think my life would be doom. I need to escape here. I want to escape here. Napakunot si'ya ng noo at tumingin sa'kin. "Ang selfish mo kasi." sabi ko pa. "Kasalanan mo, ibang tao ang magbabayad."

"That's life." walang emosyon na sabi nito. "May mga bagay na hindi mo naman kasalanan pero kailangan mo pagbayaran."

"Gusto mo maging malaya, kahit alam mong may inosente kang tao na matatamaan? Paano naman sila? Hindi mo ba naisip na parang anak na rin nila 'Nay Marya si Hunter? Paano kung may mangyari sa kanya? Paano kung may mangyari sa'yo? Do you think hindi sila mag aalala? Garreth, I know you're selfish... Pero sana, just this once, isipin mo ang pwedeng maging resulta ng gagawin mo. Think of other people that loves you. Hindi 'yung nakasentro ka lang sa sarili mo."

Tumawa si'ya ng mapakla. "I have no choice, Ashley Esqueza. This life choose me. Para bang hinahabol na ako nitong buhay na ganito mula pagkabata, at dito na din ako iminulat ng magulang ko."

"You haven't heard of them?" taas kilay na tanong nito. "They're a corrupt politician in our province. Hindi sila nagpapakita sa mga tao, pwera lang kung eleksyon at may importanteng kailangan gawin. Lumaki ka ba na harap harapan may ginagawang katarantaduhan ang ama mo? Hindi. Lumaki ka ba na mismo ang magulang mo ang nagsabi sa'yo na magsinungaling ka? Hindi. Gusto ko na lumayo... That's why I'm doing this. Gusto ko sa paglayo ko wala akong kaaway na nakasunod. I want to live how peaceful life feels like."

"You won't live peacefully, not until you learn how to pay your mistakes by your own. Hindi nag iinvolve ika ng ibang tao. Sabi mo nga, this life choose you. But, dont' you know Garreth that you also have a choice? Duwag ka lang na baka madisappoint ang magulang mo kapag ginawa mo ang bagay na tingin nila 'mali'. It's your choice, afterall. Hindi lang sila ang pamilya mo. Look around... Makikita mo din ang sagot na hinahanap mo."

Napatingin si'ya sa'kin, unable to answer what I said. Oh well, that's Ashley Esqueza I know. Minsan, kapag seryoso talaga ang usapan lumalabas ang pagiging 'advicer' ko. Sumanib na ata ulit ang katinuan ko na madalas naliligaw sa kung saan.

Tahimik padin si Garreth. Hindi na si'ya sumagot sa tanong ko. Iniba na din niya ang topic ng pinaguusapan namin. Well, he's not ready yet to be the unselfish one. I don't know what he's thinking, tumayo si'ya at inilahad ang kamay sa'kin.

Kinuha ko iyon at itinayo niya ako. Pero nagulat ako nang biglang niya ako itulak papunta sa tubig. Shiat! Tumalon si Garreth, kasunod ko. Tumama sa mukha ko ang pagflash ng tubig. Nilingon niya pa ako, at sobrang nagulat ako sa sinabi niya na sumunod.

"Ipapakilala kita sa mga kakosa ko." nanlaki ang mata ko. "Relationship goal, isn't it?"

HOLYSHIT.

Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon