Magulo. Sobrang gulo, hindi ko talaga alam kung sino ang pipiliin ko. I'm aware that I'm making permanent decision not just for myself but for two of them. Ang hirap ng sitwasyon ko. I'm torn between choosing what I want and what I should.
Bakit nahihirapan ako ng ganito? May parte sa akin na gusto ko pagbigyan ng another chance si Hunter dahil alam ko nararamdaman n'yo rin na may feelings pa ako sa kanya. But what can I do, when I got hurt too many times? Ako na mismo natatakot para sarili ko. Kahit sabi nila pag paulit-ulit ka nasasaktan magiging manhid ka na. Pero hindi, nasasaktan padin ako sa kanya at hindi ko na alam ang susunod na gagawin ko kapag iniwan n'ya ako.
While Garreth on the other hand, alam ko rin na hindi pa ganoon kalalim ang nararamdaman ko sa kanya. But if I give him a chance, alam ko may pupuntahan. Anytime soon, I'll fall for him too. And I'm giving myself the privilege to be happy, and to let him show how much he'll change for me.
"Ashley?" napalingon ako sa pumasok na si Josa sa kwarto ni Garreth.
I was studying myself in the mirror and like me, Josa's wearing the same pink dress na motif ni Andeng sa kanyang kasal.
"Anong kailangan mo?" taas kilay na tanong ko. I'm still giving her the cold treatment dahil sa lahat ng kagagawan n'ya. She really deserves it.
"Narinig ko kasi na aalis na daw kayo ni Garreth mamaya. Hindi n'yo tatapusin 'yung kasal?" she asked again, at lumapit sa akin then stopped when I turned around.
Josa's staring at me. "May importante kasi na pupuntahan si Garreth."
"Pwede ba maiwan ka muna, tapos balikan ka na lang n'ya?"
Umiling ako. I don't want to tell her that I'm still thinking who should I choose between Hunter and Garreth. "Wala naman ako maiiwan dito. Mas mabuti pang sumama na ako sa kanya."
"Ashley..." sabi nito ulit. "Gusto ko lang sana magsorry sa nagawa ko."
"Anong nagawa mo?"
"Yung gabi na hindi ka pinuntahan ni Hunter... Kasalanan ko talaga ang lahat. Alam kong pipiliin mo na s'ya, pinlano ko 'yon para hindi s'ya pumunta sa'yo, para masaktan ka n'ya at para lumayo kana sa kanya. Sorry, kung nagkamali ako. Sorry kung pinagsisiksikan ko 'yung sarili ko sa kanya at dinamay pa kita."
"Hanggang ngayon naman, right?" tumalikod ako at kinuha ang purse ko sa gilid. Ayoko makinig sa kung anuman sinasabi n'ya. I don't know why, but I hate her so much. Marinig ko lang 'yung pangalan n'ya nagsisimula na masira ang araw ko.
"Hindi na, nag-usap na kami ni Hunter. Alam ko na ang limitasyon ko sa buhay n'ya at alam ko narin ang pwesto ko sa kanya. Magkaibigan na lang kami."
"Good then." lumakad na ako papuntang pinto nang magsalita nanaman si Josa.
"Kagabi nga pala," she said. "Pumunta s'ya sa akin para pakiusapan ka. Dahil pakiramdam n'ya kapag sinabi ko sa'yo 'yung totoo magbabago ang isip mo na iwan s'ya, na baka piliin mo s'ya. Sorry talaga, Ashley."
Ngumiti ako sa kanya ng pilit.
"Ano kasi eh." pagpapatuloy ni Josa. "Naiinsecure ako sa'yo, alam mo 'yung nakita ko ang sarili ko sa'yo noong niligawan ka nila na sabay pero mas maganda, mas nageffort sila sa'yo. Nakakainis din kasi kapag nakikita ko na 'yung atensyon na nasa akin dati biglang binigay nila sa'yo. Kahit nung una, hindi ko alam kung anong meron ka."
I'm prettier. Gusto ko isagot.
"Pero alam ko na ngayon, Ashley. Makita ka ng ganito, malapitan para kang dyosa na bumaba si kalangitan. Kahit pareho tayo ng suot mas angat ka sa akin, kasi ngiti mo palang. Alam na alam ko na kung bakit nahulog silang pareho sa'yo."
BINABASA MO ANG
Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)
HumorPayapa naman ang buhay ni Ashley Esqueza noong hindi niya pa pinapakialaman ang laptop ng hello ABS bodyguard niya na si Hunter. Sa kadahilanan mahanap ang lalaking para sa kanya, hindi niya sinasadya na gamitin ang laptop ni Hunter, until she saw a...