Alam mo, game na! Ayoko na ng madaming sinasabi excited na ako.
"It's so easy, Hunter! I swear!" mukhang hindi naman naniniwala si Hunter sa sinabi ko.
"Ready, set, go!"
Todo ngiti pa ako habang full of energy na sinabi ang first clue ko. Can you guess too?
"One word! Describe me lang, Hunter!" I said.
"Tanga?"
Tumawa nanaman 'yung mga manonood. Tanga? Hindi ako tanga, seriously? Saan niya ba nakukuha 'yan?
"No! Grabe ka! Pagnakikita mo ako, ano unang naiisip mo?" sabi ko tumingin pa ako sa audience sinasabihan sila na i-cheer ako. Nagsigawan naman ang mga ito.
"Manhid?"
Tss! Ano ba naman, bakit hindi niya ako madescribe ng maayos? Mukha ba akong manhid sa kanya?!
"Hunter naman! Madalas sinasabi sa'kin ng mga tao 'to. Pagnakikita nila ako unang binibigkas nila. Ano? Say it!"
"Ang ingay mo?"
"That's bullshit. Idescribe mo na lang ang mukha ko!"
Natahimik si Hunter at napatitig sa'kin. Parang ewan naman 'to, eh. Kung kailan 'yung mukha ko pinapadescribe ko saka walang masabi dapat madami si'yang masabi dahil eto ako, 'di ba, guys?
"Naka make up?"
"No! Okay ganito, simple lang, sumunod sa maganda."
"Mas maganda?"
Muntikan na ako mapasabunot sa buhok ko. Seriously!
"Mas mataas pa dyan!"
"Pinakamaganda?"
Ang ingay na nga mga tao, lumingon ako sa kanila sobrang dami na nila ngayon. Hindi ko na din makita kung nasaan banda na si Andeng. Tawa padin sila ng tawa samin. Ano ba kasi nakakatawa sa sinasagot namin? Nakakainis na, azar!
"Mas na mas pa dyan!"
"Super duper ganda, babae?"
Napatayo na ako. Hindi na kasi ko na mapakalma sarili ko, parang nananadya na si'ya e, kanina pa 'di ba?! Kanina pa! Nakakapikon lang, bakit hindi niya masabi 'yung tamang gusto ko na iparating? Sobrang hirap ba niyan?
"Bwisit!" sigaw ko. "Hindi 'to maganda! Maputi lang! Feeling simple pero hindi naman! Feelingera na nga, malandi pa!"
Wala akong nakuhang sagot kay Hunter. Tumahimik nanaman tuloy 'yung audience mukhang hindi na makarelate sa sinasabi ko.
"Nasa loo bang kulo niyan! Hindi daw si'ya ako?! Seriously, I'm super ever better than her like hundred times, tapos ganon sasabihin niya? Duh, lang? I'm an Esqueza! Wala sa lahi namin na sinasabihan dapat ng ganyan."
A moment of silence..
"Ano wala pa din?! Pinaasa ka dati, hindi mo padin kilala?! Mukhang umaasa ka pa nga din ngayon, eh! Napipilitan ka lang sa'kin! Pinaghintay ka nito, hindi ka niya pinili! Dahil mas gusto niya 'yung may thrill, gusto niya 'yung badboy, gusto niya 'yung lalaking tinatrato si'ya na parang basura!"
As in wala na talagang ingay sa paligid namin. Pati 'yung mga host tahimik na din.
"Pangalan ng ex mo! Ano hindi mo padin sasabihin, ha? Pangalan niya lang! Say it, ng matapos na 'to! Say it! Kung ayaw mo sabihin mo lang dapat sinabi mo noong una palang na ayaw mo manalo sa laro na ito. Dapat sinabi mo na parang napipilitan ka lang. Akala mo hindi ko nahahalata? Akala mo wala akong alam? Akala mo ikaw lang ang confuse? God, Hunter! You're an idiot!"
Nanggigil talaga ako. Gusto ko ibuhos ang lahat. Wala naman talaga sa isip ko 'yung mga salita na 'yan, I don't know bakit ngayon lumalabas sa bibig ko.
"Wala padin, ha? Sabihin niyo lang kung pinaglololoko niyo ko. Para alam ko na kung saan ako lulugar! Para sigurado ako sa pipiliin ko. Para hindi kana din mahirapan sa panliligaw sa'kin. Say it!"
Kinuha ni Hunter 'yung mic sa host. "Josa." Banggit nito.
Naghiyawan 'yung mga tao ng makuha nito ang sagot. Ako naman, hingal na hingal sa paglabas ng galit ko. Pero sa totoo lang, medyo gumaang 'yung pakiramdam ko sa sinabi ko.
Tumayo si Hunter at masamang tumingin nanaman sa'kin. Syempre, nilabanan ko. Akala niya ba aatras ako?
Kinuha ko din 'yung mic sa host na nasa harap ko.
"Sa tingin niyo babae lang ang nagpapaasa? Mga lalaki din magaling dyan. Magiging sweet sa'yo, pafall, sasabihan ka pa na hindi ka niya kayang mawala pero deep inside may nilalanding iba. Minsan sasabihin pa nakamove on pero kahit hindi pa! Ganyan kayo."
Tumayo si Hunter at madilim ang mukha na nilapitan ako. Sobrang tahimik ng paligid namin pakiramdam ko, kami lang ang tao dito.
"At hoy! Kaming mga babae hindi kami bola para gawin niyong rebound! Wala tayo sa basketball court para paglaruan niyo kami.
"Babae, tumahimik ka na."
"H'wag mo akong kausapin."
"Babae, nakakahiya sa mga tao nakatingin sila sa'yo." Ngumiti si Hunter.
Parang ewan talaga 'tong lalaki na 'to. Pagkatapos ko sabihin 'yung hinanakit ko pinagtatawanan padin ako?!
"H'wag kang lalapit! Layuan mo ako sabi. H'wag kang lalapit!"
Humakbang pa ulit si Hunter.
"May sasabihin ako."
"Aamin ka nab a, ha? Ngayon pa na naiinis ako sa'yo! Punyeta naman!"
"Babae, itikom mo na 'yung bibig mo sabi."
"Ano bang problema mo?!"
"May kulangot ka palabas ng ilong mo." Sabi nito at tumalikod sa'kin at tuluyan na ako iniwan ng stage at bumaba.
Napahawak naman ako sa ilong ko.
I think I'm gonna cry.
BINABASA MO ANG
Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)
HumorPayapa naman ang buhay ni Ashley Esqueza noong hindi niya pa pinapakialaman ang laptop ng hello ABS bodyguard niya na si Hunter. Sa kadahilanan mahanap ang lalaking para sa kanya, hindi niya sinasadya na gamitin ang laptop ni Hunter, until she saw a...