Hi guys, I don't know kung readers ko dito 'yung mga nag-aadd sa'kin sa FB, if ever yes. Please message me first there so I'll accept you. Thanks :)
Anyway, kung may balak 'yung iba mag add. Here's my account: MissYgray WP
Twitter and IG: xmissygrayx
ask.fm: missygrayx
*************************************
Kagabi pa ako nagpapractice ng mukha ko, kung paano magpoker face kapag nasa harap ko na sila. Paano ko sasabihin na.. 'Congrats, I'm so happy for you.' na hindi nabubulol o naiiyak. Teka nga, ano ba ang dapat ang reaksyon ko kapag nasa kasal ka ng lalaking minahal mo?
A. Deadma.
B. Deadma.
C. Deadma.
Deadma. Ngumiti ako, kadarating lang namin ni Garreth dito. Magkahawak kamay parin kami hanggang ngayon habang pinapanood ang mga tao na nagsasaya. Nagsasayawan sila rito at nagkakantahan. Palibhasa gabi na, gabi ang pinaka magandang oras para mag-ingay rito sa baryo.
"Ashlita!" patakbong yumakap sa'kin si Andeng. "Namiss kita! Bakit ngayon ka lang dumalaw dito?!"
"Busy masyado sa Manila, eh."
"Anong busy! Sabihin mo, ayaw mo lang pumunta rito!" tumingin ito kay Garreth at inirapan lang.
"Hindi noh," ngumiti ako dahil papalapit si 'Nay Marya. "Inay," bati ko at niyakap ko rin si'ya. Sinagot din naman niya ko ng yakap ng mahigpit.
"Anak, buti bumisita kayo." aniya, at tiningnan kaming dalawa ni Garreth. Kinuha naman ni Garreth ang kamay nito at nagmano.
"I need to attend this wedding, 'nay." sagot nito at nakipag-apiran sa papalapit na si Joseng. Pinakita ko na agad ang poker-face na pinractice ko.
"Ala eh, kumain na ba kayo?" tanong naman ni Tatay Andoy.
Tumango kami pareho ni Garreth. We've been eating forever habang nasa byahe kami. Eto na ata ang isang pinagkakasunduan namin ang magfoodtrip. Nahagip ng mata ko si Hunter, nakaupo lang s'ya sa gilid habang tumutugtog ng gitara. Ni hindi ito lumingon para makita sila.
"Nasan na 'yung bride?" tanong ko kay Andeng.
Napataas naman ang kilay nito. "Nasa harap mo na."
Napatulala ako kay 'Nay Marya, s'ya kasi ang nasa harap ko. "Huh? Seriously?"
"Hoy, Ashlita! Gaga ka! Hindi si 'Nay. Ako kaya ang ikakasal!"
"Ha?" nakangangang tanong ko. "Kanino?"
"Sa pinakapangit na lalaki dito." irap na sagot nito. Bigla naman lumapit si Joseng at pilit ikikiss si Andeng sa pisngi, todo iwas si Andeng.
"H'wag nga dito!" suway nito.
Nanlaki ang mata ko, para rin binuhusan ng malamig na malamig na tubig. Andeng at Joseng? Seryoso ba talaga ito? Kailan? Paano? Parang kailan lang, lagi silang nag-aaway at diring diri pa sa isa't isa.
"H'wag mo na itanong. Basta ang alam namin may himala o ginayuma ako." natatawang sabi ni Andeng.
Nagtawanan naman ang lahat pati ang mga ibang nagsasayawan na nakarinig ng sinabi nito. Nilingon ko si Garreth at siniko s'ya. Sinungaling! Mag-uusap kami n'yan mamaya. Shiat. Bigla na naman tuloy bumilis ang pagtibok ng puso ko. Kasi ibig sabihin nito...
"Sayawan na!" sigaw ni Andeng at pumigitna ang lahat.
Hinila naman ako ni Garreth, natatawa parin sa reaksyon ng mukha ko. "Nice one, Garreth!" sarkastikong sabi ko sa kanya.
"What?"
"You're such a liar."
"You thought it's him?"
"Not tonight, Garreth." sabi ko.
"Okay." nagulat ako sa sinagot nito at pinaikot ikot ako sa sayawan hanggang sa mahilo ako.
Nagpalit palit pa nga ng mga partner nakasayaw ko rin si Andeng, 'Nay Marya at nagulat ako biglang sumulpot si Ken-Ken at Den-deng sa tabi ko. Pinilit kong aninagin si Hunter, nag gigitara parin s'ya katulad kanina.
Hindi n'ya ako tintapunan ng tingin. Nagulat naman ako ng bigla n'yang patugtugin ang 'Alipin by Shamrock' naalala ko tuloy 'yung nanliligaw pa sila ni Garreth sa'kin. Kahit hindi n'ya sabihin, it's our theme song. Bagay na bagay 'yung kanta samin dalawa.
Naramdaman ko ang pagpulupot ng kamay ni Garreth sa bewang ko. Napatingin ako sa mga mata n'ya na hindi ko parin kayang basahin hanggang ngayon. "I love you," aniya.
"I-I love you, too."
Nahuli ko si Hunter nakatingin sa amin dalawa. Tinigil na nito ang pag gitara biglang sumulpot si Josa sa tabi nito at hinila upang sumayaw sa gitna. Sila na ata? Well, he finally have her. Pumikit ako ng hinalikan ni Garreth ang buhok ko, pumalig ako sa balikat n'ya.
Mas lalong humigpit ang yakap ni Garreth sa'kin, sobrang higpit na hindi na naman ako makahinga. He's sometimes like this. He's hugging me like wanted to break every bone in my body. Kinagat ko 'yung balikat n'ya, because that's how I answer him.
"Naughty," bulong nito.
Lumipas ang buong gabi na halos sayawan ang naganap pero sila Andeng at Joseng ang palaging nasa gitna at kung ano ano ang pinapagawa sa kanila. Noong maghahating gabi na, nagsiuwian nadin ang mga tao. Nagyaya narin ako matulog dahil medyo napapagod na ako.
Nang makaakyat kami ni Garreth, I have this familiar feeling. Hindi ko namalayan na papasok ako sa kwarto namin ni Hunter dati pero buti nahawakan agad ni Garreth ang kamay ko at hinila sa kwarto n'ya.
Usually, kapag katabi ko si Garreth nakakatulog ako agad. Pero ngayon? Hindi. Kung saan-saan naglalakad ang isip ko. Maya-maya nang maramdaman ko na tulog na s'ya ng tuluyan saka ako lumabas ng pinto para magpahangin sa labas.
Pagkalabas ko ng pinto sakto naman na may tao rin lumabas sa kabilang kwarto.
It's no other than... Hunter.
BINABASA MO ANG
Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)
HumorPayapa naman ang buhay ni Ashley Esqueza noong hindi niya pa pinapakialaman ang laptop ng hello ABS bodyguard niya na si Hunter. Sa kadahilanan mahanap ang lalaking para sa kanya, hindi niya sinasadya na gamitin ang laptop ni Hunter, until she saw a...