Chapter 9

589 27 1
                                    

Nag-aalala na si Yassi. Almost 11PM na ay wala pa si Simon. Pagkatapos nilang magdinner ni Lance ay nagpahatid na sya. Nagdahilan sya na masakit ang kanyang ulo.

Pagkauwi nalaman naman nyang wala pa sa bahay ang binata.

Iniisip nya kung saan ito pumunta.

Isang tunog ng sasakyan ang kanyang naulinigan. Maya-maya lang ay ang iniisip nyang binata ang pumasok sa kabahayan.

Nagulat si Simon sa dalagang tila sadyang naghihintay sa kanya. Gising pa ito at nakaabang sa pintuan.
Nagkatitigan sila. May tila isang mainit na kamay ang humaplos sa puso niya. Hindi pa natutulog ang dalaga dahil hinihintay sya?
The thought of that made him smile.

Kung alam lang nyang maaga itong uuwi hindi na sana sya nagpunta ng bar.
He's going crazy.
Ano bang meron kay Yassi?

"Sir sabi ko kay Manang Belen ako na lang po ang maghihintay sa inyo. Kumain na po ba kayo Sir? Ipaghahain ko na po kayo."

"Kanina ka pa ba?"

"Ah Sir mga past 8PM po andito na ako. Nagpahatid na po ako agad kay Sir Lance after naming kumain."

Tumango-tango ang binata. May kasiyahan syang naramdaman dahil maaga naman palang nagpahatid si Yassi.

Pakiramdam ni Yassi ay minamasdan sya ng kanyang boss mula sa likuran. Hindi nya alam kung anong nagtulak sa kanya para asikasuhin ang boss nya.

Ngayong naipaghain na nya ito ay hindi rin nya maiwan sa dining area. Pinaupo sya nito sa tapat at inayang sabayang kumain. Pero dahil busog pa sya maayos naman nyang tinanggihan ang paunlak nito.

Amoy-alak si Simon. Pero hindi naman  nakakasulak ang amoy nito. 

Saan galing ang boss nya?
Malamang sa bar. Saan ba umiinom ang mga mayayaman? Alangan naman sa kanto ng village.
Napasimangot sya nang may pumasok sa kanyang isip. Maraming chicks sa mga bar. Bakit parang kinukurot ang puso nya?
Ngunit agad din nyang sinaway ang sarili. Eh ano naman kung nagpunta sa bar ang boss nya at nakipag-party party di ba? At least may night life din pala ang isang Simon Marcos. Karapatan din nitong magpakasaya at magbuhay-binata hindi 'yung laging nakasubsob sa opisina nito.

"Thanks Yassi."  pagkatapos maubos ang pagkaing nasa plato nya ay tumayo na si Simon.

"Sige po Sir liligpitin ko na po ang mga ito."

"No. Bukas na yan. It"s too late in the evening. Rest now."

"Naku Sir saglit lang po ito. Baka  ipisin po tayo dito."

Walang nagawa si Simon dahil hindi nagpapigil si Yassi. Niligpit nito ang mga pinagkainan.

Nagpaalam na si Simon para umakyat sa kanyang silid.

"Sige po Sir." sagot naman ng dalaga.

Simon is now in his room. Habang iniisa isang tinatanggal niya ang kanyang mga suot na damit ay naiisip nya si Yassi.

He's getting upset for having this feeling. This is unusual. Laging laman ng isip nya ang kanyang PA.

He went to his bathroom and took a quick shower.

Matapos patuyuin ang  buhok, humiga na sya sa kama at pilit natulog.

His head is terribly aching nang magising sya kinabukasan.

Tumingin si Simon sa kanyang relo.

9AM pa lang.

Bumangon na sya at nag-ayos ng sarili. Sabado ngayon at hindi sya papasok sa opisina.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon