Chapter 62

428 31 20
                                    

Tuwang tuwa si Sianna nang dumating ang salbabidang ipinakisuyo ni Yassi sa kapitbahay nila.

Ngayon nga ay nakasakay na ito sa salbabida.

Itinabi muna ni Yassi ang kanyang cellphone sa kubo. Naroon na ang kanyang Lola Adela na nagbabantay.

Hindi mahilig magpost si Simon sa social media ngunit nang mga oras na yun nag-live video sya sa kanyang IG Account.

Masyado syang natuwa sa nakikitang kasiyahan ni Sianna habang sakay sa salbabida na tinutulak tulak naman ni Yassi.

Napakunot ang noo ni Sandro nang makita ang live video ni Simon.

Mas lalong nangunot ang noo ng binata nang mahagip ng kanyang paningin sa video si Yassi kasama si Sianna na nagtatampisaw sa dagat.

Napatayo si Sandro mula sa kinahihigaan nitong couch sa kanyang condo.

Ang daming tanong na nabuo sa isip nya.

"Enough na muna baby. Pahinga na muna tayo." niyaya ni Yassi ang bata na pumunta muna sila sa kubo.

Pareho na silang basa ni Sianna.

"Simon, hindi ka ba maliligo sa dagat?" tanong ni Lola Adela.

"Mamaya na lang po."

Ikinuha ni Yassi ng cookies si Sianna.

"Kain ka muna baby. Bineyk ko yan kagabi."

Magkakatabi sa mahabang upuang kawayan sina Simon, Sianna at Yassi. Nasa kabila naman si Lola Adela.

"Nice place." ani Simon habang iginagala ang tingin sa kubo.

"Pinagawa ito ni Yassi. Madalas kasing tumambay dito yan kapag bilog ang buwan." ani Lola Adela.

Namula ang mga pisngi ni Yassi dahil sa pambibisto sa kanya ng kanyang agwela. 

Napangiti naman si Simon.

Pareho lang sila ng dalaga. Tumatambay sa tabing dagat..

Nagulat si Simon sa biglang pagtunog ng kanyang cellphone.

Video call yun.

"Kuya!"

"Tito Sandro!" bati ni Sianna sa binata nang makisilip ito sa cellphone ni Simon.

"Where are you?" tanong ni Sandro.

"We're here in Batangas." kaswal na sagot ni Simon.

"Wait, Nanang Adela is with us. She misses you." ani Simon.

Natuwa si Lola Adela nang makita si Sandro.

"Sandro!" masayang bati ng matanda.

"Nanang Adela!" sambit naman ni Sandro. Dahil doon nakalimutan na nya ang dahilan ng pagtawag nya kay Simon.

Nagkwentuhan sila ng dati nilang katiwala.

Mangiyak ngiyak naman si Lola Adela nang muling masilayan ang isa pang anak ng mga dating amo.

"Yassi is with us also." sambit ni Simon nang ibalik sa kanya ni Lola Adela ang cellphone. Iniharap ni Simon sa video cam si Yassi. Kumaway ang dalaga kay Sandro.

"Hello Sir Sandz!"

"H-hi!"

"You two have met?" tanong ni Sandro.

"Ah yes Sir. Matagal na rin."

Naguluhan si Sandro. Paano?

"Maybe you should go here. Sianna and I had been staying here for a couple of months na. Every weekend nandito kami or most of the time. I bought a property here. It happened na kalapit lang ng resto ni Yassi so we met again." paliwanag ni Simon.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon