Chapter 59

396 28 8
                                    

Alas diyes na ng gabi at kasalukuyan pang inaadornohan ni Yassi ang cake na inorder sa kanya. Dalawang cake yun na for deliver bukas.

Mag-isa syang nasa loob ng kanyang resto.

Dito sya nagbi-bake kapag nasa dalawa o tatlong cake ang gagawin nya.

Katatapos lang nyang adornohan ang isang cake. Para sa kapitbahay nilang magsi-senior, 60 years old.

Hirap makatulog si Simon kaya minabuti nyang maglakad lakad sa dalampasigan.

Madalas nyang gawin yun kapag tulog na ang dalawa, si Sianna at si Yaya Marsha.

Napatingin sya sa resto ni Yassi. Buhay pa ang mga ilaw sa loob nangangahulugang may tao pa doon.

Napakunot ang noo nya.

Is it possible na nandun pa si Yassi at si Blaze?

It's nearly 11 in the evening.

Kinuha nya ang kanyang cellphone.

Sandali syang nag-isip kung tama ba ang kanyang gagawin.

Naka-phone book na sa kanya ang number ni Yassi since he paid her using Gcash. Alam nyang personal number yun ng dalaga.

He dialed her number.

Napakunot ang noo ni Yassi nang tumunog ang cellphone nyang nasa ibabaw ng mesa.

Isang dipa ang layo nito mula sa kanya.

Unknown number ang nakalagay.

"Good evening." sagot nya dito.

"Yassi..."

Binundol ng kaba ang dibdib ni Yassi nang mapakinggan ang boses sa kabilang linya.

Pinilig nya ang kanyang ulo naisip nyang baka nagha-hallucinate lang sya.

That husky voice.

"Are you still there in your store?"

The voice was so clear. And Yassi knows, it's really Simon.

"Si?"

"Ummm. Yeah, it's me. I'm here near your store. At the back."

Pumunta sa may kusina si Yassi sa bandang likuran. Binuksan nya ang pintuan. Inaaninag nya kung naroon nga si Simon. Baka nasa dalampasigan.

Nakakita sya ng bulto ng katawan. Maliwanag ang buwan kaya alam nyang si Simon yun.

She waved while holding her phone.

Nakita sya ni Simon at kumaway din ito.

Humakbang na ito palapit. Ilang sandali pa at nasa harap na nya si Simon.

"Gabi na nasa dagat ka pa." sabi nya.

"I can't sleep so I decided to walk along the shore."

"Pasok ka." anyaya ng dalaga.

Pinahagingan ng tingin ni Simon ang kusina ng resto ni Yassi. Malinis at masinop yun.

"May ginagawa akong cake kaya andito ako."

"You're staying alone here?" tanong ni Simon nang makalapit sila sa mesa kung saan ginagawa ni Yassi ang huling cake.

"Yes. Sanay naman na ako."

"But it's unsafe. You're a woman and you're alone here."

"Mababait ang mga tao dito. Saka may cctv ang resto ko kaya kampante ako." pinutol ni Yassi ang nahimigang pag-aalala ng kaharap. Kinuha ulit nya ang pang-icing saka itinuloy ang ginagawa. Kahit nasa tabi nya at nanonood sa kanya si Simon nag-focus pa rin sya sa kanyang ginagawa.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon