Chapter 46

464 36 7
                                    

Two weeks nang nagtatrabaho si Yassi sa opisina ni Sandro. Mainit pa rin syang tinanggap ng mga dating kasamahan sa unang araw ng kanyang pagbabalik.

At sa muling pagbabalik nya sa opisina ng binata ay muling nagparamdam si Congressman Dylan.

Panay ang tukso tuloy sa kanya ng mga kasama.

Bagamat naririnig yun ni Sandro ay binabalewala lang nya.

Mula nang umalis si Yassi sa mansion ni Simon, wala na syang balita dito.

Paminsan minsan ay nagkakapalitan sila ng text ni Jackie. Nabanggit lang nito na bahagyang nagbago si Simon. Mabilis uminit ang ulo at masyadong perfectionist sa trabaho.

Sa loob ng dalawang linggo hindi man lang sya maaalalang tawagan o i-text man lang ng dati nyang boss / strange boyfriend.

Strange boyfriend pa rin ba o dapat na nyang i-consider na ex-boyfriend?

Haizzt! Umaasa ba syang maalaala nito?

"Oi! Ang lalim ng iniisip ah!"

Nagulat si Yassi sa mahinang tapik sa kanya ni Maybelle.

"May naisip lang." iwas nyang sagot sa kasama.

Naririndi na si Simon sa paulit ulit na pagtawag sa kanya ni Marianna. Hinahayaan na lang nyang tumunog ang kanyang cellphone.

Simula nang saktan nito si Yassi na naging dahilan ng pag-alis ng dalaga sa poder nya, nawalan na sya ng gana dito.

Hindi na niya pinagbibigyan ito sa mga hiling nitong lunch out or dinner. Nagugulat na lamang sya na bigla na lamang itong sumusulpot sa kanyang opisina.

Dahil dito nagbilin sya sa receptionist sa lobby na huwag papasukin ang sinumang walang appointment sa kanya. Strictly no appointment, no visitors allowed sa kanyang opisina.

Ibinato ni Marianna ang kanyang cellphone sa sahig. Nabasag yun.

Ang laki na nga ng kanyang problema heto at mukhang iniiwasan na sya ni Simon.

Naningkit ang kanyang mga mata nang maisip si Yassi. Simula pa noon, naramdaman na nyang may gusto si Simon sa dalaga.

Nagbago ang binata marahil nalaman na nito ang pananakit niya sa PA nito.

Ilang beses nang tinititigan ni Simon ang kanyang cellphone.

Nasa contact list ito.

Nagdadalawang isip sya kung tatawagan ba nya si Yassi upang kumustahin.

Sa totoo lang, namimiss nya ang boses ng dalaga.

Alam nyang nakatira ito sa isang condo unit ng kanyang kuya.

Napaisip sya. May gusto ba ang kanyang Kuya Sandro kay Yassi?

He admits, ayaw tanggapin ng isip nya ang bagay na yun.

Friday.

Nagkakayayaan sina Andrea, Maybelle at Yassi na mag-bar.

Sandro was not around. Umuwi ito sa probinsya to attend important commitment.

Medyo traffic kaya inabot sila ng alas otso bago nakarating sa bar na nasa pusod ng Makati. Pinili nila doon para mas malapit sa uuwian ni Yassi.

Hindi pa masyadong matao sa loob ng bar.

Umorder agad ng inumin si Andrea matapos nilang makahanap ng mapupwestuhan.

"Hindi ako masyadong umiinom ha." kaagad na sabi ng dalaga sa mga kasama.

"Yes we know that. Walang maglalasing sa atin, ano ka ba. Magdidisco lang kami ni Andeng." sagot ni Maybelle.

Sa umpisa ay pasimsim-simsim lang si Yassi sa iniinom na ladies drink. Nang tumagal nagustuhan na nya ang lasa ng iniinom.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon