Chapter 41

424 24 2
                                    

"Sir naayos na po ni Jackie yung schedule nyo. Next week po ay may meeting kayo with Mr. Castillo."

Tumango si Simon sa sinabi ng dalaga.

Katatapos lang ng general meeting ni Simon with his Board of Directors.

So far ay maganda naman ang naging takbo ng kanyang mga negosyo sa kabila ng ilang buwan nyang pagkakaratay sa ospital.

Maasahan at mapagkakatiwalaan ang kanyang mga tauhan.

Kumirot ang sintido ni Simon sa dami ng binasa nyang email.

"Sir?" hindi mapanatag sa kanyang mesa si Yassi nang makitang hinihilot hilot ng binata ang sintido nito kaya agad nyang nilapitan si Simon.

"My head is aching." Simon told her.

"May biogesic po ako sa bag Sir. Inumin nyo po."

Napatingin sa kanyang PA si Simon. Kita nya ang pag-aalala nito sa mukha.

"Thank you."

Kaagad kinuha ni Yassi ang gamot sa kanyang bag. Pumunta din sya sa pantry para ikuha ng mineral water ang amo.

Nang mainom ni Simon ang gamot ay nagpahinga ito sa kanyang silid.

Inabala naman ni Yassi ang sarili sa trabaho.

Lunchtime nang katukin ni Yassi ang private room ni Simon. Walang sumasagot kaya napilitan syang pihitin ang knob ng silid.

Hindi yun naka-lock kaya malaya syang nakapasok sa loob.

Napaawa si Yassi nang makita ang binata.

Nakakunot kasi ang noo ni Simon habang natutulog. Kumikirot pa rin kaya ang ulo nito?

Tinitigan nyang maigi ang mukha ng binata. Bihira na nyang matitigan ang gwapong mukha ni Simon. Palihim na lang nyang ginagawa kapag hindi ito nakaharap sa kanya.

Napabuntong-hininga si Yassi.

It's been a month and nothing changed.

Di pa rin sya maalaala nito.

And Marianna is taking advantage of the situation.

May magagawa ba sya para muling maibalik ang nawalang alaala ni Simon?

May mga tauhan din si Simon na hindi nito matandaan. At least hindi lang sya ang nabura sa alaala ng binata.

Haizzt!

Ito kaya ang kapalit ng panalangin nyang mabuhay lang ang binata nakahanda nyang tanggapin ang anumang mangyayari?

Nagdadalawang-isip si Yassi kung gigisingin nya ba ang binata o hahayaang matulog.

Sa huli ay ipinasya nyang gisingin ito dahil ayaw nyang mag-skip ng meal si Simon.

Kelangang kumain ni Simon sa tamang oras dahil may mga iniinom pa ring gamot ang binata at ibinilin yun sa kanya ni Donya Luisa. Lagi nyang pinaaalalahanan si Simon sa pag-inom ng mga gamot nito.

Tinapik nya nang mahina si Simon sa braso nito.

Inulit ulit nya hanggang sa nagmulat din ito.

Napatitig si Simon sa dalagang nakatunghay sa kanya.

Umiwas naman ng paningin si Yassi.

"Sir lunch na po. Nasa pantry na po ang mga inorder kong pagkain."

Bumangon ang binata.

"Thank you for waking me up."

Tumango lang si Yassi. Nauna na syang lumabas sa silid.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon