Chapter 51

422 38 1
                                    

Nakailang ikot na sa harap ng salamin si Yassi ngunit hindi pa rin sya kumbinsido sa kanyang hitsura.

Sabi ng nanay nya ay maganda sya kaya walang dapat ipangamba. Meron o walang kolorete sa mukha, litaw ang ganda nya.

Kahit paano ay kinakabahan sya sa ayos nya dahil kakanta sya sa kasal sa simbahan. Sanay na syang kumanta ang kakaiba lang kasi sa ngayon ay kasal ito ng kapatid ni Blaze.

Rose gold ang motiff ng kasal kaya ngayon nakasuot sya ng rose gold silk dress na tinahi ng kanyang nanay. Off shoulder ang design at hanggang tuhod ang haba. Pa-ruffles ang laylayan ng damit at may design na bulaklak sa bewang.

Gandang-ganda sya sa tahi ng nanay nya.

"Ay aba at napakaganda talaga ng apo ko." tuwang-tuwa ang Lola Adela nya nang makita sya.

"Anong oras ba ang kasal?" tanong ng tatay nya.

"9AM po Tay."

"Mag-aalas otso na ah. Wala pa si Blaze."

Susunduin kasi sya ng binata.

Sakto ding may bumusina sa tapat ng bahay nila.

"Ay si Blaze na yan." excited na sumilip sa labas ang nanay nya.

"Si Blaze nga!"

"Pasok ka hijo." anang lola nya.

Nagkatinginan sila ng binata. Nahihiya syang ngumiti dito.

At ang gwapo ni Blaze sa suot na black tuxedo.
Matikas na matikas ang dating nito.

"Ang gwapong bata!" puri ng nanay nya.

"Salamat po." nahihiya namang sagot ng binata.

"Nay, Tay, 'La, aalis na po kami ni Blaze. Sa kabilang bayan pa ang kasalan eh." paalam na ni Yassi.

"Hala sige. Mag-iingat kayo. Ikaw na ang bahala sa anak namin ha, Blaze." bilin ng kanyang ama.

"Opo."

Pinagtitinginan ng mga kapitbahay nila si Blaze. Ngumiti ang binata sa mga ito at kumaway.

Natawa tuloy si Yassi.

"Ehemmm... Parang artista lang ah." tukso nya.

Tumawa ang binata.

Habang nasa byahe ay nagkukwentuhan sila ng binata.
Tungkol sa banda nila at kung anu-ano pang topic.

"Are you ready?" nakangiting tanong ng binata nang makarating sila sa simbahan. Nauna pa silang nakarating sa kuya nito na syang groom sa kasal. 

"Yes I'm ready."

Ipinagbukas ni Blaze ng pinto si Yassi at inalahad ang palad nito upang alalayan ang dalaga sa pagbaba sa kotse.

Napangiti si Yassi sa pagiging gentleman ng binata.

Takaw-tingin si Blaze sa mga kababaihan. Halata sa mga mukha ng mga kabaro nya ang paghanga sa kasamang binata. At parang naiinggit pa ang iba sa kanya dahil nakaalalay ito sa kanya sa kanilang paglalakad. Hinatid sya ni Blaze hanggang sa malapit sa altar katabi ng mga choir.

Inorient sya kung kelan sya kakanta ng napiling awitin ng mga ikakasal.

Nang bago magsimula ang wedding procession ay kumanta muna si Yassi ng dalawang prelude song. Make You Feel My Love by Adelle at A Thousand Years ni Christina Perri.
Nang humudyat ang coordinator para sa wedding march ay kinanta na nya ang Ave Maria ni Beyonce. 

Nagulat pa si Yassi nang makita sa wedding march si Sandro, isa sa mga Groom's men sa kasal. Habang kumakanta ay nagkubli sya sa babaeng nasa unahan nya na mas matangkad sa kanya. Mabuti na lamang at natatabingan sya ng mga choir members na naroon din sa simbahan.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon