Chapter 33

466 26 2
                                    

"My love go back to your bed. You should be sleeping now. Don't worry coz I love you so much too!" mapupungay ang mga mata na bulalas  ni Simon.

Natigilan si Yassi. Akala nya tulog na ito. Nakapikit nga lamang ba?

"Matulog ka na rin. Tabi ka sa akin sa bed. Maluwag naman yung kama."

Saglit na natigilan si Simon.

Ngumiti ang dalaga.

"Sige na. Tara na dun."

"I'll be fine here. Sige na. Remember, nurses are coming in every four hours."

Napangiti si Yassi sa tinuran ni Simon.

He is right.
Pinuprotektahan sya ni Simon sa maaaring isipin ng ibang tao.

"Okay. I'm sorry naistorbo ko ang tulog mo. Sleep na ulit."

Tumango si Simon ngunit tumayo ito upang akayin si Yassi pabalik ng kama.

Tinulungan nyang makahiga ng maayos ang dalaga.

"Sleep now." anito sabay halik ng mabilis sa labi  ni Yassi.

"Matulog ka na din. I love you." lambing ng dalaga.

Hinaplos ni Simon ang mukha ng kasintahan.

"I love you too."

Sandaling naghinang ang kanilang mga mata.
Sa pamamagitan ng mga titig nila sa isa't isa ay ipinadama nila ang kanilang pagmamahal sa bawat isa.

Nakatulog ng matiwasay si Yassi  habang nakangiti.

Buong magdamag namang nagbantay si Simon na hindi na dinalaw ng antok.

He realized how much he loves Yassi. Never in his entire life na naging ganito sya sa isang babae.

Not even with his ex Marianna.

Matapos ang dalawang araw mula sa pagkaka-confined sa hospital ay nadischarge na rin si Yassi.

Kasalukuyan nang nagpapahinga sa kanyang silid si Yassi nang may kumatok sa pinto.

"Kumusta ka na?"

Si Sandro, ngayon lang ulit nya nakita ang binata.

"Okay na po ako Sir." nahihiyang tugon ng dalaga.

Sakto ding lumabas sa kanyang silid si Simon.

"Kuya!"

"Kararating ko lang and I've heard from Manang Belen na nandito na kayo ni Yassi."

"Ah yes. She was discharged this morning."

Tumingin si Simon sa dalaga.

"Yassi, ipapaayos ko na ang mesa. Kakain na tayo. And kuya bumaba ka na din."

Lihim na napangiti si Yassi sa paraan ng pananalita ni Simon. He is trying his best to speak in Tagalog. Natutuwa syang nag-iimprove na ng husto ang pananagalog nito.

Nasa kalagitnaan sila ng pagkain nang pumasok ang isang tauhan ni Simon.

"Sir may bisita po kayo. Pinapasok na po namin si Ma'am Marianna."

Natigilan saglit si Simon pagkarinig sa pangalan ng dating kasintahan.

Napatingin sya kay Yassi.

Tumango lang ang dalaga. Ipinahiwatig nyang okay lang sa kanya.

Palipat lipat naman ng tingin si Sandro sa dalawa.

Kaagad na tinapos ni Simon ang kanyang pagkain. Ganoon din sina Sandro at Yassi.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon