Chapter 21

596 42 3
                                    

Hinawakan ni Yassi ang isang braso ni Simon nang makaalis na ang mag-ama.

Nginitian nya ang kanyang boss.

"Let's move on na Sir. Salamat sa lahat lahat."

Lumambot ang mukha ni Simon.

"Haizzt! You're tough but you have a soft heart." sabay gulo nito sa buhok ng dalaga.

Natawa tuloy si Yassi.

"Sir you're messing my precious hair."

"Sorry! Is your hair worth a million?" biro na nito.

"Oo naman!" Yassi answered.

Tumikhim si Sandro.

"Hello! I'm here!" aniya.

Nagkatawanan na sila.

"Magbihis na nga kayo mga gwapo kong boss. Ipagluluto ko kayo bukas ng mga paborito nyong pagkain." ani Yassi.

"Really?" Simon asked.

"Syempre naman Sir. Malakas ako sa iyo eh kaya malakas ka rin sa akin."

Napangiti si Simon sa sinabing yun ng dalaga.

Nilingon din ni Yassi si Sandro.

"Tara na po Sir Sandro. Akyat na tayo."

Yassi pulled Sandro's hand. Sumunod naman dito ang nangingiting mambabatas.

Napasimangot si Simon.

"Sir di ka pa ba magbibihis?" lingon ni Yassi.

"Sige na susunod na ako."

Bumalik si Yassi at hinila rin ang kamay ng kanyang boss.

"Wag nang mag-umarte Sir. Magbihis na tayo at nang makakain na para makapagpahinga."

Natatawa na lang ang magkapatid.

Yassi's bubbly character made them smile.

Kasalukuyang nasa veranda si Yassi at nanonood sa mga kaganapan sa baba.

May nagaganap na kasayahan sa mansion ng kanyang boss. Munting salu-salo ng magpipinsan kasama ang mga asawa.

Nahihiya syang makihalu-bilo sa mga 'yun. Nagkasya na lamang sya sa pagtulong sa kusina at matapos makapagluto ay umakyat na sya sa kaniyang silid.

Katatapos nga lang nyang maligo nang oras na yun.

Mula sa taas ay tanaw nya si Sandro na nakikipaghuntahan sa mga pinsan. Hindi nya mahagilap si Simon.

Time flies so fast.

6 months na syang PA ni Simon. At sa loob ng anim na buwan, masasabi nyang nakapalagayang-loob na nya ang magkapatid.

Napatingala si Sandro sa kinaroroonan nya. Kumaway ito kay Yassi. Napatingin tuloy sa dalaga ang mga pinsan nito.

She waved back at pagkatapos ay pumasok na kwarto.

Nahiya na kasi syang panoorin ang mga ito.

𝘛𝘰𝘬! 𝘛𝘰𝘬! 𝘛𝘰𝘬!

Binuksan ni Yassi ang pinto.

"They want to meet you." bungad ni Sandro.

Napakamot sa ulo si Yassi.

"Sir..."

Sa totoo lang nahihiya syang bumaba kaya nag-stay na lang sya sa taas. Ngunit ganitong sinusundo sya ni Sandro paano sya tatanggi?

Hindi na sya nagpalit ng damit dahil nakasuot naman sya ng bestida.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon