Chapter 69

478 28 11
                                    

Kasalukuyang nasa kanyang opisina si Simon nang makatanggap sya ng tawag.

"Sir, may good news kami sa inyo."

Biglang napatayo sa kanyang kinauupuan si Simon.

Tawag yun mula sa agency ng inuupahan nyang private investigators.

"Na-locate na ng isa naming tauhan ang kinaroroonan ni Miss Almalvez."

"Where is she?" tanong ni Simon.

"Nasa Amerika Sir."

Naikuyom  ni Simon ang isa nyang kamao.

Ngayon lang na-locate si Marianna sa kinaroroonan nito gayong antagal na nyang pinapahanap ito.

Alin ang totoo?

Nagtago nga ba si Marianna at ngayon ay lumantad na?

"Pinababantayan ko na sya sa mga tao ko Sir. We will update you soon." anang lalaki sa kabilang linya.

"Please do."

Nang maibaba ni Simon ang kanyang cellphone ay nakaramdam sya ng pag-asa.

Finally, maibibigay na nya kay Marianna ang annulment papers. Kung kailangang makiusap sya rito upang palayain sya ay gagawin nya.

At kahit di nya yun gawin, binigyan sya ng katiyakan ng kanyang bagong abogado, na igagrant ang kanyang kahilingan na mapawalang bisa ang kanilang kasal sa dami ng grounds na gagamitin nya para dito.

Iisa na lamang ang iniisip nya.

Ang custody ni Sianna.

Nangangamba syang kunin sa kanya ng mga Almalvez si Sianna dahil hindi nya ito totoong anak.

Kumirot ang puso ni Simon.

𝘕𝘰, 𝘪𝘵 𝘤𝘢𝘯'𝘵 𝘣𝘦.

Mahal na mahal nya ang bata.

Si Sianna ang naging dahilan ng pagkakahiwalay nila ni Yassi.

Si Sianna rin ang naging tulay upang muli silang magkalapit ng dalaga.

"Oy, malungkot ka ba?" malambing na tanong ni Yassi kay Simon nang tumawag ito sa kanya.

Nahimigan nya ang matamlay na boses nito.

"No. Sorry my love, may iniisip lang ako."

"Tungkol saan? Sa company mo ba?"

"Yes." pagsang-ayon naman ni Simon bagamat hindi totoo. Ayaw nyang bigyan din ng isipin ang kanyang kasintahan.

"Maaga kang umuwi nang makapagpahinga ka na." ani Yassi.

"Yeah. Take care. Call you up again later." paalam na ni Simon.

Kinagabihan ay tinawagan ulit ni Simon si Yassi.

Malaya nang nakakausap ni Yassi si Simon kahit nasa bahay na sya dahil wala na silang itinatago sa kanyang tatay. Bagamat matabang ang pakitungo sa kanya ng ama, hindi sya galit sa kanyang Tatay Mario.

"Mahal ko nakaayos na lahat ng para sa pagpapa-blessings mo ng resort. Nakausap ko na si Father." balita ni Yassi.

"Thank you my love." masayang banggit ni Simon.
Napaka-hands on ni Yassi sa pagtulong sa kanya sa resort. Mula sa event organizer, na syang mag-aayos ng venue,  sa pagkuha ng paring babasbas sa resort, at sa catering service, na syang sagot ni Yassi, ay katuwang nya ang kanyang kasintahan.

Sa makalawa ang blessings ng Sunrise View.

Io-operate na ang resort ni Simon. May kinuha itong magmamanage dahil tinanggihan ni Yassi ang alok ng kasintahan.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon