Chapter 8

596 24 1
                                    

"Manang Belen, who cooked the baked mac?" tanong ng binata.

"Si Yassi Sir. Di ba nya nabanggit sa inyo?"

"Oh really?" Nagulat ang binata.

"Yes Sir. Masarap po ba? Nag-aalangan nga pong ipatikim sa inyo eh." sabat naman ni Sonia.

"Pakisabi sa kanya, nagustuhan ko yung baked mac na gawa nya."

May parang mainit na kamay ang humaplos sa puso ni Yassi nang marinig nya ang sinabi ni Simon. Kabababa lang nya mula sa taas at pumunta sya ng kusina para makipagkwentuhan sana kina Manang Belen at Sonia. Hindi nya akalain na naroon ang binata.

Parang kinilig sya sa narinig.
Nakakataba ng puso.

"Sir tumawag na po ang staff ni Ma'am Hazel. For pick up na po yung mga suits ninyo. Tawagan ko na po si Manong Nestor para makuha na po namin ang mga iyon. Aalis na po kami."

"Okay." maikling sagot ni Simon.

"Sige po Sir. Inform ko na po si Manong Nestor na aalis kami." tukoy ni Yassi sa driver ni Simon.

Bumalik muna sa kanyang pwesto ang dalaga upang tawagan sa cellphone si Mang Nestor. Matapos makausap ito ay humanda na siya pag-alis.

"Aalis na po ako Sir. Maiwan ko po muna kayo dito."

"Go on and ingat."

Napangiti si Yassi sa sinabi ng binatang amo.

"Sir may merienda po sa pantry. Initin nyo na lang po yung baon kong lasagna. Wag ka pong papagutom ha." balik sabi naman nya dito nang malapit na sya sa pinto.

"Thanks." maikling turan ni Simon na may kalakip na matamis na ngiti.

Yun ang pinakamatamis na ngiti na nakita ni Yassi mula sa binata. Bahagya pa syang kinilig dahil sa paningin nya lalong gumuwapo ito dahil sa ngiti na 'yun. Nasabi nya tuloy sa kanyang sarili na sana lagi itong ngumingiti. Most of the time kasi ay seryoso ang mukha nito.

Nakalabas na ng opisina si Yassi.

Nakaplaster pa rin sa mukha ng binata ang ngiti.

Natutuwa sya sa pagiging maalalahanin ng kanyang PA.
Two weeks na ni Yassi sa trabaho nito at sa loob ng dalawang linggo na yun, consistent ito sa pagiging maalalahanin. Kapag kailangan nitong umalis ng opisina lagi itong nagbibilin na kumain sya sa oras.

"Ehemmmm.."

Nag-angat ng kanyang mukha si Simon. Isang nanunuksong mukha ni Lance ang bumungad sa kanyang harapan.

"What's on that smile ha? Kanina pa ako sa harap mo di mo ako napansin." ani Lance.

"Nothing." biglang sumeryso ang mukha ni Simon.

"C'mon Si! You can't hide it. I saw you smiling alone. Hmmm..." pangungulit ng kaibigan.

"Shut up Lance."

"Okay fine." Ginala binata ang paningin sa loob ng opisina.

"Where's Yassi?"

"Kinuha nya ang mga suits ko."

"Ow... Kung alam ko lang sana sinamahan ko na." nakangising sabi ng binata.

Tumaas ang isang kilay ni Simon.
Nagsisimula na naman ang kaibigan.

"Dude I am telling you. Don't mess with Yassi. Have mercy on her." may diin nyang sabi.

"And dude how many times do I have to tell you, seryoso ako kay Yassi. Can't you see nagbago na ako? Since day one that I met her hindi na ako nagba-bar hopping. Wala na akong gimmicks sa buhay. I don't flirt with other women." seryoso na ring sabi ni Lance.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon