Chapter 18

562 31 5
                                    

"I'm home. Thanks for the company."

𝘏𝘰𝘺, 𝘮𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘨 𝘬𝘢 𝘯𝘢. Paulit ulit na saway ni Yassi sa sarili.

Nakailang ulit na kasi nyang binabasa ang convo nila ni Simon.

"Kumain ka na ng dinner?"

"Yes po."

"What are you doing?"

"Nakahiga na po nagpapahinga na po."

"Did I disturb you?"

"Hindi naman po."

"We're leaving tomorrow. Are you ready?"

"Ready na po Sir. Wala naman po akong maraming bitbit."

"Oh yeah I remember you only had one backpack with you."

"Yes po Sir."

"Okay take a rest now. Sleep tight."

"Sige po Sir."

"Goodnight."

"Goodnight Sir... "

𝘚𝘸𝘦𝘦𝘵 𝘥𝘳𝘦𝘢𝘮𝘴.

𝘔𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘨 𝘬𝘢 𝘯𝘢 𝘠𝘢𝘴𝘴𝘪, saway nya sa sarili dahil baka maisend pa nya yung huling tinype nyang message.

"Sir, half day po ba tayo today?" tanong ni Yassi kay Simon nang makarating na sila sa mansion.

They're back in Manila.

"Just rest. We'll go to the office tomorrow."

Tumango-tango si Yassi.

Mabuti na nga rin yun para makatulog sya dahil napuyat sya kagabi. Bakit nga ba sya napuyat?

Pagkatapos maibigay kina Manang Belen ang dala nyang pasalubong na mga kakanin mula sa kanilang probinsya ay umakyat na sya sa kanyang silid.

Humiga sya sa kama.

Naisipan nyang gumamit ng soc med.

Nag-scroll agad sya sa kanyang IG account.

Napangiti sya nang makita ang mga post ni Simon. Mga larawan yun mula sa pinuntahan nilang tabing dagat.

Naisipan nyang silipin ang IG story ng kanyang boss.

Nanlaki ang kanyang mga mata.

Isang maigsing video yun.

And she knows, it was her. Yung  nasa video.

Nakatalikod sya kaya walang makakakilala sa kanya.

So why then he posted her?
Natuwa siguro sa kanya dahil kahapon nagmistula syang bata na nakikipaghabulan sa alon.

Lately she's thinking so much of his boss.

May mali ata.

Haizzt!

Tok! Tok! Tok

Naputol ang kanyang pag-iisip.

Bumangon sya at binuksan ang pinto.

Nakasimangot na mukha ni Merly ang nabungaran nya.

"Nasa baba si Sir. Kumain ka daw muna bago magpahinga."

"Ah susunod na ako. Salamat."

Pagkasabi nya ay tinalikuran na sya ng babae.

She went down at nasa dining area na nga si Simon.

"Eat first." anito.

Nginitian nya ang kanyang amo.

Ipinaghila sya nito ng upuan sa tabi.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon