Chapter 57

412 28 3
                                    

"Dada I want to go to Miss Yassi's place. I miss her spaghetti." maktol ni Sianna kay Simon.

Napatingin sa kanyang relo si Simon. It's 9AM in the morning.

"Okay baby. Magsa-shower lang muna si Dada ha."

"Yehey!"

Napailing si Simon. Kahit pa-dalawang linggo na ang nakakalipas ay di pa rin makalimutan ni Sianna ang pangako nyang dadalhin nya ito sa Yummy Place.

Tuwang-tuwa si Sianna nang makababa sa kotse. Halos patakbo pa itong pumasok sa loob ng resto.

Kaagad namang hinabol yun ni Yaya Marsha.

Iiling iling si Simon habang nakatanaw sa bata.

Napangiti sina Alice at Mildred nang muling makita si Sianna.

Agad nilapitan ito ni Alice.

"Hi baby girl!"

"Hello po!"

Luminga linga si Sianna.

"May hinahanap ka ba?" nakangiting tanong ni Alice sa bata.

"I'm looking for Miss Yassi..." sagot ni Sianna.

"Ah, si Ma'am. Nasa office sya. You know her office, right?"

Tumango ang bata at masiglang sumagot.

"Yes po. Thank you."

Mabilis na tinungo ni Sianna ang hagdan patungo sa second floor. Nakaalalay naman si Yaya Marsha.

Nakatanaw si Simon mula sa pintuan. Hindi nya alam kung susundan ang dalawa.

Sunod sunod na katok sa kanyang pintuan ang narinig ni Yassi mula sa labas.

Tumayo sya upang buksan yun.

Napangiti sya nang makita si Sianna at ang Yaya nito.

"Hello baby girl!"

"Hello Miss Yassi!"

Yumukod ang dalaga at mabining kinurot ang pisngi ng bata. Nangigigil kasi sya sa kakyutan ni Sianna.

"Hey little cutie, I have something here for you. Halika pasok ka."

Inaya ni Yassi ang bata sa loob ng kanyang munting opisina. Hinila nya ang drawer sa ilalim ng kanyang mesa. Inilabas mula roon ang mga binili nyang coloring books at iba't ibang pangkulay. Crayons, color pens, at water color. Nakatuwaan nyang bilhin yun noong nakaraan pa matapos nyang makita ang bibang bata.

"Tara dun sa malapit sa bintana, doon ka mag-color then I will call Kuya Aldin to cook your favorite spaghetti. Don't worry, masarap din yun na magluto."

Ngumiti si Sianna sa sinabing yun ng dalaga. At nagpasalamat ito. 
Nagkatinginan ang dalaga at si Yaya Marsha.
Ngumiti sila sa isa't isa.

Binuksan ni Yassi ang nakasarang glass window sa tapat ng mesang kinaroroonan nila. Pumasok ang sariwang hangin-dagat.
Pang-apatang tao ang mesang yun. Tanaw mula sa kanilang kinaroroonan  ang dalampasigan.

Doon natanaw ni Yassi ang bata noong una nya itong makita. Nahalata nyang naliligaw ito base sa kilos ng bata kaya bumaba sya upang puntahan ito. At sa mesa ring yun nya pinapwesto ang bata habang ipinagluluto nya ito ng spaghetti sa kusina ng resto. Binigyan lamang nya ito ng papel at ballpen upang malibang sa pagdo-drawing.

Kanina pa naghihintay si Simon sa baba ngunit hindi pa rin bumababa si Sianna at Yaya Marsha.

"Sir umakyat na po kayo. Malamang po na kay Ma'am Yassi yung anak nyo po. Hinanap po kasi nya."

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon