Chapter 49

435 33 8
                                    

"Anak pumasok ka na sa loob. Madilim na dyan sa labas." pasigaw na tawag ni Nanay Yolly kay Yassi. Nasa tabing dagat na naman kasi ang dalaga.

"Opo 'Nay. Papasok na po."

Naglakad na ang dalaga pauwi sa kanilang bahay.
Matamlay na pumasok si Yassi sa loob ng kanilang tahanan.

Limang taon na ang nakakaraan mula nang sya ay naaksidente.

Matapos makaligtas sa panganib ay nagpasya ang kanyang tatay na sa ibang lugar na lang sila manirahan upang mailayo sya sa mga Marcos.

Galit ang tatay nya dahil pagkakaaksidente nyang yun. Lagi na lang daw syang naaaksidente sa poder ng mga Marcos. Kaya nang maka-recover sya ay  umuwi sila sa probinsya ng kanyang ina matapos na maibenta ng kanyang ama ang bahay nila at munting sakahan sa Norte at nagretiro naman sa paninilbihan sa mga Marcos ang kanyang lola. Ngunit isang taon lamang sila sa Mindoro matapos manirahan sa mga kamag-anak ay lumipat din sila sa Batangas dahil may inalok na murang lupa sa tatay nya ng isang kaibigan at doon nga sila nakapagpatayo ng kanilang bahay.

"Hindi ka ba kakanta ngayon anak?" tanong ni Nanay Yolly kay Yassi.

"Wala po Nay.  Monday, Friday at Saturday lang po ako may may gig. Linggo po ngayon, araw ng pahinga."

"Ay oo nga pala. Kumain na tayo, maghahanda na ako."

Tumulong si Yassi sa paghahain ng ina.

Tinawag nya ang kanyang Lola na nasa kapitbahay pa.

"La, kakain na po tayo."

Sa probinsya uso ang sigawan. Nilakasan nya ang kanyang boses dahil ayaw na nyang pumunta sa kabilang bahay.

"Pauwi na." sagot naman ng kanyang agwela.

Sabay sabay na silang kumain matapos igarahe ng kanyang ama ang ipinapasada nitong dyip. Second hand nilang nabili ito.

Ang kanilang bahay ay naipatayo nila mula sa perang napagbilhan sa dati nilang bahay sa Norte at nagbigay din ng pera ang kanyang lola mula sa perang naging kabayaran ng pagreretiro nito sa mga Marcos.

Matapos nilang kumain ay kanya-kanya nang pahinga ang mga kasama nya sa bahay.
Naghugas si Yassi nang mga pinagkainan nila.
Matapos nyang maghugas ay ginawa naman nya ang ritwal nya bago matulog. Ang maglinis ng katawan.

Dati ay maliit lang ang kanilang bahay ngunit sa loob ng limang taon, napalaki nila ito kahit paano.

May sarili na syang resto sa lugar na yun. Mula alas sais ng umaga hanggang alas sais ng gabi nakabukas ang kanyang kainan, ang Yummy Place. Sa gabi ay sumasa-sideline sya bilang mang-aawit ng isang local band sa resto bar naman  ng isang sikat na resort sa lugar na yun.

Ayaw nyang gawing resto bar ang itinayo nyang negosyo. Sa resto bar kasi ay may inuman. Dito sa kanyang resto, pagkain lamang ang isinisilbi nila at walang alak.

Sa loob ng limang taon, inabala nya ang kanyang sarili sa pamamahala ng kanyang munting restaurant na tinatangkilik din naman ng mga tao. Madalas syang pagsabihan ng kanyang mga magulang na bitiwan na nya ang pagkanta dahil sapat naman ang kinikita nya sa kanyang negosyo at ang kinikita ng kanyang ama sa pamamasada. Hindi nya magawang huminto sa pagkanta dahil doon lamang nya naibubuhos ang kanyang emosyon.

Tulad ng mga gabing nagdaan, may mga pagkakataong hirap syang dalawin ng antok.

Napatingin sya sa kanyang cellphone. Kumirot ang puso nya nang maalaala kung sino ang nagbigay nun sa kanya.

It's been five years.
Bakit ang hirap kalimutan ng kahapon?
Bakit ang sakit pa rin?

Ang huling balita nya dito ay noong napanood nya sa tv ang announcement ng kasal nito at ni Marianna.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon