Chapter 25

617 37 6
                                    

Nagulat si Yassi nang makita ang papalapit na binata bitbit ang isang bouquet ng red roses.

Ewan nya kung bakit tumahip ng todo ang kanyang dibdib.

Inabot ng binata ang mga bulaklak.

"For you..."

Simon cursed dahil nanginig ang boses nya. Kailangan nyang gawin yun. It's now or never. Ayaw nyang maunahan pa sya ng Kuya Sandro nya na halatang may gusto rin sa dalaga.

Hindi makapagsalita si Yassi. Para saan ang mga bulaklak? Wala namang okasyon.

"Yassi, I do not know how to say this but... I want you to know that I--- I like you. I like you and I want you to be my girl, will you be my girlfriend?"

Natigilan ang dalaga sa narinig.

𝘈𝘯𝘰 𝘥𝘢𝘸? 𝘛𝘢𝘮𝘢 𝘣𝘢 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘳𝘪𝘯𝘪𝘨 𝘯𝘺𝘢?

Simon knelt down na lalong ikinagulat ng dalaga.

"Just love me today, and I'll court you forever." ani Simon.

Samu-saring emosyon ang namahay sa puso ni Yassi sa huling sinabi ng binata.

Dahil doon di nya napansin ang pagtulo ng kanyang mga luha.

"Si tumayo ka dyan." Hinawakan ni Yassi ang braso ng binata. "You copied your lolo's famous line." dinaan ni Yassi sa biro ang nararamdaman. Pinunasan nya ang kanyang mukha na dinaluyan ng luha.

Tears of joy.
Kung totoo ang sinabi sa kanya ni Simon, then the feeling is mutual. Matagal na rin naman nyang gusto ang binata. Hindi lang gusto, mahal nya si Simon.

Pero ang bilis naman ata nito.
He is asking her to be his girlfriend.

"I need your answer Yassi."
Is Simon pleading?

Napamura sa kanyang isip si Yassi.

She didn't say anything. Kakapunas lang nya ng kanyang mga luha ngunit tumulo na naman.

Nabaghan ang damdamin ni Simon. Tumayo sya at niyakap ang dalaga.

"I'm sorry. I'm sorry. I am not forcing you to answer me right away. I'll respect your decision. Just allow me to prove my love for you, please."

Umiling-iling si Yassi habang hinahagod ng binata ang kanyang buhok.
Lumayo ito ng bahagya kay Simon.

"Don't say that Si... Actually, I like you too!" sa nanginginig na boses ay buong tapang nyang hinarap ang binata.

Namilog ang mga mata ng binata.

He can't believe that Yassi likes him also.

Buong akala pa naman nya, ang Kuya Sandro niya ang gusto ng dalaga.

He hugged her tight.

Nahihiya namang yumakap din si Yassi.

"You made me happy Yassi. I love you."

Napangiti si Yassi. Kanina, I like you lang ang sinabi ng binata ngunit ngayon I love you na.

Mahihimatay yata sya sa kilig.

"I-- I love you too Si!" she replied.

Simon can't contain his feelings. Ang saya saya nya. He made the right decision na magtapat kay Yassi.

Pabalik na sila ngayon sa Manila. While driving, Simon's right hand is holding Yassi's left hand.

They were both happy.

Malapit na sila sa mansion at dahan dahan nang pinapatakbo ni Simon ang sasakyan. Hangga't maari gusto pa nyang makasama ng matagal si Yassi sa labas.

Hiniling ng dalaga na kung pwede ilihim muna nila ang kanilang relasyon.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon