Chapter 40

503 33 6
                                    

Sunod sunod na katok sa pinto ang narinig ni Yassi. Tinatamad syang bumangon sa pagkakahiga. Napilitan lang syang tumungo sa may pinto upang buksan yun.

"Sir?"

"Bakit hindi ka pa nagbibihis? Aren't you going to Simon's party?"

Hindi kaagad nakasagot si Yassi sa kaharap.

Bihis na bihis na si Sandro at nakahanda na ito para sa gaganaping pa-Welcome Party para sa kapatid.

"Sir kailangan po ba ako roon? Parang hindi naman." hesitantly she said.

"But I insist. Walang silbi itong suot ko kung hindi ikaw ang i-escortan ko." Sandro joked with a cute smile.

Napailing si Yassi.

Bakit sya magmumukmok gayong may pa-party sa kanyang mahal?

"Okay po Sir. Maghahanda na po."

"Good. Hintayin kita sa receiving area dito sa second floor."

Nang makaalis si Sandro ay naligo na si Yassi.

Nasa probinsya sila at ngayong gabi gaganapin ang pagtitipon para kay Simon.

Mabilis ang ginawa nyang pagkilos. Pinatuyo nya ang kanyang buhok gamit ang hair dryer.

Nakakahiyang paghintayin ang binata.

More than 30 minutes syang nag-ayos.  She made sure na hindi sya mapupulaan ng mga bisita ng mga Marcos.

She's wearing black  lacey dress na hanggang tuhod ang haba, Off shoulder yun at kita ang maputi nyang batok at balikat dahil pinusod nya ang kanyang buhok at nilagyan yun ng kumikintab na golden clip.

Sinuot nya ang color gold na wedge. Bumagay yun sa kanyang suot na dress.

Liptint na pink at konting blush on at kolorete lang ang inapply nya sa kanyang mukha.

Lumabas na si Yassi matapos tingnan ang sarili sa life size mirror na naroon sa silid. Bitbit nya ang maliit na pouch na pinaglagyan ng kanyang cellphone.

Agad tumayo sa kanyang kinauupuan si Sandro nang makita ang dalaga. Punong-puno ng paghanga ang kanyang mga mata sa dalagang ngayon ay kaharap nya.

"You look so beautiful Yassi." he couldn't help but praise her.

Ngumiti ang dalaga.

"And you look handsome tonight Sir Sandro." 

Lumuwang ang pagkakangiti ng binata sa sinabing yun ni Yassi.

He offered his arms. Kumapit doon si Yassi.

They went downstair.

Parang kailan lang si Simon ang nasa tabi nya. When they attended Borris' birthday ang strange boyfriend nya ang kanyang kasama.

Suddenly si Sandro na ang nasa tabi nya while Simon has Marianna on his side.

Everyone looked at them nang makababa sila sa maluwang na receiving area ng mansion.

Naroon ang halos ka-angkan ng mga Marcos.

"Good evening po." Yassi greeted them.

"Hija ang ganda ganda mo!" ani Donya Luisa.

"Yes, she's really beautiful Tita!" sagot naman ng asawa ni Borris.

Kung may nagustuhan si Yassi sa mga Marcos, they treated her as family and not ordinary employee of Simon. Kahit minsan nahihiya sya sa mga ito, ina-approach sya ng mga kaanak nina Sandro.

Hindi sinasadyang nahagip ng paningin ni Yassi si Simon, katabi si Marianna na todo ang kapit sa braso ng binata. Nang magkatinginan sila ng babae ay sinimangutan sya nito.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon