Chapter 17

551 22 2
                                    

Nagpaalam sya sa kanyang mga magulang na mag-iikot ikot lang.

Namalayan niya ang kanyang sarili na nasa harap na sya ng bahay nina Yassi.

Hindi nya alam kung bababa sya mula sasakyan. Limang minuto na rin siyang nakatigil sa harap ng bahay ng mga ito.

Minabuti nyang itext si Yassi.

"I'm here. In front of your house."

Nang matanggap yun ni Yassi ay agad lumabas ng bahay. Katatapos lang niyang maligo ng oras na yun. Excited ba sya?  Halos takbuhin nya ang kinaroroonan ng binata.

Nang makita ni Simon ang paglabas ni Yassi sa kanilang bahay ay bumaba na rin sya sa sasakyan.

Parang isang senaryo lang sa pelikula.

Nagtama ang kanilang mga mata.

Namutawi ang mga ngiti sa labi.

"Yassi..."

"Sir..."

Bahagyang natulala si Yassi nang makita ang kanyang boss.

Naka-cargo shorts na kulay moss green at plain black t-shirt si Simon pero ang lakas ng dating nito sa paningin nya.

"Are you busy?" tanong ng binata.

Her senses went back sa tanong na yun ni Simon.

"Hindi naman po. Pasok po kayo."

Pumasok sila sa kabahayan. Pinaupo ni Yassi ang binata.

Mula sa kusina ay lumabas si Nanay Yolly.

Agad tumayo si Simon mula sa kinauupuan at bumati sa ina ng dalaga.

"Magandang hapon po."

"Magandang hapon naman."

"Ammm... Magpapasama lang po sana ako kay Yassi. Pwede ko po ba syang isama sa bayan?"
bagamat nahirapan sa pagtatagalog ay naitawid naman ng binata ang nais sabihin.

Napakunot ang noo ni Yassi.
Napatingin sya kay Simon.

"Can you accompany me?"

"O anak samahan mo na si Simon tutal wala ka namang gagawin dito."

There was silence nang nasa loob na sila ng sasakyan. Ilang minuto lang ay nasa kabayanan na sila.

Ipinarada ni Simon ang sasakyan sa parking lot na malapit sa plaza.

Naglakad lakad sila sa paligid ng plaza.

Dahil kilala si Simon ay lagi silang kinukuyog ng mga tao. Walang magawa ang binata kundi harapin ang mga tao lalo na yung mga nagpapakuha ng picture.

Nang makawala sa isang umpukan ng mga tao ay inaya ni Simon si Yassi sa isang convenience store sa bayan.

Bumili ng mga canned drinks, bottled water at ilang kutkutin ang binata. Dumaan din sila sa isang pizza parlor at nag-take out.

"Let's go to the beach." sabi ni Simon.

Nagliwanag ang mukha ni Yassi. Matagal tagal na rin syang di nakakapunta sa tabing dagat.

Napatingin sya sa kanyang orasan.

It's  2PM. Isang oras ang gugugulin nila sa byahe. Bago naman gumabi makakabalik din sila.

"Okay Sir. Let"s go." masayang sabi ni Yassi.

"Baka gutom ka na. You can eat  while we're on our way." ani Simon kay Yassi habang nagmamaneho.

Medyo nagugutom na nga ang dalaga ngunit nahihiya naman sya.

"Eat the pizza while it's still hot." sabi ni Simon.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon