Chapter 24

548 35 5
                                    

Naiwang mag-isa si Yassi sa opisina.

She was about to order her foods pero tumawag si Simon.

"I ordered foods for your lunch. Eat well."

Halos mangiyak ngiyak si Yassi dahil sa pagtawag na 'yun ng binata.

"Thanks Sir. Ingat po kayo."

"Okay."

Masiglang ibinaba ni Yassi ang kanyang cellphone nang mawala sa kabilang linya si Simon.

After all, napaka-thoughtful pa rin ni Simon despite of being cold lately.

Maaga nyang natapos ang kanyang gawain. Past 1PM nang makabalik sina Simon at Jackie.

He brought her iced coffee. Yung favorite nya.

"Thanks po dito Sir." she gladly said.

Simon nodded.

Muling itinuon ni Simon ang kanyang atensyon sa pagbabasa ng mga dokumentong kailangan nyang pirmahan.

Bagamat focus sya sa kanyang ginagawa may mga sandaling napapasulyap sya sa kinaroroonan ni Yassi.

May mga pagkakataong ding nakatingin din pala sa kanya ang dalaga kaya ang nangyayari nagkakahulihan sila ng tingin.

𝘋𝘢𝘮𝘯...
Para silang mga teen-ager. Lalo na sa part nya. He's 26 already but he is acting like he's a teener.

They were surprised nang dumating si Sandro sa office ni Simon. Nag-aayos na sila nang oras na yun para sa pag-uwi.

Bitbit ni Sandro ang isang bouquet ng mga tulips.

Hindi makapagsalita si Yassi nang iabot sa kanya ni Sandro ang bouquet ng bulaklak.

"Thank you so much for taking care of me last week." nakangiting sabi ng binata.

"Wala pong anuman yun Sir." nahihiyang tugon ng dalaga.

Napasulyap sya sa kanyang boss ngunit hindi nya mabasa ang emosyon ni Simon.

"I would like to invite you for a dinner tonight. Is it okay with you?"

𝘚𝘩𝘪𝘵.

Naiinis si Simon sa kanyang nararamdaman.

Ito na yata ang simula ng panliligaw ng Kuya Sandro nya kay Yassi.

"Bro, i-treat ko lang si Yassi for dinner. Okay lang ba?" paalam ng binata kay Simon.

As if may choice naman si Simon, so he just nodded.

Wala rin namang dahilan si Yassi para tumanggi sa paanyaya ni Sandro.

Pasasalamat lang yun dahil sa ginawa nilang pag-aalaga dito.
Ngunit sa palagay ni Yassi, mas masaya sana kung kasama nila si Simon. Dahil inalagaan din naman ng boss nya si Sandro.

Sa isang fine dining restaurant sya dinala ni Sandro. Kagaya tuwing nakikita ng madla ang binata, marami ang bumabati sa sikat na mambabatas.

Minsan naiilang ang dalaga sa mga makahulugang tingin na ipinupukol ng mga tao sa kanya. Mas popular kasi si Sandro sa magkakapatid kaya mas maraming nakakakilala dito. Iniisip ba ng mga tao kung anong relasyon nila ni Sandro?

Pakiramdam ni Yassi, binabalatan sya ng buhay ng mga taong nakatingin sa kanila ng binata.

She must admit, she feels more comfortable and secured kapag kasama si Simon.

Haizzt!

Si Sandro ang kasama nya ngunit na kay Simon ang isip nya.

The dinner went well. Nabusog si Yassi sa masasarap na pagkain na inorder ng binata.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon