Chapter 27

609 38 8
                                    

Natawa si Yassi nang sunduin sya sa kanyang silid ni Simon. For a moment ay naging speechless ito habang nakatitig sa kanya.

"Hey!" untag nya sa kasintahan.

Doon lang natauhan ang nobyo.

"You're so beautiful my love."
namumungay ang mga mata na sabi ng binata.

"Thank you mahal ko. Ikaw din naman napakagwapo mo."

Simon is wearing an all black suit. Napakagwapo ng binata at matikas ang tindig.

Matangkad kasi si Simon. Hanggang balikat lamang nya si Yassi.

He bent and kissed Yassi on her forehead.

"I love you." he whispered.

"I love you too."

Bumaba na sila sa receiving area.

Lahat ay napalingon sa dalawa.

Naroon ang buong pamilya Marcos.

Kaagad nakita ni Simon ang pagtitig ng Kuya Sandro nya sa kanyang kasintahan.

"Oh gosh!" tili ni Donya Luisa. "You're so beautiful Yassi." anang ginang.

"Salamat po." nahihiyang sagot ng dalaga.

"Nanang Adela, kanino ba nagmana si Yassi at napakagandang bata?" biro ni Don Fernan kay Nanang Adela na tila proud na proud sa kanyang apo.

"Lalayo pa ba tayo Don Fernan, natural sa lola nya. Sa akin." pagsakay naman ni Nanang Adela sa biro ng amo.

Nagkatawanan sila.

"Ma, Pa, I'll be using my car." paalam ni Simon sa mga magulang. Ayaw nyang sumabay sa mga ito sa iisang sasakyan.

"Fine. Drive safely."
sagot ng ama.

Napasulyap si Sandro sa kapatid at kay Yassi. Pagkatapos ay sumabay na rin ito kay Vinny sa paglalakad patungo sa sasakyan nila.

Inalalayan ni Simon si Yassi hanggang sa makapasok sa kanyang sasakyan.

Nauna nang nakaalis ang mga magulang at dalawang kapatid.

He started the engine.

At bago tuluyang paandarin ang sasakyan ay ginagap niya ang kamay ni Yassi. Hinalikan nya yun.

Hindi nakapagsalita si Yassi. At the back of her mind, napakaswerte nya for having Simon as her boyfriend.

May mahihiling pa ba sya dito?

Wala na. Simon got everything.
He is the man of her dreams.

Ang daming tao sa venue ng birthday party ng pinsan ni Simon. Halatang puro galing sa mga kabilang sa alta-sosyedad.

Nakakapit si Yassi sa braso ng binata, ganoon din naman ito sa kanya.

Sinalubong sila ni Borris at ang asawa nito. Bumeso kay Yassi ang magandang asawa ni Borris.

"Happy birthday Cuz!" bati ni Simon sa pinsan. They patted each other's back.

"Thank you! I'm glad you came."

"Of course naman."

"Hey Yassi, right?"

Tumango ang dalaga. So natandaan pa pala sya ni Borris.

"Happy birthday po." nahihiyang bati ni Yassi.

"Enjoy yourselves ha. Si, ikaw na ang bahala kay Yassi. Iikot lang ako to welcome other guests."

"Yeah sure."

Nang makaalis ang mag-asawa ay naghanap ng bakanteng mesa ang dalawa. Hindi nila makita sina Donya Luisa at Don Fernan. Maging sina Vinny at Sandro.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon