Chapter 55

388 28 4
                                    

"Next time baby, don't play around without Yaya Marsha, okay?"

Tumango tango ang bata.

"Dada, can I go to the store tomorrow?"

Nagulat si Simon sa sinabi ng bata.

"Baby that place is not for babies like you and that place is for eating and not for playing."

"But Dada Miss Pretty told me I can go there as long as I am with Yaya Marsha. She promised me she'll cook lasagna for me. I won't play there."

Napabuntong-hininga si Simon. Wala talaga syang laban kay Sianna.

Isa pa, marahil naghahanap ng kalinga ng isang ina si Sianna. At naramdaman yun ng bata sa may-ari ng restaurant.

Yassi...
Ilang tao ba sa mundo ang magkakapangalan? Kapangalan pa talaga ng Yassi na kilala nya yung may ari ng resto na yun.

Humigit sya ng malalim na hininga.

He then kissed Sianna's forehead.

"We'll go there but not tomorrow, okay?"

Tumango naman ang bata.

Sinubuan sya ng spaghetti ni Sianna.

"Is it yummy?" tanong pa nito.

"Yes baby. I know why the name of that store is called Yummy Place. Their foods are all yummy, right?"

"Yes Dada. I love the fried chicken you bought last night. Crunchy and taste soooo good!'

Napangiti si Simon sa reaction ni Sianna habang sinasabi yun.

Sianna will always be his happiness.

Isang linggo na sunod sunod na may catering services sina Yassi.

Kagaya ngayon. 
Madaling araw pa lang ay nasa resto na si Yassi.
May ipagki-cater sila ngayon. Birthday party ng isang bata. Dalawang oras lang ang naitulog nya.

Sa umaga kasi gaganapin ang birthday party kaya kailangang makapag-prepare na sila before 9AM.

Meron pa sila para sa susunod na araw.

Pati cakes ng may birthday tinapos nya kagabi hanggang alas dose ng umaga. Natulog sya ng ala una at gumising ng alas kuwatro.

Ganito talaga kapag actual na humahawak ng negosyo. Nakakapagod.

Ngunit masaya naman sya dahil mga positive reviews ang nakukuha nya mula sa mga nagiging kliyente nya.

"Ma'am kami na po ang bahala dito. Umuwi na po kayo at magpahinga." sabi ni Mildred nang dumating si Yassi sa resto mula sa pag-catering.

Kumukuha sya ng additional manpower kapag may catering service sila kaya sina Mildred at Alice, Joel at Lander ay naka-fixed sa resto. Si Kuya Aldin na taga-luto ang tanging nahihiram  nya sa catering services.

"Sige nahihilo na nga ako. Kuya Aldin, mag-off ka na din. Kung anong menu ang nasa counter yun na muna ang pagpipiian ng mga magda-dine in."

"Sige Yassi." sagot ni Kuya Aldin.

"Yung mga ginamit sa catering, Joel kayo na ang bahala ha. Paayos na lang sa lagayan natin sa stock room, sa lagayan ng mga gamit.

"Opo Ma'am." sagot naman ng tauhan.

Umakyat sandali si Yassi sa kanyang munting opisina. Kinuha nya ang susi ng kanyang motor.

"Dada hurry up. You're so slow."

Natatawa si Simon dahil inip na inip si Sianna sa paghihintay sa kanya. Excited na kasi itong makapunta sa Yummy Place.

"Wait baby. Dada's not yet done."

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon