PROLOGUE

20.5K 467 159
                                    

YNO and I have been rivals since diapers. Yes, you read it right, simula pa pagkabata. Feeling ko nga it's not just a coincidence or fate. Sadyang plinano talaga ng universe na maging ganun kami kasi bored lang siya.

Sanggol pa lang ay talagang magkakompetensiya na kami. Palakasan ng iyak, paunahan mag-ubos ng gatas, paagahan matulog. Pati siguro padamihan ng tae sa diapers ay ginawa narin namin.

Well I don't know if those were true. Pero sabi ni mama oo daw. At nakakaproud lang na sa mga kompetensya na iyun, ako ang palaging nananalo. Wow! I'm so proud.

Not until the fire nation attack!

Di joke, nagbago lang ata iyun nung naggrade school na kami. Palagi ng top 1 si Yno sa klase at pati sa mga contest at quiz bee ay palagi siyang gold medalist habang ako naman ay Top 2 sa klase at silver medalist sa mga contest.

And that's where my hate for Yno started. Kahit wala naman siyang ginawa, kahit hindi naman niya pinagmayabang sa akin ang mga achievements niya at hindi niya naman ako inaasar na palagi lang akong kasunod sa kanya.

I just simply hate the fact na ang galing niya at hindi ko siya kayang pantayan. Eh noon nga sabi ni mama natatalo ko siya sa baby contest namin tapos ngayon ako na ang natatalo.

Isa lang ang nakikita kong dahilan. Dahil nauna siyang natuli ng isang linggo kaysa sa akin kaya mas nauna ring magdevelop ang utak niya.

Anong connect? Binluetooth ko.

Kung alam ko lang sana na ganun edi sana pinigilan ko nalang yung takot sa health center nung maglabas ng gunting yung nurse. Sana hindi nalang ako tumakbo at umakyat ng puno.

Baka siguro mas matalino pa ako kesa kay Yno ngayon at ako sana ang nasa spotlight niya, hindi siya.

Pero seryoso! Parang siya yung taong pinadala dito sa mundong ibabaw para subukin ako, ang kapabilidad ko, ang kahabaan ng pasensya ko, ang kabaitan ko, lahat lahat na pukingina!

Kung ang mission ni Thanos ay kumpletuhin ang anim na infinity stones. Ako naman ay ang lagpasan at durugin si Yno sa mga bagay na magaling siya.

Pero syempre hindi ko yun magawa-gawa. Kaya mas lalo akong naiinis sa kanya.

Kasinghaba na ata ng Nile River at kasingkapal ng limang pinagpatong-patong na encyclopedia ang listahan ko kung bakit ayaw na ayaw ko kay Yno Alvarez kahit halos lahat naman ng tao sa Barangay Sampaguita o kahit mga estudyante sa school namin ay gustong gusto siya.

Gwapo daw siya. Oo naman! Matalino. Oo din! Matulungin, magalang, palakaibigan. Lahat na ng mabubuting katangian nasa kanya na.

Mabait? Oo mabait siya kahit nonchalant siya makitungo sa akin. Siguro nafefeel niya na hindi ko siya gusto kaya siya na rin ang umiiwas sa akin. Diba ang bait? Pukinang ang bait, siya pa nag-adjust para sa akin. Kahit ako naman tong threatened na threatened sa kanya. At inggit na inggit sa mga achievements niya

At yun ang kiniinisan ko lalo sa kanya. He's the mirror of my insecurities. Siya ang nagpapamukha sa akin na hindi ako nag-eexcel sa lahat ng bagay. Na hanggang dito lang ako, hanggang sa paanan niya lang, nasa likod lang ng anino niya. Because the spotlight is in him.

Despite all the hatred I feel for him. He remains kind and understanding. Hindi man niya iyun pinapamukha sa akin pero iyun yung nakikita ko.

He knows how I despise him kaya siya na ang dumidistansya ng sarili niya. Feeling ko nga lahat ng mga kakarampot na achievements na nakukuha ko ay dahil nagparaya lang siya. Just because he pitied me. At yun ang mas lalo kung kinaiinisan.

Sa academics. Halos isubsob ko na ang mukha ko kakastudy. Hindi ko na alam kung ilang kilo na ang eyebags ko at kasing itim na iyun ng singit ng kalabaw. Because I wanted to ace the exam. I want to be on the top. But guess what. Si Yno na sobrang fresh pumasok sa exam day. Bagong ligo, amoy johnson at parang sakto sa tulog ang nakaperfect sa exam at Top 1 sa buong klase.

Habang ako na bangag sa gilid, lutang, malaki ang eyebags puyat at magulo ang buhok. Nagka five mistakes pa at san ako patungo? Of course Top 2. Forever the runner up, never the winner

And don't get me started on sports. Dahil kahit doon ay nilalamangan niya pa rin ako

Volleyball is my passion. I live and breathe it. But guess what? Basketball is more popular. And who's the star player of the basketball team? You guessed it-Yno.

Woww ang galinggg naman. Sanaol lodi.

And that's sarcasm by the way. The girls swoon over his every move, while I get stuck with polite applause.

Like the hell, anong kinacool sa pagsoshoot ng bola. Ako nga halos gawing swimming pool na ang ang sahig kakasalo ng bola. I even aced every spike of the ball. Pero wala mas gusto nila ang basketball.

And Yno got me on that again.

Hep! Hep! Hindi pa nagtatapos diyan dahil kahit sa baranggay ay pinapamukha pa rin ni Yno na mas magaling siya. Para siyang golden boy sa amin. Role model na dapat gayahin dahil anak din siya ng kapitan.

Bushet na yarn! Anak naman ako ng first councilor ah. Parang Vice President na rin yun.

Church activities? Of course siya pa rin. Pareho kaming dalawa na naassign na magbasa ng passage para sa aming Sunday service. Nagpractice pa ako ng buong linggo ah. Pero ang ending namental block ako to the point ang pagkabasa ko ng reach ay re-ach. Like ach talaga sa achuuu.

Tapos si Yno. Ayun napakaflawless ng readings. With correct pause, delivery and pronunciation. Pinuri pa siya ni Father Santiago at nirecommend habang ako nasa sulok lang umiinom ng coke, kumakain ng tinapay na snack.

Sa Youth Organization. Siya ang President at ako ang vice. Ninominate din sya eh. Anong laban ko. Apple of the Eye siya ng lahat. Ako? Anong prutas kaya? Santol kasi ang asim ko?

Palaging may weird tension sa pagitan namin. The way he stare at me, the way his action towards me. O baka sakin lang yun. Kahit naiinis ako sa kanya and I really hate his guts pero para may kung anong invisible strings na nagkokonekta sa amin in a way na hindi ko maexplain.

Pero baka nga ako lang ang nakakaramdam nun dahil siguro siya lang ang may kayang magparamdam sa akin ng ganito. Or maybe, just maybe, it's because he's the only one who really gets under my skin.

Yno has made my life more complicated and I can't help but wonder how things would be if we weren't constantly at each other's throats.

Pero winaglit ko na iyun sa isipan ko. Hindi na yun mahalaga. Ang mahalaga ay kung paano ko mapapataob si Yno ngayong SK Election. Because this time I will do everything para lang matalo siya.

I will crush you into pieces Yno Alvarez!

The Unperfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon