KANINA pa ako pabalik-balik ng lakad sa kwarto ko habang kaharap ang kalendaryo na nakasabit sa likuran ng aking pintuan.
Nasa may petsa lang na nakabilog ng pulang pentel pen ang tingin ko habang lumilipad naman ang utak ko sa dami ng iniisip. Hinimas himas ko pa ang panga ko gamit ang daliri ko habang nag-iisip.
Sa susunod na araw na ang birthday niya. Bibigyan ko ba siya ng regalo? Parang ang weird naman no?I mean I never give him gifts before. Wala nga akong pake kung birthday niya noon. Malalaman ko nalang na birthday niya dahil andami ng tao sa kanila.
Hindi rin naman ako pumupunta kahit iniinvite naman kami at nasa tapat lang sila. Sina mama, papa at Denisse lang yung pumupunta. Nagpapaiwan lang ako sa kwarto at nag-i-ML lang.
Pero kahit ganun nakakakain pa rin ako. Kasi pag lalabas ako para umihi, may nakikita akong pagkain na nakalagay na sa balkonahe. Ewan ko kung si mama ba may dala nun para sa akin o si Denisse kasi hindi naman mahilig si mama magdala ng pagkaij galing okasyon lalong lalo na yung Denisse na yun, baka ikamatay pa nun dahil sa kahihiyan. Pero kahit ganun kinakain ko pa rin naman.
Halos maluwa ko pa nga last time yung letchon kasi napadaan si Yno habang bumibili ng ice at napatingin sa akin. As in huminto talaga siya at pinanood akong kumain.
Gusto ko nalang magpalamun sa lupa nun. Baka inakala pa nun that time sarap na sarap ako sa handa nila. Wala kayang lasa letchon nila tas ang tabang ng spaghetti nila. Yung cake niyang sana asukal nalang binigay sa akin sa sobrang tabang. Tas yung macaroni nilang parang chicharon sa lutong, kulang ata sa pakulo.
FLASHBACK
"Tingin tingin mo?" maangas kong tanong sa kanya habang tinatago ang pagkain sa gilid ko.
"Gusto mong pumunta sa bahay? Mas marami dun," saad niya.
Kumunot ang noo ko sa kanya saka nag-iwas ng tingin.
"Ayoko! Di naman masarap pagkain niyo," ngusong sabi ko at di siya timapunan ng tingin baka mahalata niya pang nagsisinungaling ako.
Bumuntong hininga siya saka umiling-iling at naglakad na papunta sa bahay nila. Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa makapasok sabay kinuha ko kaagad yung platong may mga pagkain at lumamon ng marami.
Syempre joke lang yung di masarap pagkain nila. Pucha! Sana pala binaba ko nalang pride ko mas marami pa siguro akong makakain dun.
Need ko agad tapusin to baka kasi bumalik na naman yun at makita akong nag-eenjoy kumain. Todo lamon lang ako nang biglang may maglapag ng softdrinks sa harapan ko.
Halos maluwa ko na ang kinakain kong spaghetti na hindi ko pa tapos maisubo lahat at nakalabas pa sa bibig ko ang ilang pasta, nang bungad sa akin ang mukha ni Yno.
Kahit labag sa loob ko ay niluwa ko nalang sa plato ang spaghetti. Sarap pa naman ༎ຶٹ༎ຶ
"Panget talaga ng lasa," kunwaring nasusuka kong sabi saka ininom ang nilapag niyang softdrinks.
"Salamat dito," sabay angat ko sa bote at uminom ulit.
"Does it really taste bad?" bahagyang ngiwi niyang tanong.
Napaangat ako ng tingin sa kanya habang lumalagok ng coke. Tumango-tango lang ako saka lumagok ulit at nilapag sa gilid ang bote ng coke."
"Oum. Medyo hilaw yung hotdog. Ang dry, kulang sa gatas tsaka ang putla pa parang tinipid sa tomato sauce. Nginang pasta yan, pinrito niyo ba yan? Bat ang lutong nguyain."
Napaiwas naman ng tingin si Yno at napakamot pa sa ulo nito habang lihim na napamura. Bumaba ang tingin ko sa kaliwang kamay niya na may dalang tupperware. Napahigpit ang hawak niya dito at parang tinatago sa likuran niya.
BINABASA MO ANG
The Unperfect Match
Teen FictionDylan's high school life has always been a one-sided rivalry against Yno. No matter what he does, Yno always comes out on top, calm and untouchable- rank 1 in class, star athlete, school favorite. Dylan's been stuck in second place for as long as he...