I NEVER imagined that my greatest rival could make my heart flutter. We were always competing, always at odds, but somewhere along the way, something changed. Now, when I see him, my heart skips a beat.
The person I once saw as an enemy is the one who now makes me feel things I never expected—like maybe, just maybe, this rivalry was always meant to lead us here.
"Potangina! Pati itlog ko naging frozen na rin. Ang ginaw!" rinig kong reklamo ni Ivan sa likuran ko.
"Bat kasi kailangang madaling araw tayo bumyahe, lamig-lamig," dagdag din naman ni Aiden.
"Di talaga kayo nakikinig no. Kailangang alas sais pa lang nandun na tayo. Eh three hours ang byahe papunta dun," bwelta naman sa kanila ni Aries.
Kahit pa makapal na tong jacket na suot ko ay nanunuot pa rin ang lamig sa katawan ko. Kaya naman sinuot ko nalang din pati sumbrero ng hoodie ko. Ang ginaw din naman talaga.
"May cellophane kayo?" tanong ko sa kanila.
Kahit nakainom na ako ng sodium, gusto ko pa ring makasigurado. Mabilis kasi akong mahilo at masuka sa biyahe lalo na kapag bus. At sa kamalas-malasan ba naman, di ako nakadala ng cellophane. Sa lahat pa talaga ng pwedeng kalimutan.
"Wala eh! Isuka mo nalang kaya muna dito para di kana masuka mamaya or lunukin mo nalang pabalik," suhestiyon ni Aiden.
"Ikaw kaya sukahan ko no!" banta ko sa kanya.
Binuksan ko ulit ang cellphone ko saka tinignan kong nagreply ba si mama sa text ko pero wala talaga. Mukhang tulog pa ata siya.
Mabilis akong tumayo saka lumapit sa grupo nina Denisse na abala ngayon sa pagseselfie at group photo sa may gilid ng kalsada.
"Nisse! May dala kang cellophane?" tanong ko sa kanya.
"Wala! Ano namang gagawin ko dun?" sagot niya habang abala pa rin sa cellphone niya.
"Aish! Wag na nga lang," inis kong sabi at umalis na doon.
Naupo nalang ako sa may gilid habang sukbit sukbit ang bag ko. Hindi na din naman ako pwedeng bumalik kasi any minutes from now darating na yung inarkelang bus ng barangay.
Napabuntong hininga nalang ako habang pinaglalaruan ang mga maliliit na bato sa harapan ko.
Kahit madilim pa ay napansin ko agad si Yno habang nakajacket, cap at mask habang bitbit ang bag niya rin. Nagpalinga-linga siya sa paligid at dahil hindi naman ako kalayuan ay naririnig ko siya.
"Nakita niyo si Dylan?," tanong niya.
"Hello excuse me. Nakita niyo si Dylan?"
Kumunot naman ang noo ko. At dahil medyo madilim kung saan ako nakatambay ng upo ay hindi niya ako makikita o kung makita man ay hindi niya ako makikilala dahil sa dilim.
Bat niya ako hinahanap?
Ilang araw na rin simula nung magbigay siya ng ulam sa akin. Peace offering niya daw iyun. At nagsunod sunod pa iyun ng ilang araw to the point na nagtataka na sina mama kung bakit palaging nagbibigay ng ulam si Yno.
Binibiro pa sila ni Denisse na sinusuyo daw ako ni Yno. Kaya naman tinext ko kaagad siya nun.
At ang reply lang niya? Hindi daw siya titigil hangga't hindi ko siya napapatawad. Unli ulam na din sana yun pero baka magduda na si mama kaya pinatawad ko nalang siya kuno.
Yno is very persistent. Hindi ko alam kung bakit seryoso siya sa akin. I never knew his into guy. I mean wala naman yung kaso sa akin, hindi lang ako makapaniwala na sa lahat lahat ng magugustuhan niya, ako pa talaga na walang ginawang mabuti sa kanya. I mean I treated him as my rival before pero kahit ganun ay nagustuhan niya pa rin ako.
BINABASA MO ANG
The Unperfect Match
Teen FictionDylan's high school life has always been a one-sided rivalry against Yno. No matter what he does, Yno always comes out on top, calm and untouchable- rank 1 in class, star athlete, school favorite. Dylan's been stuck in second place for as long as he...