CHAPTER 16

20.5K 448 299
                                    

UUWI na siya ngayon kaya hindi ako mapakali. Naeexcite ako na kinakabahan na hindi ko madescribe, pucha!


Paulit-ulit akong nagpabalik-balik sa harapan ng salamin para icheck ang suot ko. Nakailang palit na rin ako ng damit tuwing narerealize ko na ang pangit.

"Magwhite na lang kaya ako? Para very demure, very mindful?" saad ko sa sarili ko habang hawak hawak ang nakahanger kong damit sa harap ng salamin.

Napakamot ulo nalang ako saka kinilatis ang ayos ko. Pogi na naman siguro ako sa ayos ng buhok ko no? Inamoy ko ang sarili ko. Okay mabango na rin ako.

Napatigil ako saglit at tinitigan ang sarili ko sa salamin. Pucha, bakit parang ang big deal ng suot ko ngayon? Eh dati naman, kahit nakapambahay lang ako, okay lang. Pero iba na ngayon. Iba na kasi 'to—siya na 'to.

"Hayup ka, Dylan," bulong ko sa sarili ko habang napapailing. "Ganito ba talaga 'pag in love?"

Parang nababaliw ka na. Tipong bawat galaw, bawat suot, kailangan tama. Yung tipong bawat tingin mo sa salamin, iniisip mo kung paano ka niya titignan. Pati amoy mo, kailangan perfect. Saan galing 'yun? Dati, wala akong paki sa pabango. Ngayon, parang ang OA ko na.

Kinuha ko ulit 'yung white na damit. Classic at safe. "Okay, ito na 'to. Para mukhang maamo, mukhang... seryoso." Pinagmasdan ko ulit sarili ko. Oo nga, demure ang dating. Pero wait—too safe ba? Baka isipin niya na boring ko.

Magpopolo ba ako? Pero parang tanga naman eh. Tsaka mapapansin yun ni Denisse kung bakit ayos na ayos ako kahit nasa bahay lang. Napakamot nalang ako ng ulo tsaka napagpasyahan na yung white nalang ang susuotin ko.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at chineck ang messages saka messenger ko. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nagpaparamdam. Alas nuebe na ng umaga. Eh dati 6 pa lang nag gogood morning na siya.

Well, baka tulog pa kasi lasing siya kagabi. And speaking of kagabi. Dahan dahan akong napakagat ng labi para pigilan ang unti-unti pag-angat ng ngiti sa labi ko.

Tinakpan ko nalang ang mukha ko gamit ang kamay saka mahinang natawa at napasandal nalang sa pinto ng kwarto ko

Ang cute nya kagabi. I didn't know he has that kind of side kapag lasing. Kung paano mamungay ang mga mata niya, pagnguso niya at ang namumula niyang pisnge. It makes me want to pinch him.

Mas lalo kong naramdaman ang pamumula ng pisnge ko nang maalala ko ang sinabi niya kagabi. Those drunken confession of him that night made swoon the million butterflies inside my body.

"Gagi! Malala kana Dylan," natatawa kong bulong at kagat labing inuuntog ng mahina ang ulo ko sa kinasasandalan kung pinto.

"Putanginaaa!" gulat na gulat kong sigaw nang pagkalingon ko sa gilid ay bumungad sa akin ang nakangiwing mukha ni Demisse.

Hawak hawak ko pang dibdib ko sa sobrang gulat at nanlalaki pa ang mga mata habang siya naman ay dahan dahang napaatras at parang nandidiri pa rin.

"Ewww. Oh my God! Yuckkk, ganun ka pala kiligin," ngiwi niyang sabi at parang pinanayuan pa ng balahibo habang hinihimas ang sariling braso.

"H-Hoy s-sino nagsabing k-kinikilig ako h-ha!" depensa ko saka napaayos ng tayo saka tumikhim.

"Kuya! Alam mo. Huling-huling kana sa akto. Wag ka nang magsinungaling pa. Pero very eww pa rin," ngiwi niyang sabi.

"Alam mo pabida ka talaga! Pabida! Bat palagi ka bang punta ng punta dito sa kwarto ko ha," inis kong sabi at pinagbabato siya ng hanger na ikinatili niya lang at patakbong bumaba.

The Unperfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon