CHAPTER 10

8.3K 255 87
                                    

NAKATUNGANGA lang ako sa kisame habang parang lantang gulay na nakahilata sa may kama. Paminsan-minsan ay nagpapanic ako ng lingon sa may pinto ng banyo pag tumutunog.

Nasa loob kasi si Yno at naliligo. Hindi ko alam kung anong ginawa kong masama nung past life ko at ganito ako kung parusahan ng universe.

Siguro lamok ako nun tas ang dami kong nadengue o di kaya bulok na apple tas may nafood poison ako.

Nang bumukas ang pinto ng banyo at dali dali agad akong tumaob ng higa saka tinakpan ng unan ang ulo ko. Rinig na rinig ko pa ang mga yapak ni Yno sa sahig at ang marahang pagbukas sarado ng pinto.

Bwesit na Ivan to. San ba yun naglalalandi at di pa bumabalik. Ang awkward tuloy dito.

"Di ka maghahalf bath?" tanong nito sa akin.

Hindi ako sumagot at nagpapanggap lang na tulog na kahit yung totoo ay di talaga ako sanay matulog ng di naghahalf bath. Mangangati ako mamaya pero mas nanaig pa rin ang ego ko. Mamaya na ako maghahalf bath pag tulog na siya.

"Kahit paa lang," giit niya ulit.

Mas nilakasan ko pa ang hilik ko kuno para marinig niya talagang tulog na tulog na ako. Bat di nalang kaya siya tumahimik, magbihis at matulog na.

"Okay fine! I love you!"

Nanlaki ang mga mata ko.

"Hoyyy! Anong–"

Napalingon si Yno sa akin habang may katawagan sa cellphone. Ako naman ay napatigil nang marealize na all this time hindi pala ako yung kausap niya.

"Sige Ma! Matutulog na po ako," sabay baba nito ng cellphone at tuluyan na akong hinarap.

"Bakit?" tanong niya sa akin dahil hanggang ngayon nakaturo pa rin ako sa kanya at nakabitin lang sa ere ang bibig ko sa sasabihin ko sana kanina

Pigil ang lunok ko ng laway nang mapagmasdan ko ang hubad niyang katawan habang nakatapis lang ng tuwalya. Marahas na iniling iling ko agad ang ulo ko dahil sa naiisip ko.

Bwesit! Wala lang naman sakin noon kahit ganyan sya ah. Madalas ko nga siyang makitang nakaganyan dahil magkaharap lang ang bahay namin. Tsaka madalas din syang hubad ang damit pag nagwowork out. Wala naman akong pake nun ah. Anyare na ngayon?

"Ahhh magtotoothbrush muna pala ako hahaha," pilit kong tawa saka tumayo na at naghubad narin ng damit.

Napansin ko kaagad ang biglaang pagbaba niya ng tingin sa katawan ko. Dahan dahan niyang kinagat ang labi niya saka tinignan ako dahilan para manlaki ang mata ko sa gulat at tinakpan ang dibdib ko gamit ang hinubad kong damit.

Kaagad siyang humagalpak ng mahinang tawa nang makita ang reaksyon ko. Sa inis ay binato ko sa kanya ang hinubad kong damit.

"You smells good," saad niya nang kunin ang damit kong tumabon sa ulo niya at inamoy iyun.

"Inangyan. Apakamanyak!" inis kong sabi at binawi ang damit ko sa kanya saka nagmartsa na papasok ng banyo.

"Hey! I'm just kidding. Ito naman," tawang sabi niya habang kinakatok ang pinto ng banyo.

Napailing nalang ako sa inis saka naglagay ng toothpaste sa toothbrush ko at nagsimula nang magtoothbrush. Patuloy pa rin siyang kumakatok sa labas.

"Babe, let me in. Need ko umihi," malambing niyang sabi na halatang inaasar lang ako.

"Turmergerl karh Ynorh arh. Mahsarsahpak kerta," inis kong sigaw habang bumubula pa ang bibig ko.

Bat ang landi niya ngayon?

"Awrhhh Arwhh awwwhhrrhh," asar niya sa boses ko sabay tawa  na ikinairap ko nalang sa loob at nagpatuloy sa pagtoothbrush.

Ilang minuto lang din akong nasa loob at lumabas agad habang sukbit sukbit ang tuwalya sa leeg ko para ipamunas sa bibig ko.

The Unperfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon