"ARE you okay?"
Tanging tango lang ang isinagot ko sa tanong ni Yno habang kinakarga niya ako sa kanyang likuran. Pinatong ko lang ang ulo ko sa balikat niya habang nakapikit.
"Ako dapat nagtatanong sayo niyan. Hindi mo naman kailangang gawin 'to. Kaya ko nang maglakad," mahinang sagot ko.
"You can't even stand. Wag ka nang makulit," giit niya saka bahagya akong inalsa dahil masyado na akong lumalaylay.
Tumahimik nalang ako habang nagpatuloy siya sa paglalakad. It's still useless rin naman dahil hindi rin naman siya makikinig. Kanina pa nga ako nagrereklamo na hayaan na niya nalang akong maglakad pero ayaw niya pa rin. Nag-aalala na rin ako na baka mangalay siya. Mabigat pa naman ako.
"Hindi ka ba nabibigatan sakin?" tanong ko sa kanya.
Lumingon siya sa akin at dahil nasa balikat niya lang ang ulo ko ay halos magbanggaan na ang mga pisnge namin. Gulat ko namang inilayo ang mukha ko sa kanya.
"Hindi!" tipid niyang sagot.
Ngumuso ako, "Sinungaling!"
"Ang gaan mo lang eh. Para ka lang karton," sagot niya pa ulit saka kagat labing nagpatuloy sa paglakad
"Kapal ng mukha mo ah. Mas malaki pa nga katawan ko sayo. Tsaka umaabot ako ng 30 reps. Ikaw 15 lang," kontra ko naman sa kanya.
"So inaamin mo talagang pinapanood mokong magwork-out," ngisi niyang sabi.
"Jusko naman Yno. Magkatapat lang bahay natin. Kahit hindi ko sasadyain makikita ko pa rin."
"Pero binilang mo kung ilan lang kaya ko," natatawa niyang sabi.
"Eh k-kasi ano... Syempre. Alam mo naman competitive a-ako pagdating sayo. S-syempre aalamin ko p-para malamangan ka," kamot ulo ko namang sabi.
"Sure ka? Hindi mo talaga ako pinagnanasaan?" asar niyang tanong kaya naman binatukan ko siya.
"Ganyan ba talaga kayong mga Polsci? Ang lalakas ng apog niyo sa katawan."
"Wala naman kasing masama sa pag-amin," giit niya.
"Ewan ko sayo. Yang mga puno nalang kausapin mo," inis kong sabi na ikinatawa niya lang.
Natahimik ulit kami habang patuloy lang niya lang akong kinakarga. Halos 30 minutes na rin kaming naglapakad kaya hindi ko talaga maiwasang mag-alala.
"Hindi pa pala ako nakakapagpasalamat sayo kanina. Thank you for finding me. Hindi ko alam kung ano nang mangyayari sa akin nun kung hindi ka dumating," saad ko.
"Angas angas mo takot ka sa multo?" nakangisi niyang sabi.
"Gago! Kahit mag 1v1 pa kami niyang sinasabi mong multo," sagot ko sabay batok sa kanya.
Hindi nga pala niya alam. No one knows my phobia. Walang alam sina mama at papa tungkol dun. Wala rin akong pinagsabihan kahit isa sa tatlo. I want to keep it myself dahil ayokong magmukhang mahina lalo na sa kanya, kay Yno.
"Dy..." tawag niya at tumigil sabay lingon sa akin.
Magkalapit ulit ang mga mukha namin but this time hindi na ako umiwas.
BINABASA MO ANG
The Unperfect Match
Teen FictionDylan's high school life has always been a one-sided rivalry against Yno. No matter what he does, Yno always comes out on top, calm and untouchable- rank 1 in class, star athlete, school favorite. Dylan's been stuck in second place for as long as he...