CHAPTER 3

10.2K 312 147
                                    

ALAM ko namang may kanya kanya tayong challenges na hinaharap sa buhay. Syempre that is part of life pero tangina naman bakit parang araw-araw nalang akong sinusubok ng universe.

Mabait naman ako ah. Except kay Yno. Naging mabuti naman akong tao. Except ulit kay Yno. Tsaka nagsisimba ako. Pero nagiging demonyo lang utak ko pag nakikita ko na si Yno sa loob ng simbahan.

Hayst! Pati ba naman sa pagiging mabuti kong tao sagabal pa rin si Yno. Dahil siguro sa kanya kung bakit ako pinaparusahan ng mundo ngayon.

Yung kahihiyan at awkwardness  na naranasan ko kahapon, lumagpas na ata hanggang sa kabilang buhay ko.

Ayoko nalang ulit maalala yung nangyari kahapon pero shit na utak to palaging piniplay. Nakaunli data ata. Klarong klaro pa kung iflasback sa utak ko eh. Di loading, di blurred. Sanaol malakas signal!

FLASHBACK

Nagkatitigan lang kaming dalawa ni Yno. Hindi ko alam kung bakit ang lakas lakas ng tibok ng puso ko. Kakakape ko siguro ito punyemas.

Hanggang sa bigla nalang gumalaw patulak yung pinto at dahil magkatapat lang ang mukha namin ni Yno ay tumama ang labi nya sa may pisnge ko. Sa bandang gilid ng labi ko.

Nanlaki ang mga mata ko dahil dun. Ramdam na ramdam ko ang malakas na pagkabog ng puso ko.

"Asan na ba si Dylan nang makakain na tayo," rinig kong sabi ni Mama.

Hindi ako makagalaw. Ganun din si Yno na parang naestatwa at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa aki habang nakadikit parin ang labi niya sa pisnge ko.

"Teka lang. Ilalagay ko lang tong nahingi kong kalendaryo kay Bebang. Wala pala tayong kalendaryo," rinig ko namang sabi ni papa.

Kaya dahil dun, nag-atras abante ang pinto pagkakabit ni papa sa kalendaryo. At dahil nasa likuran lang kami ng pinto. Mas lalong dumidiin lang ang labi ni Yno sa pisnge ko. Sumasabay ang pagdiin ng labi niya tuwing natutulak ni papa ang pinto.

END

Hanggang dun nalang! Hindi maaatim ng kaluluwa, dignidad, konsensya at kung ano pa man, ang nagyari kahapon sa akin.

Parang katumbas na nun yung first kiss ko. Gago talaga! No! Gago siya!

Pati ba naman sa ganung bagay kelangang nandun parin sa eksena si Yno? Pinapamukha talaga ng universe sa akin na palagi lang akong Top 2 at si Yno ang una. Unang nakahalik sa pisnge ko.

Ni hindi ko nga to pinapadapuan ng halik kay mama noon eh. Tas si Yno lang pala makakauna. Gago talaga siya!

"Pabida Aiden! Sabing ako na magcore. Puro ka na lang farm daig mo pa si Alice Guo."

"Apaka Bigat, kahit si Hydilyn d kayo kayang buhatin. Bobo amputa."

"Yung Mage may sariling mundo puta walang ambag. Pataba ka naman puro ka pafeeder."

Nakatunganga lang ako sa gilid habang ang iingay nila sa nilalarong ML. Ang layo ng nilipad ng isip ko habang humihipak ng mikmik sa straw.

Hindi ko na napansin pa ang pagbabangayan nila dahil tanging nasa utak ko lang ay yung nangyari kahapon at si Yno. Oo! Pinagbubogbog ko lang naman siya sa isip ko ngayon. Atleast, kahit man lang sa ganuong paraan makaganti ako sa kanya.

"Aray ko!" reklamo ko nang masagi ako ng siko ni Aiden dahil sa pagbabangayan nila.

Tuluyan na akong nakabalik sa ulirat kaya tinapunan ko sila ng masamang tingin habang sumisopsip pa rin sa staw ng dala kong mikmik.

"Dalian niyo diyan, magvovolleyball pa tayo," paalala ko sa kanila habang patuloy lang sa paghipak ng dala kong mikmik.

"Wait malapit na 'to. Ahhh! Bobo mo, Ries. Talo tuloy" sigaw naman ni Aiden.

The Unperfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon