CHAPTER 14

9.7K 260 124
                                    

"AYAW mo talaga pumunta dun?" tanong sa akin ni Denisse habang pumapapak ng macaroni sa dala niyang plastic cup.

Nakasandal lang siya sa may hamba ng pintuan habang hinaharap ako. Panglima na niya ata iyung tanong sa akin at palaging hindi ang lagi kong sinasagot

Nakahiga lang ako sa sofa at abala sa paglalaro ng ML. Hindi ko na siya tinapunan pa ng tingin. Magugutom lang ako. Bwesit na kapatid to. Di marunong makiramadam. Di man lang ako dinalhan.

Magluluto nalang siguro ako ng pancit canton ngayon or kainin ko nalang pride ko, baka sakaling mabusog pa ako.

"Bahala ka, ang dami pa naman nilang handa," pagpaparinig niya.

Naupo siya sa paanan ko kaya naman kitang kita ko kung paano niya sipsipin ang kutsara niya saka kumuha ulit ng macaroni sa dala nitong plastic cup at kinain. Palihim nalang akong napapalunok ng laway.

"Di ko naman ikakamatay kung hindi ako makakakain ng handa nila no!" nakangusong bulong ko.

"Pero mamamatay ka sa inggit. Ang sarap pa naman ng spaghetti nila," saad niya.

"As if naman maiinggit ako," bulong ko ulit habang naglalaro.

Pero deep inside para na akong tinotorture. Please! Wag ang spaghetti. Kahinaan ko pa naman iyun. Pero sa susunod niya palang sinabi ako mas manghihina.

"Ang ganda pala nung girlfriend ni Kuya Yno no? Nandun siya. Grabe ang puti. Bagay sila."

Halos magpantig naman ang tenga ko nang marinig iyun kaya naman kaagad akong napabangon sa pagkakahiga at nilingon kaagad siya. Hindi ko na tuloy naituloy ang paglalaro ko dahil sa sinabi niya.

"O! Kalma, kalma! Hindi naman halatang nagseselos ka no?" natatawa niyang sabi.

"Ito oh selos," sabay pakita ko ng middle finger sa kanya. "Nandyan?" tanong ko.

Sinilip ko pa ang ulo ko sa may pintuan at tinignan ang bahay nina Yno. As expected napakaraming tao at abala ang lahat sa pagkain. Parang wala namang bagong mukha. Puro mga taga dito lang ang nakikita ko.

"Di mo yan makikita. Nasa may likod sila ng bahay. Naglagay ng mesa dun si Kuya Yno sa ilalim ng kaymito nila para lang sa kanila," kwento niya pa.

"Tsaka confirm na talaga et na girlfriend niya yun. Nagyakapan sila pagkarating eh," giit ni Denisse.

"Anyways! Balik na ako. Gusto ko pa kumain nung spaghetti nila," sabay sibat niya agad at patalon-talon na pumunta kina Yno.

Napabalik ako mula sa pagkakasalampak sa sofa namin. Napalingon ako sa cellphone ko na umalingawngaw ang DEFEAT dahil sa naiwan kong laro.

Hayst! Pupunta ako. Pero di dahil nagseselos ako ah. Gutom lang talaga ako. Gusto ko nang kumain. Oo tama! Yun lang ang rason ko. Wala nang iba. Wala naman akong pake sa kanila.

Inis kong ginulo ang buhok ko saka pumasok na ng kusina para magtoothbrush.

Pagkatapos nun, patakbo ko agad na inakyat ang kwarto ko at mabilis na binuksan ang kabinet ko. Naghalulngkat kaagad ako dun sa mga nakahanger kong mga damit at namili.

Mabilis ko agad na dinala sa harap mg salamin ang dalawang napili ko at kaagad na tinignan.

Ang panget ko ata dito?

Napakamot nalang ako ng ulo habang nilalagay sa harapan ko ang mga nakahanger kong damit at pinagmamasdan ang sarili ko sa harap ng salamin.

Mas maganda tong maroon. Pero maganda rin tong white. Umikot ikot pa ako para lang matignan ang angle ng katawan ko.

The Unperfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon