CHAPTER 6

8.7K 268 104
                                    

ONE thing I realized is that I don't really hate him. I am just being pathetic losers projecting my internal frustrations to him.

Dahil ang realidad ay hindi lang ako satisfied sa performance ko. Yno is doing what I wanted to do for myself. He's not mirroring my insecurities, I am the one who is insecured. It's not his fault that he's doing better and I am not.

"Maraming salamat sa mga pumunta sa ating monthly clean up drive. Inaasahan ko ang kooperasyon ninyung lahat upang mapalinis ang barangay natin sa tulong ng mga kabataan ng Barangay Sampaguita," pagsasalita ng kasalukuyang SK Chairman.

Kaagad na nagpalakpakan ang lahat ng mga youth sa loob ng covered court. Ngayon kasi magaganap ang annual na clean up drive sa baranggay namin na syang nilalahukan ng lahat ng mga kabataan. Parte narin kasi iyun ng legacy nung mga nagdaang administrasyon na pinagpapatuloy parin at patuloy na ipagpapatuloy.

"Pagkatapos na pagkatapos ng aktibidad na ito, iaanunsyo na namin ang tungkol sa ating nnual Youth Camp kaya wala munang uuwi," dagdag nito na ikinasigaw ng lahat sa sobrang excited.

Napataas naman ang tatlong katabi ko ng mga hawak nilang walis at sako habang ako ay napapakamot nalang ng ulo.

Nagsimula na agad silang magdesignate ng mga areas na kailangan naming linisin. Naassign kami may Purok 5, sa may left side ng kalsada. Hindi naman masyadong kalayuan sa may court kaya mabilis rin kaming nakarating agad.

Napatingin ako sa kabilang parte ng kalsada kung saan nakaassign sina Yno. He's with his usual eyeglasses. Nakawhit Tshirt lang siya at nakashorts habang nagsusuot ng gloves.

Napatingin siya sa akin kaya sa sobrang gulat ko ay nag-iwas agad ako ng tingin at kunwaring naghahanap ng hinog na bunga sa puno ng makupa na nasa tabi ko.

At kailan ko pa siya pinagtuonan ng pansin? Since when? Ngayon lang. Nyemas talaga, wala naman akong pake sa mga ginagawa niya as lomg as he wont gotten in my way sa mga bagay na gusto kong mag excel. So ano to? Ano tong pinaggagawa ko?

Ginayuma ba ako ng hayop na to? I tried recalling kung may binigay ba siyang pagkain sa akin. Parang wala naman.

Kinulam? Baka siguro. May kulam ba ang halik niya. Kaya simula nun palagi na syang sumasagi sa isip ko, na kinakabahan ako kapag nasa malapitan sya, na palagi ko nalang syang napapansin at parang... parang napapa 'in the midst of the crowd I can't see nobody but you' ako. I mean may timew kasing parang nagsslow mo ang lahat tas sya lang yung gumagalaw.

Inalog ko ang ulo ko dahil sa mga iniisip ko. Anong kahibangan na naman to.

"Mga pre tulungan niyoko mamaya ah. Kunwari aksidente niyokong naitulak kay Abby," giit ni Aiden sa amin habang naglalagay kami ng mga damo sa loob ng sako.

"Ako din. Nakawin niyo tubig ni Elise ah para ako nalang magbigay sa kanya," nakangisi ring sabi ni Aries.

"Nice! Nice! Ako naman kayo sasalo sa trabaho ko dito kasi tutulong ako kay Jasmine, dunnn sa kabila," sabay nguso ni Ivan kina Yno na ikinabusangot at reklamo ng dalawa.

"Ang daya!"

"Anong madaya eh itutulak naman kita ng malakas hanggang sa masubsob kang hayop ka!" bwelta ni Ivan kay Aiden.

"Ikaw Lan. Wala kang balak? Ayun si Sheena oh," sabay nguso ni Aries sa babaeng nasa grupo nina Yno.

Umakbay pa siya sa akin at nagsilapitan naman ang dalawa.

"Ay ouch! Hanggang sa lovelife parang kaagaw mo pa rin si Yno. Tignan mo oh parang bet ata ni Sheena," bulong naman ni Aries.

"Ay naks may pahawak din si Yno. Mukhang bet rin! Mukhang bet rin" asar naman ni Ivan at napatawa.

The Unperfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon