HINDI na bago sa akin ito.
I am used to having girls confess to me. Sa court, sa likod ng school, sa labas ng gate. May dala pa silang letter, flowers, chocolates at kung ano-ano pa. I just glady accepted it, and rejected them politely. I am so fixated on outshining Yno kaya wala sa isip ko ang mga ganitong bagay.
Hindi na bago sa akin ang mga iyun. Siguro weird lang para sa akin dahil it's my first time na may umaming lalaki sa akin. At dun pa talaga sa taong pinaka di ko inaasahan.
"Lan! Ano na!" rinig kong sigaw ni Aiden.
Napabalik naman ako sa katinuan at doon ko lang narealize na nakatunganga lang pala ako. Hindi ko tuloy nareceive yung bola.
"Sang planeta na naman ba tinangay ng hangin yang utak mo?" tanong naman ni Aries habang kunot noong pinapaypayan ang sarili.
"Tigil muna tayo pagod na rin ako at para naman bumalik sa sarili niya yan. Arat ML nalang," reklamo naman ni Ivan saka naupo na sa may gilid.
Sumunod din naman si Aries na naghubad ng damit saka sinukbit iyun sa kaniyang leeg. Napabuntong hininga ako saka pinunasan nalang rin ang pawis sa sentido ko na tumutulo na.
"Mabuti pa nga. Lutang ata tong isang to eh," sabay akbay sa akin ni Aiden at dinala ako kung saan nakaupo sina Ivan.
"Ano ba, ang asim mo! Namamawis kili-kili mo, kadiri ka!" ngiwi kong reklamo sabay alis ko ng braso niya mula sa pagkakaakbay niya sa akin.
Nandidiri ko namang pinunasan ang balikat ko gamit ang damit na suot ko.
"Arte! Nudnod kita dito eh. Gusto mo?" hamon niya saka lumapit pa talaga sa akin.
"Sige subukan mo. Kung mahal mo pa itlog mo," banta ko sa kanya.
Napatakip naman si Aiden sa harapan niya saka naupo nalang sa gilid ni Ivan. Napailing nalang din ako at naupo na rin sa gilid ni Aiden.
"Next week na pala yung Youth Camp natin. Excited na ako," nakangising banggit ni Aries habang kinikiskis ang mga palad.
"Nice! Makakaporma na naman sa mga chicks," sabay kindat naman ni Ivan dahilan para pagbabatukan sila ni Aiden.
"Ayan kaya natatalo tayo sa grupo nina Yno tuwing Youth Camp kasi mas inuuna mo pa yang mga kalandian niyo!" singhal niya sa mga ito.
"Aray! Kala mo naman di pumorma kay Jasmine nung Youth Camp. Limut-limutan? Kala mo di ka namin nakita dun sa may puno ng mangga tsaka yung pasimple mong tulong kuno sa pagsisindi ng apoy nila. Asusss!" hirit naman ni Ivan.
"Oo tsaka magaling talaga yung sina Yno. Bat ka pa nagtataka kung sila nananalo," dagdag naman ni Aries.
Tahimik lang ako sa gilid nila kaya natahimik rin sila.
"Pero syempre mas magaling talagal tong pareng Dylan natin," sabay tapik naman ni Ivan sa balikat.
"Oo naman matik na yan. Kung di lang mga bobong tayo yung kagrupo niya, sure akong mapapataob niya yung Yno na yun," sambit naman ni Aries.
"Ang OA niyo di kayo marunong mamplastic," pairap ko nalang na sagot sa kanila.
"Nagutom ako. Tara fishball tayo," yaya ni Aiden habang himas-himas ang kanyang tiyan kaya naman mabilis na nagsitayuan ang dalawa.
"Taraaa. Gutom na din ako," sabay himas rin ni Ivan sa tiyan niya.
Natatawa nalang akong tumayo at sumunod narin sa kanila. Nasa labas lang din naman ng barangay court ang estante ng fishballan ni Mang Lando. Kaya ilang lakad lang din at nakarating kaagad kami.
BINABASA MO ANG
The Unperfect Match
Teen FictionDylan's high school life has always been a one-sided rivalry against Yno. No matter what he does, Yno always comes out on top, calm and untouchable- rank 1 in class, star athlete, school favorite. Dylan's been stuck in second place for as long as he...