"ANG hirap talaga maging panganay. Tayo palaging tagasalo ng trabaho," reklamo ko habang nagkukoskos ng foam sa plato.
Lumingon ako kay Denisse na nakawhite shirt at jogging pants habang nag-aayos ng buhok sa harap ng salamin.
"Trabaho sana to ng isa diyan kaso papractice practice agad ng sayaw sa PE. Kala mo naman magaling," pagpaparinig ko ulit sa kanya.
Pagkatapos niyang magsuklay ng buhok ay pairap niya akong nilingon habang nagtataktak ng pulbo sa palad niya.
"OA mo Kuya. Nung nagboarding house ka salo ko lahat ng trabaho mo. May narinig ka bang reklamo sa akin?" irap niyang sabi saka bumaling ulit sa salamin para maglagay sa mukha niya.
"Isaksak ko pa diyan sa mukha mong parang ispasol lahat ng reklamo mo sa messenger ko eh," irap ko ring sagot ko sa kanya.
"Oh bat dinadamay mo mukha ko. Pulbo tawag dito. Di mo yun alam syempre kasi dugyot ka pag may lakad kaya hindi ka nakakarelate sa akin," irap niya ulit na sagot.
"Huyyy kahit di ako maglagay niyan gwapo pa rin ako no," bwelta ko sa knaya habang nagbabanlaw na ng plato.
"Sige ipilit mo. Yan naman hobby mo eh. Maging feelingero. Makaalis na nga," sigaw niya saka pairap na lumabas na ng bahay dahil nag-aanray na ata ang mga barkada niya sa labas ng gate.
"Galingan mo sa pagsayaw ah. Last time para kang butiki," sigaw ko at natatawa nalang na napailing.
Matapos kong mahugasan lahat ay nilagay ko muna sa lababo para makatulo. Nagpunas agad ako ng kamay saka pumunta sa sala at kinuha ang nakacharge kong cellphone.
Pagkaopen ko ay nagsi-pop out agad ang mga chat heads ng mga group chats ko sa school. Una ko munang tinignan ang gc namin ng tatlong kumag.
ITLOG NI DYLAN
Dylan Dalisay: Mga putangina niyo! Sino na naman ang nagchange ng pangalan ng gc?
Ivan Alawi: Not me! For sure si Aiden yan. Kasi sa ating apat yan lang yung pinanganak ng 20 months
Aiden Richards: Salamat Ivan. Nakakamotivate ng buhay 😾🔪
Ariestotle: Ang iingay niyo, nanonood ako ng bold. Laging nagpopop-out chat heads nyo.
Aiden removed Aries to the group.
Aiden Richards: Thank me later
Ivan Alawi: Ayan ikaw na pinag-adjust namin hahahaha
Aiden Richards: Ay puta! Binato bubong namin. Lagot sakin tong Aries nato.
Napailing nalang ako saka pumasok ng kwarto at nagtingin-tingin sa facebook. Biglang sumagi sa isip ko si Yno kaya naman mabilis akong naglog-in sa instagram ko at nistalk sya.
"Ang pogi niya dito ah," bulong ko habang nakatingin sa instagram stories niya.
Nasa apartment niya ata siya. He's wearing his white T-shirt with his usual eyeglasses. Nakayuko siya sa cellphone niya habang tanging study lamp lang ang nagpapailaw.
BINABASA MO ANG
The Unperfect Match
Teen FictionDylan's high school life has always been a one-sided rivalry against Yno. No matter what he does, Yno always comes out on top, calm and untouchable- rank 1 in class, star athlete, school favorite. Dylan's been stuck in second place for as long as he...