CHAPTER 15

8.9K 273 72
                                    

WE never really know how things will unfold for us. Life has a way of surprising us, especially when it comes to the people we least expect.

Buong buhay ko, I only see him as my rival, Yno. Bata pa lang kami ay inis na inis na ako sa kanya. Hindi ko siya mapantayan no matter how hard I tried. Lahat nang bagay magaling siya. Gusto ko lang naman mag-excel kahit papaano pero inaagaw niya ang spotlight sa akin.

He always outshine me in almost everything. Academically, socially, sports. Lahat magaling siya, lahat nagagawa niyang lamangan ako. I hate him.

Kaya buong akala ko wala na talagang pag-asa na magbago pa ang pakikitungo ko kay Yno. Kahit himala siguro, hindi kayang gawin yun.

But when he did that freaking kiss. Hindi lang ako nagulat dun. Something changed. Something inside me had change. Hindi na gaya ng dati kung paano ko siya tignan.

Nagiging attractive na siya sa paningin ko, nagliliwanag, bumabagal ang oras tuwing tinititigan ko siya. Ang cliche pero yun ang totoo. Those were signs pero dahil bago lang sa akin ang mga yun. I failed to recognized it.

And now I finally realized it. I like Yno. I really like him.

Palagi kong dinedeny sa sarili ko na hindi ko siya gusto. Na yung nararamdaman ko ay dahil lang siguro sa biglaan naming pagkalapit sa isa't isa knowing my reputation to him.

Pero hindi eh, the more I keep on denying it, mas lalo ko lang pinapatunayan sa sarili ko na totoong gusto ko na siya.

FLASHBACK

"Sana coz I'm jealous Yno,"

Napapapikit nalang ako dahil sa antok at nilamon na ng kadiliman. Hanggang sa magmulat ulit ako ng mata at diretso ulit siyang tinignan sa mga mata niya. His eyes soften. Napangisi ako at tinampal ng mahina ang pisnge niya.

"Ang cute mo psh! Pati ba naman dito sa panaginip ko nagpapakita ka," sabay pisil ko nang mahina sa pisnge niya.

"Palagi kang nasa isip ko..." gigil kong pisil sa pisnge. "Hik.. pati b-ba naman dito sa panaginip ko? Ang OA mo na ah"

Tumigil ako saka siningkit ang mata ko para mapagmasdan ng maayus ang mukha niya.

"Cute mo talaga. B-bat ko ba kinaiinisan n-noon tong napakacute na mukhang to," ngusong sabi ko at halata pa rin ang kalasingan sa boses.

Nakanguso ko lang na pinisil pisil ang pisnge niya. Dinidiin ko pa to para ngumuso ang labi niya saka hihilahin ulit iyun.

Nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Hindi siya nagsasalita. Pinagmamasdan niya lang ako. He scanned every parts of my face gamit ang mga nangungusap niyang mga tingin.

"Hindi mo yun girlfriend?" tanong ko ulit.

Mangha lang siyang napapatitig sa akin. Hawak hawak ko pa rin ang pisnge niya at tinaas baba ang ulo niya para tumango siya.

"Good," sagot ko naman.

"Gusto na kita Yno," bulong ko.

I'm drunk pero alam ko ang nangyayari at nararamdaman ko ngayon. Tinanggap ko na sa sarili ko na gusto ko na talaga si Yno. It's not confusion anymore, hindi na rin denial. Gusto ko siya. Gustong gusto.

Bat ako magseselos sa wala diba? Ang tali-talino ko sa acads pero ang bobo-bobo ko sa sariling nararamdaman.

I like him and this time there's no holding back.

"You're just drunk, yeah" iniling-iling pa niya ang ulo niya at tila disappointed pa.

"No I'm not," lasing kong sabi.

The Unperfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon