CHAPTER 1

14.2K 386 178
                                    

IF THERE is one thing that made me so happy, iyun ay nung tumuntong na kami ni Yno ng college.

Hindi na kami pareho ng university na pinasukan. Sa wakas, nakawala na rin ako. Being free from the constant competition with Yno when we entered college felt like a breath of fresh air. Parang may kung anong bara ang nabunot sa lalamunan ko. Dahil hindi na kami magkasama sa iisang paaralan, kahit papaano, wala na akong kakompetensya.

Kung meron man at least hindi siya. Ang importante ay hindi siya. Our rivalry is finally over.

Or so I thought?

"Receive mo bro!" sigaw ko nang maiserve na ang bola mula sa kabilang net.

Mabilis naman iyung nasalo ni Ivan at ngayon ay tinoss niya na kaagad papunta sa akin. Hinanda ko agad ang sarili ko sabay hila pataas ng laylayan ng jersey short ko saka tumalon at inispike kaagad ang bola.

Nareceive iyun ni Aiden ngunit sa sobrang lakas ay lumagapak lang iyun at tumilapon na palabas ng serve line.

"Woahhh! Nice one!" malakas na sigaw ni Ivan sa akin sabay naghigh five.

"Eyyable ba? Eyy!" sabay eyy sign ko naman kanya at natawa nalang habang patalon kaming nag chest bump.

Inangat ko ang laylayan ng suot kong damit para punasan ang pawis sa mukha ko. Hindi naman maitsura ang dalawa habang naglalakad ang mga ito papalapit sa amin.

"Putangina mo talaga Lan. Ang sakit na ng kamay ko. Alam mo namang di kami professional athlete tulad mo tapos kung makabagsak ka parang katapusan na ng mundo," reklamo naman ni Aiden habang hinihilot ang kanyang balikat at pulsuhan.

"Jusko para sa ice tubig lang na pusta mababalian pa ata ako ng balikat. Nginang yan. Mahal pa ata magpabrace ng baling buto," sunod namang reklamo ni Aries saka naupo sa gilid ni Aiden.

Nakangisi kong hinubad ang damit ko saka lumapit sa kanila habang pinupunasan ang pawis sa katawan ko.

"Sus! Ang sabihin niyo mga weakshit lang kayong mga kupal kayo. Oh akin na yung singko dali dali. Pang ice tubig na rin iyun," sabay bukas ko ng palad para singilin ang pusta nila.

"Yabang! Athlete ka kasi kaya ganun" bulungan naman nila na ikinatawa ko.

"Magaling lang talaga ako. Pusta niyo agad bilis," sabay upo ko sa tabi ni Aiden at inakbayan siya.

"Oh ito na! Kala mo naman ikakayaman mo to," yamot nila at binigay sa akin ang tigsisingko nila.

"Nice!" nakangiti kong sabi habang binubulsa ang mga bigay nilang singko pesos.

Sumandal kaagad ako sa haligi ng basketball court habang pinapaypayan ang sarili ko gamit ang hinubad kong damit.

Alas dos na ng hapon ngayon at nakasanayan na naming maglaro ng volleyball sa mga oras na ito. Dala na rin siguro ng hobby ko at dahil wala silang choice kaya kailangan din nilang makipaglaro sa akin kundi wala silang libreng Wi-Fi mamaya.

"Oh nga pala mamayang gabi ML tayo dito sa baranggay hall. 3V3. Tigbente. Sino G?" yaya ko sa kanila nang maalala ko yung tungkol sa wifi.

"Wow! Iba talaga pag anak ni konsehal. May palibre wifi. Gege mamaya! Siguraduhin mo yang wifi ah," giit ni Ivan.

"Oo naman matik na yan!" sabay kindat ko sa kanila at nakipag-apiran.

The Unperfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon