"WELCOME to Camp Kalinaw. This will be our home for the next three days. A space for learning, growing and making memories!"
Napatakip ako ng mata nang pagkababa ko ng bus ay sumalubong agad sa akin ang sinag ng araw. I adjusted my sight and found them gathering in one place.
Napamangha ako nang makita ang camping site namin. Para kaming nasa tuktok ng bundok, napapaligiran ng mga pine trees. Napahinga ako ng malalim at ngumiti dahil sa kapreskuhan ng hangin.
"Shit! Ang ganda dito," manghang sabi ni Aries habang nakasukbit ng bag at pababa ng bus.
Totoo nga! Everything here is therapeutic. Nakakakalmang pagmasdan ang mga tanawin. Tsaka malamig pa ang simoy ng hangin.
"Mag-eenoy tayo nito for sure. Balita ko may lake daw dito. Ahhh excited nakong lumangoy," nakangiting sabi rin ni Ivan saka umakbay sa akin at napatingin sa paligid.
"Sana magkasama tayo ng cabin no?" biglaang sulpot din ni Aiden sa gilid namin habang nakapameywang.
Isang mahabang katahimikan ang namuo sa amin saka isa-isa na kaming nagsialisan.
"Hoy mga--- nakakahurt na kayo ah," reklamo niya at hawak hawak pa ang dibdib niya.
"Magtetent nalang ako Aiden kesa ikaw makasama ko. Nakakabulabog yang hilik mo punyemas parang bakang kinakatay," ngiwi kong sabi.
"Bro!" tawag niya naman kay Aries.
"Di mo pa sinasauli yung underwear ko nung last camping natin. Mga bago pa naman tong dala ko," sagot din nito.
"Nagbabagong buhay na ako," sigaw naman ni Aiden.
"May pag-asa pang magbago kulay ng singit mo pero hindi ang budhi mo," sigaw ni Ivan.
Kaagad na tinawag ang lahat sa harapan ng isang mini podium kung saan nakatayo ang mga SK.
Nagpalinga-linga ako sa paligid at hinanap si Yno. Nagising nalang kasi akong wala na siya at nakakumot narin sa akin yung bigay kong kumot sa kanya.
Napatingin ako sa hawal kong neck pillow na si Jerry. Isang maliit na ngiti ang sumilay sa labi ko.
Wait? Bat ba ako nakangiti? Hindi! Hindi ako nakangiti! Iniling-iling ko ang ulo ko saka sinimangot ang labi ko. Hindi ako nakangiti!
Napabuntong hininga nalang ako sa mga pinag-iisip ko at sinuot nalang sa leeg ko ang neck pillow. Nilagay ko muna sa gilid kung saan nakalagay rin ang mga bag nila at nakapamulsang lumapit sa nagkukumpulan.
"Once again, welcome to Camp Kalinaw. This is where you'll be spending the next two weeks, and I promise you, it's going to be an unforgettable experience."
Nagpalakpakan ang lahat kaya nakisabay nalang ako habang pasimpleng tumitingin sa paligid. Nasan ba kaya yun? Bigla bigla nalang nawawala.
"Nakikita niyo tong sa likuran ko? Yan ang main lodge, diyan tayo sabay sabay na kakain at icoconduct ang mga programs tsaka indoor activities. To the left, you'll find the cabins. Mamaya after ng breakfast natin i-aassign ko na kayo sa mga designated cabins niyo at sa baba ng camp mayroon doong areas ng outdoor activities natin tsaka ang lake." paliwanag nito.
Excited namang napahiyaw sina Aries sa gilid ko nang marinig ang tungkol sa lake.
"Tamo pakitaan ko kayo ng mga diving style," pagmamayabang ni Aiden.
"Manahimik nalang sana kung langoy palaka naman," parinig ni Aries sa kanya.
"Di ko lang marunong lumangoy eh. Kaya hanggang kid's pool nalang," ganti rin ni Aiden kaya nagburdagulan na naman ang dalawa.
BINABASA MO ANG
The Unperfect Match
Teen FictionDylan's high school life has always been a one-sided rivalry against Yno. No matter what he does, Yno always comes out on top, calm and untouchable- rank 1 in class, star athlete, school favorite. Dylan's been stuck in second place for as long as he...