WE all really have that one plot twist in our life. Yung puntong parang nasa teleserye na ang nangyayari sa buhay natin. Pero putangina naman. Bat naman ganito pa ang binigay na plot twist sa akin ni Lord.
Nakahiga lang ako ngayon sa kama habang yakap yakap ang unan ko. Nakatitig lang ako sa kisame at tulala. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala habang inaalala ang ginawang paghalik sa akin ni Yno.
Napahawak ako sa labi ko. Shit! Totoo ba talaga yun? Men! Nawala angas ko dun ah! Kasi putchapa napalitan ng gulat!
Sinong hindi magugulat. Hinalikan ka, first kiss mo pa. Ang worse sa lalaki pa. Ang pinakaworst sa tinuring mo pang kaaway.
"Ano bang nakain mong panis Yno Alvarez at ginulo moko ng ganitoooooo!" sigaw ko sa unan ko at nagpagulong gulong sa kama.
Napatayo ako kaagad nang may naisip. Ano kayang ginagawa ng mokong na yun ngayon pagkatapos akong halikan? Katulad ko ba din sya na di mapakali? Dapat lang! Alangan namang ako lang.
Dahan dahang akong naglakad papunta sa bintana ng kwarto ko. At dahil nakaharap lang din iyun sa bahay nila ay kitang kita ko kung anong nangyayari sa kanila.
Hmmm. Normal lang naman. Hinanap ng mata ko si Yno at ilang minuto pa ako akong naghintay pero hindi ko pa rin siya nakikita. Siguro nagkulong din yun sa kwarto kagaya ko.
Dapat lang talaga! Dahil sa aming dalawa. Mas nakakahiya yung sitwasyon niya no! Mas nakakahiya yung ginawa niya. M-mabuti nalang at walang tao.
Paano kung hindi ko siya dinala dun sa likuran ng barangay hall. So mataas ang chance na duon niya ako hahalikan sa may covered court. Mas nakakahiya yun. Tangona mo talaga Yno!
Napalingon ulit ako sa bahay nila at inis siyang hinanap. Nasan na ba yung lalaki na yun?
Wait lang! Bat ba ako nacucurious sa kanya. Bat ba affected na affected ako sa halik niya. Di ko naman siya gusto.
"Ahhh nakakainis," sabay sabunot ko sa buhok ko.
Napasandal nalang ako sa pader saka inuntog ng mahina ang ulo ko dun ng ilang beses. Sumilip ulit ako sa kanila and this time natyempuhan ko na si Yno.
Nasa tapat ito ng bahay nila at nagsasaboy ng bigas sa mga manok nila.
H-Hoy! B-Bat parang nagliliwanag siya?
W-Woy bat p-parang nagslowmo ang paligid. Bat parang may nagsisikislapan sa paligid niya. Bat parang may background music na "Dilaw" S-saan yun galing?
Napakusot-kusot ako ng mata at ganun pa rin ang nangyari. Ang mapupula niyang labi. Ang labing humalik sa akin. Shit bat ganun. Bat parang... Bat parang nanginginit ang pisnge ko.
"Alam mo Kuya matatanggap ko naman na crush mo si Kuya Yno pero yang ginagawa mo ngayon? Ewww para kang obsessed na stalker with manyak agenda," giit ng isang pamilyar na boses
Mabilis naman akong napalingon da likuran ko dahil sa gulat at nanlaki kaagad ang mga mata ko nang makita ang kapatid kong si Denisse na nakangiwi habang nakasandal sa may pinto at nakatingin sa ginagawa ko.
"K-kanina ka p-pa dyan?" gulat ko pa ring tanong.
"Hindi ah. Kakarating ko lang. Hindi ko nga nakita kung paano kumislap ang mata mo habang nakatingin kay Kuya Yno. Kung paano ka... yuckkk I kennat continue it na. Nakakaderder" maarteng sabi niya habang nakangiwi pa.
"A-anong... Hindo ko siya tinitignan ng ganun ah!" depensang sigaw ko.
"Yeah I know na idedeny mo. Sino ba naman kasing aamin sa ginawa mo," saad niya ulit.
"Ikaw!" inis na turo ko sa kanya.
"Yeah it's me pretty," maarte niyang sabi at nagflip hair pa.
Mabilis ko kaagad na pinulot ang unan ko sa may kama. "Bwesit ka! Umalis ka nga dito sa kwarto ko," sabay bato ko sa kanya ng dalang unan.
BINABASA MO ANG
The Unperfect Match
Teen FictionDylan's high school life has always been a one-sided rivalry against Yno. No matter what he does, Yno always comes out on top, calm and untouchable- rank 1 in class, star athlete, school favorite. Dylan's been stuck in second place for as long as he...