I don't really like changes.
Kahit hindi naman talaga mapipigilan iyun. Ayoko ko lang kasi sa ideya na may magbago. Kasi bawat pagbabago, parang may nawawala. At 'yung nawawala na yun, hindi na babalik. Hindi na babalik sa dati.
Kaya hanggang ngayon, pareho pa rin ang ayos ng kwarto ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago ang routine ko sa buhay. Hindi pa rin nagbabago ang mga taste ko sa mga bagay bagay, sa mga paborito ko at sa mga pananaw ko sa buhay.
Para kasi sa akin kapag nasanay kana sa isang bagay, bakit kailangan mo pang galawin? Bakit kailangan mo pang baguhin? Hindi ko alam kung bakit palaging big deal sa mga tao ang pagbabago. Para bang lahat kailangang magbago at kailangang baguhin.
I don't really like changes. But Yno... Damn it! Would he be my exemption?
"Gusto na rin kita Yno."
Those words were like a thorn being gently pulled free inside me. Ilang araw ko ring dala dala iyun. Ilang araw ko ring inooverthink iyun. And to finally realized it and say it to him is such a relief.
Ramdam ko pa rin ang malakas na kabog ng puso ko matapos bitawan ang mga salitang iyun. Ramdam ko ang panginginit ng pisnge ko habang nakatitig sa mga mata niya. Kahit may suot na salamin ay hindi pa rin tinatago nito ang malamlam niyang mga mata.
Natawa nalang ako sa kaloob-looban ko. I don't like changes pero paano ko ipapaliwanag itong ginagawa ko ngayon. Paano ko ipapaliwanag ang pagbabagong nararamdaman ko kay Yno. Sa lahat ng tao, si Yno pa talaga. Ang taong pinakakainisan ko noon pa man. I hate him. The universe knows how I hate this guy. Akala ko hinding hindi na iyun magbabago. Akala ko lang pala...
I can still remember how I hated him before or did I?
FLASHBACK...
"Let me go, Romualdez," kaswal niya lang na sabi na para bang gagawin ko agad iyun dahil sinabi niya.
Sumilip muna ako sa unahan para tignan kung may nakakita ba sa amin. Buti nalang at abala sila sa kani-kanilang mga ginagawa. Dito ko siya dinala sa likuran ng classroom namin para hindi kami makita.
"Hinding hindi kita pakakawalan hangga't hindi tayo nagkakaliwanagan Alvarez," inis kong sabi sa kanya.
"Akala ko ba may usapan tayo. Hindi ko pakikealaman ang Math Quizzer at wag mo ring pakikealaman ang Science Quiz Bowl. Bat nabalitaan kong nagpalista ka raw!" madiin na sabi ko sa kanya habang hawak hawak ang lace ng ID niya.
Hindi man lang siya nagpatinag at inayos pa ang suot na salamin sa harapan ko saka tinitigan ako.
"I didn't agree with your proposal. You didn't even wait for my answer nang malaman mong hindi ako sang-ayon!" sagot niya naman ng mahinahon.
"Then magback out ka. Hindi na nga ako sumali sa Math Quizzer tas ikaw tigdadalawa kinuha mo? Hahakutin mo ba lahat? Pabida ka rin no!"
"It's a fair match Romualdez. Kasalanan mo na yun kung hindi ka rin nagpalista sa Math," untag niya.
"Kasi akala ko nga susunod ka sa usapan!" frustrated ko ng sabi na parang anumanh oras ay masasapak ko na siya
"Wala nga tayong usapan kasi in the first place I didn't agree with it. Simpleng comprehension lang Romualdez. Matalino ka ba talaga?"
BINABASA MO ANG
The Unperfect Match
Teen FictionDylan's high school life has always been a one-sided rivalry against Yno. No matter what he does, Yno always comes out on top, calm and untouchable- rank 1 in class, star athlete, school favorite. Dylan's been stuck in second place for as long as he...