Guys please, please. For better reading experience, kindly download Kurba by Maki. Will let you know in the story kung kailan niyo sila ipiplay. Please read it with that music as background hehe (˶˃ ᵕ ˂˶) .ᐟ.ᐟ
꩜꩜꩜꩜
"HOY! Senyorito! Papasok ka ba o hindi. Kasi iiwanan na kita. Malapit ng dumating ang bus," rinig kong sigaw ni Denisse mula sa labas.
Nakatunganga lang ako habang nakahiga sa kama ko. Kung pwede ko lang isulat ang talambuhay ng butiki, magagawa ko na siguro dahil kaninang alas singko pa ako na nakatunganga lang sa kisame.
Hindi ko feel na pumasok ngayon. I am not sick. Pero parang ganun narin. Hindi ko alam paano idescribe. I just feel drained and exhausted today to the point na gusto ko lang humilata sa kama buong araw.
"Kuyaaaa! Sasagot ko o hahagisan kita ng bomba diyang bushet kaaaa!" sabay kalampag niya sa pinto ng kwarto ko.
"Mauna kana! Parang di ka naman makakapunta ng school kung wala ako," sigaw ko naman pabalik saka tumaob. Kinuha ko ang unan ko saka tinakip iyun sa mukha ko.
"Talagang di ako makakapunta kasi na sayo ang baon koooo!" sigaw niya ulit.
"Lumabas kana diyan. Ang baon ko!!!" sabay kalampag at pokpok niya ng malakas sa pinto.
Inis akong napatayo saka nagmartsa papunta sa study table ko. Kumuha ako ng singkwenta sa bag ko at pagkabukas ko ng pinto ay tinampal ko iyun sa noo niya na ikinadikit naman nito.
Magsasalita pa sana siya nang isirado ko ang pinto at pabagsak na nahiga ulit sa kama ko. Kaagad kong dinipa ang kamay ko saka dinama ang lambot ng kama ko.
First time kong umabsent ngayon nang walang dahilan. Dati hindi ako mapakali if absent ako kapag may sakit dahil feeling ko ang dami dami kong mamimiss na lesson. Pero ngayon, gusto ko lang umabsent. It's like suddenly, I lost interest kung may mamiss man ako o wala.
All my life, halos pagurin ko ang sarili ko sa pag-aaral, sa pakikipagkumpetensiya kay Yno. Ngayon lang nagsink-in sa akin lahat na nakakapagod pala. Lalo na if it doesn't pay off. Parang napunta lang sa wala lahat ng pagod mo. Kaya for now, I just want to rest. Gusto ko ng peace of mind.
Buong araw ay wala akong ibang ginawa kundi humilata at matulog. Paminsan minsan ay nagpapahangin sa may bintana ng kwarto ko tas babalik na naman sa paghiga.
Yun lang ang naging routine ko makalipas ang tatlong araw. Kakain, hihilata tsaka matutulog. Babangon, kakain at hihilata na naman. It may sound boring, but I found peace in it. Yung wala akong iniisip kundi ang sarili ko lang. Not the grades, not the scores, not the ranks. Just me.
"Tatlong araw ka ng absent. Are you okay?" basa ko sa chat ng isa sa mga kaklase ko.
Actually, halos punuin na nila ang chatbox ko. Kahit nga ibang grades nagtatanong rin kung bakit di nila ako nakikita sa school. Hindi ko lang pinansin ang mga chats nila. Naupo ulit ako sa study table ko at pinakpak ang kanin ko na may Milo sa ibabaw.
Plano ko sanang mapag-isa at ayaw ng makakausap pero sinugod na ako ng tatlo dito sa bahay namin at ginawa ng tambayan nila ang kwarto ko.
"Lan! Okay ka lang ba talaga?" seryosong tanong ni Aiden habang nakahiga sila sa kama ko at pinaglalaruan ang mga gamit ko sa kwarto.
BINABASA MO ANG
The Unperfect Match
Teen FictionDylan's high school life has always been a one-sided rivalry against Yno. No matter what he does, Yno always comes out on top, calm and untouchable- rank 1 in class, star athlete, school favorite. Dylan's been stuck in second place for as long as he...