CHAPTER 9

7.8K 249 118
                                    

MAY mga sitwasyon talaga tayo sa buhay na gusto nalang nating magpalamon sa lupa. Yung mapapasabi ka nalang na sana naging patatas nalang ako. Gaya ngayon.

Napakaawkward ng katahimikan na namayani sa aming lima. Nakatitig parin sina Aiden, Ivan at Aries kay Yno habang ako naman ay hindi na rin alam ang gagawin.

Bat naman kasi may pabalat pa ng itlog. Pahamak talaga tong... argh itlog niya kaya balatan ko.

Napaangat ng tingin si Yno sa amin at napansin niya atang kanina pa siya pinagmamasdan nung tatlo. Napaigtad naman siya sa gulat ng sipain ko ng mahina ang paa niya sa ilalim ng mesa at sinenyasan siya.

"Ah... I-I'm sorry about that," utal niyang sabi habang nakatingin sa akin at nilipat agad iyun sa tatlo.

"Mannerism lang. Nasanay kasi ako sa bahay na ako pinapabalat ni Mama ng itlog," paliwanag niya sabay tikhim at inayos ang suot na salamin.

Pasimple pa siyang sumulyap sa akin saka nagpatuloy na sa pagkain. Napatingin din ako sa tatlo habang sumusubo ng pagkain. Mukhang kumbinsido naman ata sila. I guess!

"Yno. Since mga lalaki din naman tayo dito. Pwede bang magtanong?" biglaang tanong ni Aiden na ikinalingon ko.

Ano namang balak ng isang to.

Napatigil naman sa pagkain si Yno saka sinulyapan siya, "Sure! As long as it doesn't infringe on my privacy or compromise my integrity. I'm open with it."

Psh! Pasikat talaga oh! Napaikot nalang ako ng mata at hinigop ang kape ko.

"Bogsh! Ikaw na magtanong diyan Aiden. Pinasok mo yan eh," rinig kong bulong ni Aries.

Mariin namang napahigop si Aiden sa kape niya saka namamawis na nilapag sa lamesa ang tasa niya. Napatingin pa siya sa akin na parang nagpapasaklolo.

"Ahm... ano kasi," nagdadalawang isip niyang tanong at napakamot pa ng ulo.

"Ano ba yan! Pare-pareho lang naman tayong taga Barangay Sampaguita bat mag eenglish pa. Pst Aries anong english ng pass. Di na lang pala ako magtatanong," kamot noong tanong ni Aiden kay Ivan.

"Tarantado! English na yun," sagot ni Ivan.

"Ano kasi  May nagugustuhan ka ba ngayon or nililigawan?" alanganing tanong naman ni Aiden na ikinatigil ni Yno sa pagkain.

"Hoy wag mong masamain ah. Gusto lang naming humingi ng tips paano mo sya pinagsasabay sa pag-aaral mo kung meron nga. Talino mo kasi eh," pilit na ngiting sabi niya.

"Yes meron. Nililigawan? I'm not sure. But I'll do everything para patunayan ang sarili ko sa kanya,"

Halos masamid naman ako sa kinakain ko at nang palihim akong tinapunan ng tingin ni Yno na ikinaubo ko.

"Sorry sa pagtanong. Yun lang,'

"No it's okay. Im proud naman na siya yung nagustuhan ko. Hindi ko yun ikakahiya sa iba,"

"Wow! Sanaol! So pwede ba naming malaman kung sino yan?" excited namang tanong ni Aiden.

"Aiden!" tawag ko sa kanya at binantaan siya ng tingin, "You're asking too much."

"It's okay!" sagot naman ni Yno sa akin.

"Hindi pa muna. Hindi pa sya ready. But when the time comes. I hope... it'll be worth the wait,"

Napatitig ako kay Yno habang pinapakiramdaman ang puso ko na malakas ang pagkabog. Hindi ko alam kung bakit may romantic music na Dilaw na tumutugtog habang tinititigan ko siya na parang bang humihinto ang oras sa paligid niya.

Yun pala ay ringtone yun ng cellphone ni Ivan. Kaagad itong nag excuse sa amin saka tumayo at sinagot ang tawag ng mama niya.

Napatikhim nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. Ano na naman ba tong naiimagine ko.

The Unperfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon