"NAKULAM ata ako!" tulala kong sabi sa kanila.
Kaagad namang napalingon sa akin ang tatlo at dali-dali akong nilapitan. Nakatambay kami ngayon sa covered court at nakikiconnect ng wifi ng baranggay.
"Legit?" nanlalaki ang matang tanong ni Aiden at sumiksik pa ng upo sa gilid ko.
"Pano mo naman nasabi? Nagkabulutong ka ba? May kung ano bang gumagalaw sa loob ng tiyan mo?" tanong naman ni Ivan habang lumalamon ng isaw.
"Pero sabi nila susuka ka daw ng mga uod o salagubang. Pero depende daw sa level ng kulam. Pede ring ahas at palaka," giit naman Aries.
"Kadiri naman yun!" ngiwing sabi ni Aiden.
Napahawak ako sa dibdib ko. Ramdam ko pa rin kung gaano kalakas ang kabog nito kahapon nung gamutin ni Yno ang sugat ko. Kung paano ako napatulala sa ginawa niya at kung paanong parang nagslow mo ang paligid. Hindi ako ganito dati!
"May nararamdaman ka bang kakaiba or kung ano sa tiyan mo?" tanong naman ni Ivan.
Sinikap kong alalahanin ang nangyari kahapon at kaagad na nanlaki ang mga mata ko nang may maalala. May kung anong kumikiliti sa tiyan ko nung titigan ako ni Yno kahapon. Kaagad akong napatango saka kinakabahang napatangon sa kanila.
"Patay! Kulam nga yan!" sabay singhap nilang tatlo at napatakip pa ng bibig.
"Sa tingin niyo?" nag-aalala kong tanong. "Nung titigan kasi ako ni Yno, may parang kumikiliti sa tiyan ko eh. Tas biglang kumabog ng malakas ang puso ko."
Napapalakpak si Aiden, "Aha! Sabi ko na nga ba eh. Kinukulam ka talaga nung ni Yno na yun. Diba pansin mo naman kung gaano makatingin yun kay Dylan nung nakaraan?" saad nito kay Aries.
"Tama! Tama! Feeling ko talaga dibadaan niya sa tingin yung kulam. Naku! Delikado ka dyan Lan," sabay tapik ni Aries sa balikat ko.
Napatulala nalang ako habang lumalamon ng kikiam. Nag-aalala kong nginuya nalang iyun habang iniisip ang kahihinatnan ko.
"May paraan ba para mawala yung kulam?" tanong ko naman sa kanila.
Tinignan naman ako ng seryoso ni Aiden habang nakalagay sa panga ang kamay niya at nag-iisip. Si Aries at Ivan naman ay nag-iisip rin sa gilid ko at pansamantala munang tinigil ang pagkain nila.
"May naisip ako!' saad ni Aiden at saka sinenyasan na ilapit sa kanya ang ulo namin. Ginawa naman naking tatlo nina Aries at Ivan yun para marinig ang sasabihin niya. Binulong niya kaagad sa amin yung ideya niya.
"Seryoso to?" kunot noong tanong ko habang nasa kusina kami ng bahay ni Aiden at hinahanda ang sangkap na gagamitin namin.
"Oo! Ito daw ang recipe ng pangontra ng kulam. Imbes na ikaw ang iinom, yung nangkulam daw ang iinom para mareverse back," sabay pakita niya sa amin ng screenshot ng recipe.
"Eh gago! Sa google mo lang yan kinuha eh!" reklamo naman ni Ivan nang kunin niya ang cellphone saka inagaw naman iyun ni Aries para tignan.
"Tignan mo oh. Arabo pa ang pangalan ng sites. Timang ka rin no?" saad ni Aries.
Inagaw naman ni Aiden ang cellphone niya pabalik, "Makareklamo kayo no parang may naiambag kayo para tulungan si Dylan sa sitwasyon niya. Magsitabi kayo!" sabay paalis niya sa dalawa.
BINABASA MO ANG
The Unperfect Match
Teen FictionDylan's high school life has always been a one-sided rivalry against Yno. No matter what he does, Yno always comes out on top, calm and untouchable- rank 1 in class, star athlete, school favorite. Dylan's been stuck in second place for as long as he...