ALAM niyo yung kasabihan na 'keep your friends close and your enemies closer'? Well hindi naman ako nainform na dapat pala iyung literalin.
Dahil talagang magkalapit na magkalapit lang kami ng bahay ni Yno. Sa lahat pa talaga, siya pa ang naging kapit bahay ko. Parang pinlano ata ng universe na "Ang boring ng buhay ni Dylan. Okay bigyan natin ng kunting excitement. Gawin nating magkapit bahay sila ni Yno. Tignan natin how how he handles his rival in a spitting distance."
Salamat talaga universe! Laking tulong.
Mababawas bawasan lang sana ang inis ko kay Yno kung nakatira kami ng opposite. Gaya ng nandito kami tas sila nasa dulo ng mundo. Oo ganun dapat! Sila mag-adjust at dapat sobrang layo nila para di ko makita ang nakakainis niyang pagmumukha.
Pero hindi eh! Parang mirror image lang ang mga bahay namin. Magkaharap na magkaharap! At ang worst, kahit di sinasadya ay nakakakuha ako ng daily updates mula sa kanya.
Kada labas ko ng bahay tuwing umaga pagkatapos magising, makikita ko kaagad kung ano ang mga ginagawa niya. Minsan pinapakain niya ang mga manok nila o di kaya'y magbabasa siya ng libro habang higop higop ang tasa ng kape niya.
Gaya ngayon, kakagising ko lang at diretso agad akong nagtimpla ng kape. Iyun kasi ang routine ko na kada magising, ang magkape. Humihigop ako ng kape ngayon habang paupo na sana sa kawayang upuan ng balkonahe namin nang mapansin ko si Yno.
Gawa lang sa kawayan ang bakod namin at hindi naman iyun gaano kataas kahit pa may mga San Fransisco na mga bulaklak na tinanim si mama sa harap nito kaya naman kitang kita ko pa rin yung bahay nila.
Pawisan ang katawan niya at tanging sweatpants lang ang suot habang nagwowork-out. Nagbubuhat siya ngayon ng isang dumbell sa kanang braso niya.
Pagkatapos niyang maka 15 reps ay nagpush up naman siya gamit ang sementong upuan nila kung saan niya tinutuko ang kamay niya. Gaya rin ng dumbell work-out niya. Hanggang 15 reps lang din siya.
Mahina akong natawa habang humihigop ng kape. 15 reps? Seryoso?Huh! Mahinang nilalang. Ganito dapat mag work-out ang mga tigasin Yno. Watch and learn!
Mabilis kong inubos ang kape ko saka pumasok sa loob at nilapag kaagad iyun sa lababo. Hinubad ko kaagad ang damit ko saka kinuha ang dumbbells ni papa na nasa ilalim lang ng aparador namin at dinala kaagad iyun sa labas.
Pumwesto ako sa labas kung saan makikita ni Yno ang gagawin ko. Dapat lang niyang masaksihan na mas malalaki ang reps ko kaysa sa kanya.
Nagsimula agad akong magwarm up exercise muna at nag 30 push ups. Pagkatapos nun ay nagsimula agad ako sa 30 reps ko habang buhat buhat ang magkabilaang mga dumbells sa kamay ko.
Napangisi ako nang makita kong napagawi ang tingin ni Yno sa akin habang umiinom ito ng tubig. Minumog pa niya iyun sa bibig saka dahan dahang nilunok.
Ayan! Watch and learn weakshit. Ganto mag buhat ang mga malalakas na nilalang. May pawork-out work-out ka pa tas 15 reps lang pala kaya mo.
Nakangisi lang ako habang patuloy na ginagawa ang work-out ko. Proud na proud ko pang finiflex ang biceps ko sa kanya. Ngunit kahit natapos ko na ang 30 reps ko ay nakatingin pa rin siya sa akin.
"Anong ginagawa niya?" taka kong bulong nang mapansin kong di man lang niya tinatanggal ang tingin niya sa akin.
Nakaramdam tuloy ako ng kunting hiya habang binubuhat ko ang dumbbell ko.
Naconscious tuloy ako kung may muta pa ba ako sa mata o may natuyong laway pa sa gilid ng labi ko. Pero hindi naman siguro tungkol iyun sa ganun. Iba kasi siya makatingin.
Bakit ganyan siya makatingin? Napakaseryoso! Parang kakainin ako ng buhay!
Di ko alam kung bakit kinabahan ako ng sobra nang maglakad siya papalapit sa gate namin. Kumikinang pa ang pawis sa tiyan niya tuwing tinatamaan ito ng sikat ng araw.
BINABASA MO ANG
The Unperfect Match
Teen FictionDylan's high school life has always been a one-sided rivalry against Yno. No matter what he does, Yno always comes out on top, calm and untouchable- rank 1 in class, star athlete, school favorite. Dylan's been stuck in second place for as long as he...