3•°BitterNovelWrites°•

144 13 0
                                    

TGW: CHAPTER 3

DARIUS POV

Nagising ako ng maramdaman kong tumatalbog ang higaan ko. "Daph!" Singhal ko sa kaniya at tinakpan ko ang mukha at tainga ko ng katabi kong unan.

"Wake up Kuya DJ!" Sigaw niya, hindi pa rin tumitigil sa pagtalon.

Wala akong nagawa kun'di ang umupo at hinarap siya. Tumigil siya at nakapambatang upo sa harapan ko. Sobrang laki ng ngiti niya habang kumikislap ang mata. Napairap ako sa ka-cutan niya at nagtungo sa banyo para maligo.

Pagkatapos ko ay wala na siya sa kwarto ko. Nagbihis na ako ng simpleng plain black t-shirt at jeans. Napatingin ako sa may balkonahe, hindi nakasara ang kurtina at dahil glass wall ito ay nakikita ko ang nasa labas. Gabi na pala.

Pagkalabas ko ng k'warto ay rinig ko ang matinis na sigaw ni Daph. Mukhang inaasar na naman ng mga kapatid ko.

"Kuya DJ!" Matinis na sigaw niya at tumakbo papunta sa 'kin saka niya ako inamoy. Niyakap ko siya para maamoy niya ako ng maayos. "Ang bango mo talaga Kuya DJ."

"Saan punta niyo?" biglang tanong ni Silver na 'di ko napansin na nandito pala.

"You don't need to know." Mataray na sagot ni Daph kay Silver saka niya ako hinila palabas.

Sumakay na kami sa kotse at nagtungo sa paborito naming bar. Ang GB Bar, ang tambayan naming lahat.

"Nak'wento nila sa 'kin ang nangyari sa 'yo Kuya DJ," nakangusong sabi nito halatang nagtatampo.

Agad akong umupo sa tabi niya ng makapasok na kami sa loob. May reservation na kami kaya alam na namin kung saang table kami uupo.

"Ang alin do'n? 'Yong tinapon ko 'yong mga book? O 'yong hiniwalayan ako ni Nica?"

"'Yong una, kuya!" Malakas na tili niya at pinalo ang braso ko. "I don't care about Nica, I hate her simula no'ng una pa lang. But I can't forgive you! Tinapon mo 'yong Books. Ang bad mo sana ginive mo nalang sa 'kin 'yon."

Hindi ko ito tinapon, tinago ko lang kasi ayaw kong makakita ng libro kasi baka 'pag nakita ko ang libro ay baka maging marupok ako at maging Bibliophile ulit.

"Kung Bitter ka like sa writer ay may i-rerecommend ako sa 'yo." May kinuha siyang libro sa bag niya at binigay sa 'kin.

Tinanggap ko ito at binasa ang title. My Last Cry? BitterNovelWrites ang author. Yeah halata ngang Bitter ang writer lalo na at 'yan ang naging pen name nito.

Mukha ngang maganda basahin 'to. Pero ayaw ko nang magbasa ng libro at baka aasa na naman ako sa wala.

Isasauli ko sana iyon sa kaniya ng sinamaan niya ako ng tingin kaya nilagay ko nalang ito sa table, iuuwi ko nalang 'yan mamaya at babasahin.

"May app 'yan." She drink her orange juice. Napalingon ako sa kaniya. Ganyan ka sikat ang writer para gawan ng App? "Mali ang iniisip mo," inirapan niya ako. "Lahat ng writer na nagtatrabaho sa Arellano Publishing Company ay kasali sa App na 'yan. Ibig sabihin kailangan mo munang matanggap d'yan saka babasahin namin ang kwento na gawa nila 'pag nagustuhan namin ang takbo ng kwento hihingi kami ng permission sa writer na pwede ba itong gawing libro. At isa sa mga sikat at magaling na writer sa APC 'yang si BitterNovelWrites," paliwanag niya.

Napatingin ulit ako sa libro saka kay Daph at bumuntong hininga bago ko kinuha ang phone ko.

"Anong app?" tanong ko sa kaniya.

Golden Bullet: That Gorgeous Writer || COMPLETED ||Where stories live. Discover now