21•°Basbas°•

93 12 0
                                    

TGW: CHAPTER 21

LORRAIN POV

NAPATINGIN AKO kay Jordan na ngayon ay nakangiti lang sa 'kin na parang timang. Umalis lang kasi saglit si Darius dahil may aasikasuhin pa ito. Palagi na lang siyang umaalis na para bang may iba siyang pinagkakaabalahan.

Medyo naiirita na ako kasi nagiging busy na naman siya ulit. Natatakot ako na baka iba na naman ang mangyayari. Pero ang kailangan ko lang talagang gawin ay ang pagkatiwalaan siya. Kaya pinapaalala ko ang sarili kong magtiwala sa boyfriend ko.

Ayaw ko lang siyang mawala ulit. Gusto ko nasa akin lang ang atensyon niya. Gusto ko hindi siya mawala sa tabi ko at gusto ko ako lang ang mamahalin niya at mamahalin pa.

"Ano ba?!" inis na singhal ko sa kaniya.

"Napaka moody nito! Hindi ka naman siguro buntis 'no?"

"Ganito lang talaga ako! At hindi ako mabubuntis dahil wala akong mattress!"

"Pwede pala 'yon?" tanong nito na parang nag iisip.

Inismaran ko lang siya at hindi nalang siya pinansin pa. Gusto ko na siyang sipain. Kanina pa kasi siya nakatingin sa 'kin at paulit ulit nalang ang usapan namin.

Mukhang nililibang niya ako pero hindi naman ako nalilibang kasi ang boring na niya kausap.

"Okay fine! Ang boring kasi ang tahimik! Laro tayo, tanong ko sagot mo tayo."

Kumunut ang nuo ko sa trip niya sa buhay. Pero nang makita ang may pagbabanta niyang tingin ay sumang-ayon na lang ako.

"Okay G! Gaano kahaba?" Talaga nga namang alam ko na ang gusto niyang itanong.

"Ewan ko basta mahaba," bored kong sagot sa kaniya.

Panay ang tanong niya about sa sex life ko hanggang sa oras ko na para magtanong. "Anong pinagkakaabahalan mo ngayon?"

Saglit na natahimik si Jordan, nagdadalawang isip kung sasabihin ba niya sa 'kin o hindi. "May nakilala akong lalaki, no'ng una pinatulan niya ako kasi akala niya babae ako. Pero no'ng nalaman niyang lalaki ako ay iniwan niya ako. Imagine, sinayang ko ang oras ko sa taong iiwan lang ako."

"Gago 'yon ha, anong karapatan niyang bastusin ka ng gano'n? Mas maganda ka pa nga sa babae."

"O diba? Mas maganda pa nga ako sa 'yo eh, choosy pa siya."

"Binabawi ko na pala ang sinabi ko, lumaki ulo eh." Nagtawanan kaming dalawa.

° • °

DARIUS POV

NAGPAALAM ako sa kay Lorrain pero hindi ko sinabi ang totoong dahilan. Gusto kong surpresahin ang girlfriend ko. Nakasakay ako ngayon sa private plane ko, hinihintay na makarating sa pilipinas. May kailangan lang akong gawin sa pilipinas bago ko gagawin ang balak ko.

"Ano na?" Tanong ko kay Sky na sumalubong sa 'kin sa airport.

Napanguso siya dahil sa tanong ko. "Grabeng salubong ha, hindi mo ba ako namimiss?"

Napangiwi ako, "hindi. Akin na, asan na ba? May nakuha ka bang mga impormasyon?" Inilahad ko ang kamay ko sa harapan ni Sky.

Inirapan niya ako bago binigay sa 'kin ang isang folder. Tinapik ko ang balikat niya bago siya nilagpasan at sumakay sa sasakyan ko.

Nag drive ako papunta sa address na nasa file na bigay ni Sky.

Habang lumalapit ako sa destinasyon ay ramdam ko ang kaba. Pero kailangan kong tatagan ang loob ko.

Nang makarating ako ay sumalubong sa 'kin ang malaking bahay. Nasa harapan na ako ng gate ng bahay nila pero hindi ko magawang makapag doorbell dahil sa kabang naramdaman ko.

Kinalma ko ang sarili, pipindutin ko na sana ang doorbell nang biglang bumukas ang pinto ng gate. "Sino ka? Anong kailangan mo?" Napakurap ako ng makita ang isang babaeng may katandaan na nasa harap ko. Isang magandang babae na kahawig ni Lorrain.

"Kayo po ang pakay ko rito ma'am. Ako po si Darius Jake Sanchez, boyfriend po ako ni Lorrain. Nang anak niyo po," halatang nagulat ang ginang sa sinabi ko.

"Sino iyan mahal?" Biglang lumitaw sa likod niya ang isang matangkad na lalaki, na mukhang ama ni Lorrain. "Sino ka?"

"Kung boyfriend ka ni Lorrain, anong gusto mong pag-usapan?" Hindi ko nasagot ang tanong ng ama ni Lorrain dahil sa tanong ng ginang. "Sa loob tayo mag-usap. Pasok ka." Binuksan niya ang pinto bago siya naglakad papasok sa loob ng bahay. Sumunod ako sa kanila.

Hinawakan ko ang kamay ko para pakalmahin ito, dahil grabe na ang panginginig.

Napatigil ako sa isang bahagi ng sala ng makita ko ang mga picture frame nila. Mukha ni Lorrain at ni Agent Miya ang nandito.

Pero mas pinagtuonan ko ng pansin ang mukha ng girlfriend ko. Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng makita ang itsura niya noong nag-aaral pa siya. Napakasimple niya, pero ang ganda.

Napaayos ako ng tayo nang makarinig ng malakas na tikhim. Yumuko at humingi ng paumanhin. "Maupo ka." Agad kong sinunod ang sinabi ng ginang at umupo sa isang upuan. "Kung nandito ka para hanapin ang girlfriend mo, wala rin kaming alam. Matagal na siyang wala sa poder namin. Simula no'ng naghiwalay sila ni Ralph."

Saglit akong natahimik at tumingin sa kanila. "Naguguluhan po ako. Ang sabi po sa 'kin ni Lorrain at gusto po ni Ralph si Nica at niloko lang pala siya nito. Pero ang sabi naman ni Nica sa 'kin na kaya hiniwalayan ni Ralph si Lorrain at dahil hindi ho kayang ibigay ni Lorrain ang gusto niya." Nakuwento na sa 'kin ito ni Lorrain pero may mga parte na hindi ko maintindihan dahil hindi nagkakatugma.

"Alam mo na ba ang tinatagong sekreto ng anak ko?" seryoso na tanong ng Papa ni Lorrain.

"'Yong hindi ho siya magkaanak?" tanong ko sa kaniya at tumango. "Alam ko po."

"Ano bang pakay mo? Bakit ka nandito?" tanong uli' ng mama ni Lorrain.

"Nandito po ako para hingin ang basbas niyo. Gusto ko pong pakasalan si Lorrain."

"Ikakasal na si Lorrain?" Hindi makapaniwalang tanong ng ginang.

"Hindi pa po. Magpopropose pa lang po ako sa kaniya. Dahil advance po akong mag-isip kaya hihingin ko muna ang basbas niyo bago ako mag propose po sa kaniya." Rinig ko ang tawa ng ginang dahil sa sinabi ko. "Nandito po ako sa harapan niyo at nangangakong hindi ko iiwan ang pinakamaganda niyong anak."

"Sa tingin mo sinong maganda? Si Lorrain o si Miya?" Tumaas ang kilay ng papa ni Lorrain.

"Maganda rin naman si Miya, pero mas maganda ang Lorrain ko." Kapag narinig ni Miya ang sagot ko baka mawalan pa ako ng trabaho.

Lumakas ang tawa ng ginang. Napatigil ako dahil parang narinig ko ang tawa ni Lorrain sa kaniya. Mukhang sa mama niya nakuha ang lahat ng meron siya.

Napatingin ako sa papa ni Lorrain. Ang lalaking kanina ay hindi nakangiti simula no'ng pumasok ako ay may magandang ngiti na nakasilay sa labi niya habang nakatingin sa asawa.

"Halatang mahal na mahal niyo po ang asawa niyo." Napatigil sa pagtawa ang ginang, napatingin naman sa 'kin ang papa ni Lorrain.

Ilang saglit lang bago siya ngumiti. "Simula kasi no'ng umalis si Lorrain sa poder namin, parang wala nang buhay ang bahay. Ngumingiti ang asawa ko, pero ngayon ko lang ulit narinig ang tawa niya at nakita ang totoong ngiti niya." Humalik siya sa buhok ng asawa. "Kaya wala na kaming karapatan na bigyan ka ng basbas, kinamumuhian kami ng bunso namin."

"'Wag po kayong magsalita ng gan'yan. Nagkakamali po kayo, mahal po kayo ng anak niyo. Pangako niyo sa 'kin, dadalo kayo sa kasal namin... pero bago po 'yan, tulungan niyo po ako sa pagdasal na makukuha ko ang matamis at masarap na oo ng anak niyo."

Tumawa ang ginang sabay tayo. Yumakap siya sa 'kin.

Natanggap ko ang basbas ng mga magulang niya.

Tanging, oo nalang ni Lorrain ang kailangan ko para tuluyan na kaming ikasal dalawa.

°•°•°•°

SCRIPTINGYOURDESTINY

Golden Bullet: That Gorgeous Writer || COMPLETED ||Where stories live. Discover now